MISTAKEN
+Iyo Morimoto______________
"Aray ko naman , bitiwan mo ako!"
"Sumama ka sa akin Jane! Mag-uusap tayo!"
Jane?
Jane?
Jane?
Puta hindi ako si Jane! Ako si Jassy. Kingina ano nanaman qng kalokohang ginawa ng kakambal kong loka loka.
Napapunta kami sa isang sulok ng aming paaralan.
"Hindi ako si Jane!" Pagpupumiglas ko habang madiin ang pagkakahawak nya saakin
"Niloko mo na ako nung una! Kaya hindi ako papayag na madalwahan mo ako Jane!"
"Maniwala ka ! Hindi ako si Jane! Ako si Jassy! Please bitiwan mo ako nasasaktan ako"
Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahwak sa braso ko habang ako ay halos maiyak na , pakiramdam ko hindi na dumadaan ang aking dugo sa aking pulso.
Napansin nya ata na may butil na namumuo sa aking mga mata kaya binitawan nya ako.
Dahan dahan nyang hinawakan ang dalawa kong balikat
"I'm ... I'm sorry Jane...."
Nababasa ko ang sinsiridad sa lalaking ito.
Hinaplos nito ang aking pisngi.
"Nasaktan ako sa ginawa mo... I just .... I just love you"
Napapaluha na ang lalaking nasa aking harapan ngunit wala akong ka ideya ideya kung sino ito.
Ang tanging alam ko may katarantaduhang ginawa ang aking kakambal kaya't ako nanaman ang napagbintangan
Sa gitna ng aking pagmumuni muni , nabigla ako ng maramdaman ang haplos ng isang labi sa aking noo.
"Jane.... papatawarin kita , basta mag explain ka lang sakin"
Nakakainggit ang ate ko. Napakaswerte nya sa lalaking ito. Ano ba ang ginawa nya rito? Napakaiyaking masyado pagdating kay Jane
"Hi---hindi ako si Jane"
Tinitigan ako ng diretso ng lalaking ito. At nagdilim ang kanyang mukha. Bahagya syang napalayo sa akin at napahilot sa sintido.
"Utang na loob Jane. Wag ka na magsinungaling.Nahuli na nga kitang may nilalanding iba tapos magsisinungaling ka pa na hindi ikaw ang taong kausap ko ngayon? Hindi ako tanga Jane! Hindi ako Tanga"
"Pero------"
Magsasalita na sana ako ngunit bigla nyang hinapit ang aking bewang at ako'y hinalikan
Napayuko ako pagkatapos nyang gawin yon.
"Hindi ako si Jane" mahina kong sinabi
Biglang lumuhod sa aking harapan ang lalaki at niyakap ang aking binti
Nagsimulang tumulo ang mga luha nito sa kanyang mga mata.
"Jane...." nanghihina ang mga tinig nito . "Pakiusap... wag mo na akong bilugin ... pinapatawad na kita sa kasalanan mo basta magpaliwanag ka... patuloy kitang mamahalin.. please , magpaliwanag ka lang"
Nanikip bigla ang aking dibdib.
Ate, ang swerte mo sa lalaking to. Minsan na lamang ang mga lalaking ganito. Pero I'm sorry kailangan ko ngayong magpanggap na ikaw para mapagaan ang loob ng lalaking isa sa napaglaruan mo.
Bahagya akong napasilip sa kanyang I.D. Kevin Jetomo ang kanyang pangalan
Huminga ako ng malalim.
