M.C.F Chapter 35-

2.2K 47 1
                                    

Ilang linggo na ang lumipas. Hindi pa rin nakikita si Eunice. Naiinis ako sa sarili ko. Ako dapat ang sisihin. Araw-araw akong napunta sa police station para magtanong pero wala. Nagmamaneho ako ngayon. Sinusundan ko ng palihim ang sasakyan ni Troy. Pumunta ito sa isang bilihan ng bulaklak. Anong gagawin niya dito? Di kaya bibili siya ng bulaklak para kay Eunice? Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa flower shop kung saan siya pumasok.

"Oh iho ikaw pala." Sabi nung matandang babae na tingin ko eh nasa 50 na.

"Lola magandang umaga po. Yung kagaya po pa rin dati." Sabi ni Troy.

"Para ba ito sa magandang dalagang nililigawan mo?" Sabi nung matanda habang inaayos ang binibili ni Troy.

"Akala ko kaibigan kita!" Sigaw ko at sinuntok si Troy

"Mark." Gulat na gulat nitong sabi habang nakaupo sa sahig.

"NASAAN SI EUNICE?! NASAAN?!" Sigaw ko.

"Tol chill lang! Wala akong kinalaman sa pagkawala ni Eu." Sabi nito. Hindi ko siya pinakinggan sa halip ay agad ko itong sinuntok.

"Hindi ikaw?! KAYA KA PALA UMALIS AGAD NUNG UMALIS ANG PRIVATE INVESTIGATOR NA KINUHA KO PARA PATAYIN TO AT HINDI NIYA MALAMAN NA IKAW LANG PALA ANG KUMUHA KAY EUNICE! TAPOS NGAYON NA HULING HULI KA NA IKAKAILA MO?! SINONG GINAGAGO MO?! TELL ME! WHERE DID YOU HIDE EUNICE?!" I shouted and punched him twice.

"TOL! WALA AKONG KINALAMAN! TONG FLOWERS NA TO PARA TO KAY STEP! SIYA YUNG NILILIGAWAN KO! MATAGAL NANG NAWALA ANG FEELINGS KO PARA KAY EU!" Sigaw nito pabalik. Sasapakin ko pa sana siya ng may sumigaw.

"OH MY GOSH TROY! MARK STOP IT!" Step shouted and pushed me away from Troy. "Love are you ok?"

"See. This proved na hindi ko kinuha si Eu." Sabi ni Troy.

"Iho hindi ko man alam ang nangyayari pero alam kong nagiibigan ang dalawang ito. Hindi rin magagawa ni Troy ang binibintang mo." Sabi nung tindera. Napaupo na lang ako.

"Sorry." Yan lang ang tanging nabanggit ko.

"Ayos lang yun tol. Love hahatid ko lang si Mark para makapagpahinga." Sabi ni troy at ayun nga ang ginawa niya.

THIRD PERSON'S POV

Natutulog ang dalagang si Eunice ng pumasok si Bryle. Marahan niyang hinaplos ang mukha ni Eunice.

"Nababaliw na si Mark sa kakahanap kung sino ang kumuha sayo. Hahahahaha. Di niya alam at hinding hindi niya malalaman na nasa tabi niya lang ang hinahanap niya. Kung ako lang sana ang minahal mo Eu.. hindi tayo hahantong sa ganito." Sabi ni Bryle. Tumayo ito at umalis ng kwarto. Agad naman napaupo si Eunice at tiningnan ang susing nakuha niya mula sa binata. Nang makarinig ito ng pagandar ng sasakyan agad niyang binuksan ang pinto at marahan naglakad. Nagmasid-masid ito upang makita kung meron bang bantay at kung nasaan ang labasan. Nang makita niya ang malaking pinto agad itong tumakbo papunta dun at binuksan ng dahan-dahan. Naglakad siya ng marahan papunta sa gate nang makita niya ang dalawang bantay na tulog. Naglakad ito papalapit sa pinto na walang ginagawang ingay at binuksan ito. Nang mabuksan niya ito agad tong tumakbo paalis.

"EUNICE AKALA MO GANUN NA LANG KADALI ANG PAGTAKAS MO? HAHAHAHAHAHA." Sigaw ni Bryle habang may hawak-hawak na baril. Tinutok niya ito sa langit at pinaputok. Hindi ito pinansin ni Eunice na patuloy pa rin sa pagtakbo. Tanging ang iniisp lamang nito na kahit anong mangyari kailangan niyang makaalis para kay Mark at sa anak nila.

*BOGSHH*

"EUNICE!" Sigaw ni Bryle at tumakbo papunta kay Eunice na duguan at walang malay...




TO BE CONTINUED

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon