12

3 0 0
                                    

DEMONYO
+Iyo Morimoto

___________

____
Bilang nakakatandang kapatid, trabaho kong bantayan ka
____

"Kuya ! Kuya , saan ka pupunta" tanong ng aking nababatang kapatid na si Amor.

"Gagala lang ako , Amor. Shhh wag mo akong isusumbong kay Mama ha? May lakad ang barkada"

Pinakitaan nanaman niya ako ng mga mata niyang nagsusumamo.

Para siyang tuta na nais manghingi ng buto.

"Pasama" habang nakahawak pa sa damit ko.

Limang taon ang tanda ko sa aking kapatid. At ngayong kinse na ako di ko maaaring isama sa mga lakad na pambinata ang isang batang katulad niya

"Bawal eh , pasasalubungan ka na lang nang Kuya? Okay?"

Hinalikan ko siya sa noo. At nakasimangot siyang tumalikod sa kin

_____
Alagaan ka...Mahalin ka...
Protektahan ka
_____

"Aba , dalaga na yang kapatid mo , Eros ah!" Bati saakin ng ilan kong  barkada

"Huwag kayo magkakamali. Trese pa lamang hetong si Amor. Di ko pa heto pinaliligawan" Matalim ang titig ko sa aking mga kasama.

Habang ang aking kapatid ay inosente lamang na nakikinig sa aming pinag-uusapan

_____
Trabaho ko na pag-higpitan ka pagkat maaari kang mapahamak
_____

"Go Eros! Go Kuya! Go sexy sexy Kuya!" Natutuwa ako sa sigaw ng aking bunso mula sa malayo.

Hawak niya ang napakalaking banner na pinaghirapan niya.

Pinagsipagan ko na manalo ngayon sa liga. Lalo na at naghanda pa cheer ang aking kapatid

"Kuya! Ang galing mo potekk! Para kang si Lebron. Pero kamukha mo si Fafa Curry!"

"Ano si Curry? Eh bakla yon"

Sinuntok niya ako sa tiyan

"Potek ka kuya! Basta kay fafa Curry ako. Ikaw don ka sa hambog mong Idol na si Kyrie Irving pamask-mask pa ang pota"

Pinamaywangan ko siya

"Aba. Ang mga salita mo ha? May pa 'fafa , fafa' ka nang nalalaman. At ang mga mura mo Amor ayusin mo"

Nawala ang aking pangaral ng ako'y kanyang yakapin

"Sorry Kuya. Di na mauulet"

_____
Kapag hindi ko gusto ang isang bagay para sayo , sundin mo. Dahil mas alam ko ang takbo ng mundo
____

Binangga ko ang balikat ng isang lalaki na katabi ni Amor.

"Sino to?" Matigas kong sambit

"A-Ah nanghihingi lang po sana ako ng number ni A-Amor" nanginginig na sabi sa akin ng binatilyo

"Number ko baka gusto mo rin?" Maangas kong sabi

Siniko ako ni Amor

"Pasensya kana Gerald. Ahm.. bukas na lang. Ibibigay ko sayo bukas" napahiyang umalis ang binata sa aming harapan

"Ikaw naman Amor , ang bata bata mo pa may pabigay-bigay kana agad ng number!"

Hinawakan nanaman niya ang damit ko. At binigyan nanaman ako ng nagpapa-awang mga mata.

Alam niya talaga kung paano ako paikutin

"Kuya kase. Lahat ng classmate ko may text mate ako na lang yung wala"

IYONG's One Shot Story (Sad muna Sismars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon