4

5 1 0
                                    

BILANGGO
+Iyo Morimoto

__________

Labing-tatlong gulang ako ng magkagusto ako sa'yo. Masyado akong nahulog sa kagandahan at kakaibang kaugalian mo.

Labing-limang taon na ako ,  nang ibigay mo ang matamis mong "Oo" . Kahit na bata pa tayo   namulat ako sa salitang 'Nababaliw ako sa pagmamahal mo'.

Sumapit ang ika-labing pitong gulang ko. Naranasan ko kung paano magloko. Sapagkat binata na. Nakuha ko ng maglaro.

"TRIP LANG!? Trip lang tawag mo sa pagkikipag-halikan? ", basag ang boses n'ya ng sumbatan n'ya ako.

Hindi ko alam kung anong klaseng demonyo ang sumapi sa akin , kung bakit hinahayaan kong masaktan s'ya ng ganito.

"E di kung 'di mo na kaya ang ginagawa ko. Umalis ka na lang sa buhay ko", walang pasubali kong sabi. At saka pa ngumisi.

Sinampal ako ng pagkalakas-lakas ni Lyn at iniwan roon.

Sa pagkakataon na rin 'yon , nagbago ako.

Nakita ko kung paano ko nasira si Lyn , at wala akong pakialam roon. 'Di ko mabigyan ng pansin ang paghihirap n'ya n'on.

Hanggang sa nakita ko s'yang bumubuti na. Habang ang akin ay  kasalungat. Na habang binubura na n'ya ako sa isipan n'ya. Yung isipan ko , mas lalong lumalala. Imahe n'ya ang nakikita ko sa t'wing may iba akong hawak.

Labing walong taong gulang ako ng maramdaman ko ang tunay na sakit na nananalaytay sa buong sistema at kasuluk-sulukan ko. Yung tipong wala ka ng makikitang pag-asa. Na ultimong huminga , napapagod ka na. Heto rin ang araw na may iba na s'ya. Na may kapalit na ako. Na totoong burado na ako sa puso n'ya. Na 'di na n'ya ako mahal.

Umuwi akong lasing sa bahay nila. Hinahanap-hanap s'ya. Ang presensya n'ya. Ang yakap n'ya. Ang buong s'ya. Gusto ko kami na lang ulit. Ako na lang ulit. Gagawin ko ang lahat. 'Di na ako magloloko. 'Di na ako manggagago. Maging akin lang ulit si Lyn. Akin.

Pero ibang salita ang narinig ko sa kanya "Mahal ko ang bago ko Dylan. Kung pumunta ka dito para magmakaawa sa ikalawang pagkakataon. Huli na. Wala ka na saking mapapala"

Umuwi ako sa bahay na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Magdamag ako gising kakaiyak . Kakaisip. Wala akong ginawa kundi magsisi sa katangahang ginawa ko noon.

Nakita ni Mama ang pagbabago ko. Kung paano ako naging miserable . Mismong pag-aaral ko , gusto ko ng sukuan.

Hanggang sa , sabi ni Mama "Ako ang bahala , Anak. Kung 'yan lang ang bagay na ikakasaya mo. Magagawan ko 'yan ng paraan"

Pagkat ma-impluwensya ang aming pamilya. Nakuha namin ang atensyon ng magulang ni Lyn. Mahirap lamang sila . Katulad ng gagawin ng ibang ordinaryong tao. Wala na silang nagagawa dahil ang higit na mas makapangyarihan ang mananalo.

Tinumbasan ni Mama ng pera ang atensyon at pagmamahal na gusto ko mula kay Lyn.

Tanga pakinggan pero 'yan ang aking kaligayahan.

Bawat kumpas ng relo habang kasama ko s'ya , ay tinutumbasan ng pera at pinapadala ng aking ina sa pamilya n'ya.

Masyado akong nabaliw sa kanya.

Kahit na alam kong ako ang lihim n'yang pangalawa. Ayos lang. Tanggap ko ng 'di ako ang magiging una.

Dito ko naramdaman kung gaano kasakit ang naramdaman n'ya noon.

Mas doble pa nga ata ang sa akin.

Na habang naglalambingan sila ng una n'ya. Nanunuod lang ako. Lihim na pinapatay ang lalaki na 'yon sa utak ko.

Na habang nagyayakapan sila , pinapangarap ko , na sana ganyan din s'ya kasaya kapag s'ya ang nasa bisig ko.

Na habang naghahalikan sila. Iniisip ko , na bakit parang mas mahal n'ya pa ang lalaking 'to. Kesa sakin na mas totoo.

Hindi ko maiwasang maluha sa pagkakataon na 'to.

Lubos lubos na ang pagsisisi na ginawa ko. Bakit ba hindi na lang ulit s'ya maging akin ng buo?

Yung mamahalin n'ya ako ng tapat.

Na walang pera na kapalit ng oras n'ya.

Na 'di ko na kailangang sabihan s'ya na kailangan ko s'ya. Na gusto ko na s'yang makita. Na nais kong mayakap s'ya kahit isa lang

Kahit alam kong napipilitan lang s'ya sa relasyon namin. Tinatanggap ko. Dahil kahibangan ko ang bagay na 'to. Ang magpatalo sa pag-ibig na sinira ko.

Tuluyang nanghina ang tuhod ko ng makita ko kung paano n'ya ako muling talikuran.

"Lyn... Sa'n ka pupunta?"

"Pwede ba Dylan? Ayaw ko na. Kung gusto n'yo magtratrabaho na lang ako para ibalik ang pera na sinayang n'yo sa pamilya ko!"

Hindi ganon ang gusto ko. Ikaw. Ikaw lang naman ang gusto kong makuha.

"H'wag.... naiintindihan ko. H'wag Lyn.. Kung magtratrabaho ka pa. Mahihirapan ka lang"

Nilunok ko ang lahat ng pangungulang naramdaman ko mula sa kanya.

Hanggang sa sumapit ang ika-dalawang pu'ng taon ko sa mundo. Nabalitaan ko na sa murang edad , nakuha ng makisama ni Lyn at ng kasintahan n'ya noon sa iisang bahay.

Lubos akong nagdamdam sa balita na 'yon.

At dahil sa sakim na pagmamahal na 'to.

Nakuha kong pumatay ng tao.

"Ginawa ko 'yon para sa'yo. Parang maging akin ka ulit. Para tayo na lang ulit"

"Demonyo ka! Pinatay mo s'ya! Pinatay mo ang nagbibigay sa akin ng saya. At 'di 'yon matutumbasan ng kabaliwan mo!"

Napatungo ako sa pagkakataong iyon.

Muli , sinisi ko ang aking sarili kung bakit s'ya nasasaktan.

Nang dahil sa pagiging makasarili ko. Naging kriminal ako. Hindi ko namalayan , illegal na pala ang pagmamahal na inaalay ko.

IYONG's One Shot Story (Sad muna Sismars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon