Z
+Iyo Morimoto________
Alam mo ba na...
_____"Please Athena , h'wag mo akong iwan. Ibibigay ko sayo ang lahat. Just don't leave me...Please." Halos maglupasay na ako sa lupa para h'wag mo akong iwan.
Anong nangyare sa ating pag-iibigan?
May nagawa ba akong mali? Lahat ginagawa ko ,manatili ka lang
"Aeron. Nakikinig ka ba? Niloko lang kita. Pinaikot. Ginamit. Bumitiw kana dahil mas masasaktan ka kapag mas kumapit ka"
_____
Mahal na mahal kita.
_____"Athenaaaa! Buksan mo ang pintoooo! Mag-usap tayoooo!"
Gusto kong gibain ang pintuang sagabal sa akin upang masilayan ka.
Athena..
Parang awa mo na.
Isang yakap lang , please..
"Anong kailangan mo sa Asawa ko" Naging matigas ang itsura ng aking mukha. Si Fuevos.
Siya ang pinaka-maswerteng lalaki ngayon sa mundo dahil... dahil nasa kanya ang Athena ko.
"Ano ba talaga ang ginagawa mo dito gago ka", saad ni Fuevos sa akin. Habang ako'y nakayukong sumagot
"Si Athena ang kailangan ko , hindi ikaw ,Fuevos"
Nakita kong napa-ngisi siya.
"Masyado atang ginalingan ng asawa ko ang pagpapa-ikot sayo. Ang isang Aeron na hawak ang sikat na 'Z' ay luluhod para sa pag-aari ng iba. Para sa pag-aari ko."Hindi ko mapigilang manlumo sa sinabi niya. Noon naman matatag ako. Walang emosyon. Pero napalambot niya ako. Kahit nalaman ko noon na ginagago niya lang ako. Sinekreto ko para h'wag tapusin ang kahibangan ko sa piling niya.
Para maging akin muna siya... kahit pansamantala lang.
_____
Magmula nang makita kita. Hinahanap hanap ka na ng aking mga mata.
_____Agad na naglandas ang mga luha sa aking mga mata. Nang magpasya si Athena na makipagkita sa akin.
Niyakap ko ng mahigpit ang bewang niya.
"A-Aeron. Hindi ako makahinga"
Ngumiti ako at kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya
"Salamat , Athena . Akala ko talag di mo na ako sisip-----
"Aeron" Maawtoridad ang boses niya.
"A-Athena?" Kinakabahan ako.
Sa dami nang napagdaanan ko sa kanya lang ako kinabahan ng ganto.
Maging ang isang kutsilyo at baril ay naiilagan ko kapag may umaatake sa akin sa laban pero kapag si Athena na... salita niya lang , nanlalambot na agad ang tuhod ko. Sapul na sapul ang aking puso sa bawat letra na binabato niya
"Sinabi ko na di ba" Di siya sa akin makatingin ng deretso . Nakayuko siya. "Tigilan mo na to , dahil mapapahamak ka"
"Athena , wala naman akong pakialam kung mapahamak ako. Basta ... makasama kita. Yun lang Athena. Yun lang ang eh. Yung makasama ka"
"Si Fuevos..." Bumuntong hininga siya. "...pababagsakin niya ang grupo mo , dahil sa akin."
Alam ko na. Alam ko nyang una pa na hahawakan niya lalo si Athena dahil 'siya' ang alas nila.
Wala akong naging tugon sa halip niyakap ko na lang siya. "Handa akong ibigay ang 'Z' ,basta ikaw ang kapalit" Buong lakas kong sabi.
"Nahihibang ka na ba? Matagal ko ng asawa si Fuevos. Mahal niya ako at mahal ko rin siya. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ginamit lang kita para makuha ang impormasyon na hawak mo! Tataob ang 'Z' dahil diyan sa nararamdaman mo!"
