THE BULLY (BXB)
+Iyo Morimoto___________
Naririnig ko ang ilang hikbi niya sa kanto.
"Yan ang bagay sayo. Hindi ka bagay dito. Lalambot lambot ka kase" Maangas na sabi ko kay Den Mark o mas kilala bilang DM
Sa lugar ng Sta. Cruz tanging siya lang ang nag iisang bakla. Kaya naman gigil na gigil sa kanya ang mga tambay sa paaralan at laging napag-iinitan.
Natanaw kong nanginginig siya sa takot.
Binalot niya ng sarili niyang braso ang sarili. Yinakap niya ng mahigpit ang kanyang katawan.
Nakatulala habang umiiyak.
Nanginginig na tila natatakot.
-
"Kyle, paabot nga niyang yosi ko" ani ng barkada kong si Juan.Iniabot ko naman iyon.
Nakatambay nanaman kami. Ganto naman talagang gawain namin kapag na-boboring kami sa guro namin. Tinatakasan namin tapos naninigarilyo na lang kami.
Oklats ba naman kase yung matanda na yon. Ang baba pa magbigay ng grades , kakagigil.
Biglang nag-init ang ulo ko ng matanaw ko si Den Mark. Naglalakad na nakayuko tila kay bigat ng problema.
Letcheng bakla to. Bakit pagala-gala to! Wala ba tong klase.
Dahan-dahan siyang napatingala. At biglang nagtama ang tingin namin sa mga mata. Agad siyang nag - iwas ng tingin.
Lilihis na sana siya ng ibang direksyon ngunit tinawag siya ni Jek isa rin sa barkada ko.
"Hoy baklaaa!!"
Napahinto agad si DM.
Dahan dahan siyang pumihit patalikod. Nakayuko itong lumapit sa amin
"Bakit po? May iuutos po ba kayo?" Magkaka-edad lang kami pero dapat lang may galang siya sa amin. He's nothing but just our slave. And also , buntunan ng galit.
"Iniwan ako ng girlfriend ko eh" Panguna ni Jek . Tapos bigla niyang sinapak si Den Mark
Nagsitawanan kaming magbabarkada.
Isa sa mga rules naming mga magkakaibigan.
Kapag galit ka at nakakita ka ng bakla , sigawan mo
Kapag iniwan ka ng girlfriend mo at nakakita ka ng bakla , suntukin mo
Kapag bad-trip ka at wala kang mapag-buntunan . Maghanap ka ng bakla. Batukan mo
Napangisi ako ng makita kong maiiyak na siya. Nakayuko pa rin.
Sinapak pa ulit siya ni Jek.
"Siguro dahil yon sayo! Salot talaga sa lipunan ang mga bakla! Dun kana! Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong madagdagan pa yang pasa mo!"
Nagsisitawanan kaming nakatingin sa likuran ni DM at nagmamabilis na umalis sa lugar na iyon.
"Hoy DM! Gawan mo nga kami ng assignments!"
"Oo tapos hetong projects"
"Tapos heto na ring math subject na to. Notebook yan ng gf ko , paki-ingatan"
Nanginginig na tumango si Den Mark "B-Baka po ....matag-matagalan kase ..a-ano po----
Hindi na niya nadugtungan iyon dahil sumigaw ako
"Anooo!! Nagrereklamo ka na!!"Umiling-iling na lang siya at saka nadatnan kong lumalandas nanaman muli ang mga luha sa kanyang pisngi.
Napangisi ako at nakipag-apir sa barkada.