M.C.F. Chapter 20 The Call

2.8K 55 1
                                    

Nagising ako na nasa kama na ako.

"Eunice! Anong nangyari kagabi?! Ok ka lang ba??" Nagaalalang tanong ni Mark.

"Ah oo. Ok lang ako." Sabi ko at yumakap sa kanya.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo." Sabi niya.

"Hindi mo naman ako pababayaan diba? Kaya walang mangyayari sa akin." Sabi ko. Naramdaman ko yung kamay niya na yumakap sa likod ko.

"I will protect you, I promise." Sabi nito.

"Thank you." Sabi ko. Humiwalay siya ng onti at hinalikan ako sa noo.

"Anything for you." Sabi niya.

"Labas muna tayo." Sabi ko.

"Saan naman tayo pupunta? May pasok pa tayo ah." Tanong niya.

"Gala tayo. Ayoko munang pumasok eh." Nakangiti kong sabi.

"Sige maligo ka na para makaalis na tayo." Sabi niya. Tumango na lang ako at pumunta sa banyo. Nakita ko yung isang maliit na box na color black. Kinuha ko ito at binuksan. May larawan nang isang babae at si Mark na magkasama. Masaya silang tingnan at mukhang walang problema. 

"Sino to?" Tanong ko sa sarili ko.

"Eunice. Naliligo ka na ba?" Tanong ni Mark mula sa labas.

"Hindi pa." Sabi ko at sinara agad yung box. 

"Buksan mo tong pinto may kukunin lang ako." Sabi niya. Binuksan ko yung pinto. Agad naman niyang kinuha yung box kanina at lumabas. Sino yun? Aish! BAka naman kamaganak lang. *Tango* tama kamaganak lang niya yun. Naligo na ako. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng simple Pink Dress na may ribbon sa likod at pink na doll shoes na may ribbon din. Bumaba na ako sa sala. Nakita ko agad si Mark habang nakaupo sa sofa. 

"Sure ka ba na ayan ang damit mo? Magpalit ka nga ng t-shirt at pantalon." Sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama. 

"Wala naman masama kung eto ang sosootin ko ah." Sabi ko.

"Magpalit ka." Sabi niya.

"Ayaw!" Sabi ko.

"Ayaw mo talaga? o baka naman gusto mo ako ang magbihis sayo?" Tanong niya habang nakasmirk.

"FINE!" Sabi ko at bumalik sa kwarto ko.

"Tara na." Sabi niya. Pagkababa ko wearing simple t-shirt and jeans.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. 

"Basta." sagot niya. Sumakay na kami sa sasakyan.

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon