M.C.F. Chapter 15 I Love You

3.5K 75 1
                                    

A/N: Boo!! Ayan naaaa!! Wag mo na nga isip yang iniisip mo.. masyadong gwapo si Mark kesa sa kanya.. kasi cute siya cute hindi gwapo. xDD chosera!! Hahahaha..

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Nagising ako dahil sa bahagyang paghigpit ng pagyakap sa akin ni Mark. Ang gwapo niya talaga. Marahan kong hinawakan ang kanyang mga mata papuntang ilong at bibig.

"Mahal na mahal kita Mark." Sabi ko at yinakap siya.

"Mahal na mahal din kita Eunice. Please patawarin mo na ako. Hindi ko kayang mawala ka, ikamamatay ko." Sabi niya at hinigpitan ang pagkayakap niya sa akin.

"Gi--gising ka?" Nauutal na tanong ko.

"Kanina pa po." Malambing na sabi nito. "Alam ko na." Dugtong pa nito.

"A--anong a--alam mo na?" Kinakabahan slash nauutal kong tanong.

"Nawala kang amnesia. Umamin na sa akin yung doctor. Yung kahapon na babaeng tinawag kong hon eh best friend ko since birth. Kaya hon eh short ng pangalan niya kaya yun na lang yun maging call sign namin. Siya lagi ang nakakausap ko tungkol sayo, lalo na pagmalungkot ako." Sabi nito habang naka yakap pa rin sa akin.

"Ganun ba? Akala ko kasi girlfriend mo. Actually that time sasabihin ko na sana yung totoo pero nag..nagselos ako kaya di ko na lang sinabi at umalis na lang. Hindi naman talaga kami magkikita pero yun na lang ang sinabi ko para maka alis." Sabi ko at yumakap sa kanya na parang bata.

"Sus. Selosa ka pala? Hahahahaha.." Sabi niya habang tawa ng tawa.

"Tawa pa! Maganda yan!" Inis na sabi ko at kumalas mula sa pagkakayakap ko sa kanya.

"HAHAHAHAHA!!" Sabi na nga ba! Mali yung sinabi ko!

"Tsk! Tumawa nga!" Sabi ko sabay talikod.

"Hahahaha.. hindi na nga eh. Hahahaha.." Sabi niya habang patuloy pa rin sa kakatawa.

"Tumigil ka na nga! Nakakainis na ah!" Sabi ko. Maya maya pa eh may yumakap sa akin sa likod.

"Namiss kita.." Sabi niya.

"Tingin mo ako hindi? Alam mo ba kung gaano kahirap magpanggap! Ha! Alam mo ba! Nakakainis ka kasi eh.." Sabi ko. Onti na lang tuluyan na tutulo ang laway--- ay luha pala! Hinarap niya ako at pinunasan ang uhog-- luha! Na kakatulo pa lamang.

"Shhh. Sorry ok? Hindi ko naman sinasadya eh." Sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Tama na nga! Nagugutom na ko *pout*" Sabi ko.

"Nagugutom na pala ang mahal na prinsesa. Sige magluluto lang ako." Sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Sama ako." Sabi ko.

"Sige po aking mahal na prinsesa." Sabi niya. Tuluyan na siyang tumayo at inalalayanan ako.

"Karga mo ko sa likod. Pleaseee.. " Sabi ko at nagpacute.

"Opo mahal na prinsesa, sumakay na po kayo. Hahahaha." Sabi niya at tumalikod sa akin. Sumakay na ako at siya naman eh naglakad na. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

"I love you." Bulong ko.

"I love you more." Sabi naman niya. Naglakad na kami pababa para pumuntang kusina. Pagkadating namin dun nilapag niya ako sa upuan at hinalikan ako sa pisngi. Pumunta siya sa ref at naghanap nang mailuluto. Nilabas niya ang mga ingredients para sa sinigang *Q* waaahh!! Ma favorite! Bago siya magstart maghiwa eh kinindatan niya muna ako. >/////< ang gwapo niyaa.. Lumapit ako sa kanya.

"Pwede patulong sa paghihiwa? Please.." Sabi ko.

"No." Maiksing sagot niya.

"Please!!" Pagmamakaawa ko.

"No and that's final. Baka masugatan ka." Sabi niya. Hanubayun?! Aahh alam ko na.

"Sige na nga! Since ayaw mo akong patulungin at nabobored na ako tatawagan ko na nga lang si Clyde, para naman may kausap ako." Sabi ko. Tingnan na lang natin ngayon. Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Eto na nga hiwain mo! Magingat ka baka masugatan ka!" Sabi niya. Oh diba?! Napapayag ko siya. HAHAHAHA *evil laugh*

"Yehey!" Sabi ko at nagstart ng maghiwa. Hiwa lang ng hiwa ng

"ARAY!!" Sigaw ko..

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon