M.C.F Chapter 25 Her Past.

2.7K 57 1
                                    

"Sino ka ba?!" Tanong nitong mga tambay na to dun sa lalaki. Tiningnan kong mabuti kung sino iyon. Teka! Si Clyde ba yun?

"Eh kayo, SINO BA KAYO?" Pabalik na sabi nito at ngumisi.

"Ang yabang pre! Akala kung sino." Sabi ni Tambay slash lasing 1.

"Gusto ata makatikim eh." Sabi ni Tambay slash lasing 2.

"Tim, patikimin mo nga." Sabi ni Tambay slash lasing 3 dun sa kasama ni lang maitim. Sumugod naman ito upang suntukin si Clyde pero nakaiwas to at sinuntok ng malakas sa sikmura dahilan ng pagbagsak nito. Sumugod pa yung iba, pero nakaiwas siya at agad na sinipa't tinadyakan ang mga ito. Lumapit siya sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito.

"Ah o--- CLYDE! SA LIKOD MO!" Sigaw ko ngunit nasaksak na siya. Biglang nagdilim ang paningin ko at sinapak yung lalaking sumaksak kay Clyde. Hindi pa ako nakontento kaya pinagsisipa ko pa ito. Bigla naman dumating ang mga pulis na rumoronda.

"Miss ok ka lang??" Tanong nung isang pulis kaya na balik ako sa katinuan.

"Yu-yung kasama ko po, nasaksak." Sabi ko. Agad akong pumunta kay Clyde. Putlang putla na ito.

"Miss sumakay ka na sa sasakyan, kung hihintayin pa natin ang ambulansya baka bawian na ng buhay ang nobyo mo." Sabi nito at binuhat niya si Clyde. Tumulong naman yung isa pang pulis habang yung iba pang pulis ay hinuhuli yung apat na tambay. Pasalamat na lang ako at marami sila. Dumaretso kami sa malapit na ospital. Agad itong sinugod sa Operating Room. Umupo ako sa waiting area katabi ng OR. Sino ba dapat kong tawagan? Hindi ko naman kilala o alam man lang ang number ng kanyang magulang. Aish! It's all my fault. 

"Miss Amante? Ikaw ba ang kasama ng pasyente?" Tanong ng Doctor. Siya yung Doctor na tinakot ko para sabihin kay Mark na nagkaroon ako ng partial amnesia.

"Yes, so how is he?" Tanong ko.

"He's fine now. Buti na lang hindi malalim ang saksak at hindi rin naman ganun karaming dugo ang nawala. Kailangan niya lang ng pahinga." Sabi niya at umalis. Thank God he's fine. Pumunta na ako kung saan siyang room dinala.

"Clyde thank you for saving me. Sorry kung napahamak ka dahil sa akin. I'll promise to take care of you until you're fully recover." Sabi ko habang hawak-hawak ang kamay niya.

"My honor my queen." Sabi niya.

"Clyde! Gising ka na pala. Hi-hindi mo man lang sa akin sinabi." Sabi ko sabay palo.

"Aray! Eu naman eh. Kitang may sugat ako dyan." Sabi niya at nagpout.

"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko, sorry." Sabi ko at nagpeace sign. "Oh ano ok ka na ba? Anong gusto? Gusto mo ng makakain? Maiinom? Masakit pa ba? Gusto mong tawagin ko ang do---" 

"Kalma. Ok lang ako. Maupo ka na nga." Sabi niya. Agad ko naman ito sinunod.

"May gust--" Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at niluwa si Mark.

"Eunice!" Tawag nito. 

"Clyde, hindi ka ba nagugutom?" Pagbabaliwala ko kay Mark.

"Eunice naman! Please. Let me explai--" Hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ng magring ang phone niya, agad naman niya itong sinagot.

"Natalee...... Ok........ Papunta na ako." Sabi nito at umalis. Dumaan ang ilang saglit nagunahan ang mga luha ko sa pagbagsak. 

"Ilabas mo lang Eu. Nandito lang ako." Sabi ni Clyde. Hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko nagpapahiwatig na ok lang ang lahat.

"Ang sakit! Sobrang sakit! Masyado na ba akong nagpapakatanga? Maraming beses na itong nangyari. Nakakasawa na, sawang sawa na ako. Paulit-ulit na lang eh." Sabi ko habang umiiyak.

"Minsan kailangan mong matuto sa bawat nangyayari sa buhay mo. Malay mo, eto na pala yung sign na nagsasabing isuko mo na siya. Pero na sasayo pa rin ang huling desisyon, kung ipaglalaban mo ba siya o papalayain mo na siya. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo, wag ang sinasabi ng utak mo." Sabi niya.

"C-clyde." Sabi ko at niyakap siya.

"Shh.." Pagpapatahan niya.

"La-labas muna ako ah." Sabi ko. Tumango lang ito. Lumabas ako at nagtungo sa rooftop ng ospital. Pinagmasdan ko ang langit habang nakaupo sa bench.

"Bakit? Bakit nangyayari ang lahat na ito? Ano ba kasalanan ko? May nagawa ba ako? Alam kong nakasakit ako.. Pe-pero kung hindi ko ginawa yun wala na dapat ako dito. Eto na ba yung parusa ko? Pinagtanggol ko lang naman yung sarili ko eh. Hindi ko naman sinasadya ang mga nangyari. Natakot  lang ako sa pwedeng mangyari kaya ko yun nagawa." Sabi ko habang nakatitig sa kalangitan. Tumulo ang aking mga luha kasabay ng malakas na ulan. Hinding hindi ko makakalimutan ang nangyari noong araw na yun. Yung araw na muntik na akong mamatay. Yung araw na nakapatay ako.

FLASHBACKS (6 YEARS AGO)

"Mommie, Daddie ingat po kayo. Pasalubong ko po ah?" Sabi ko sa kanila.

"Alam mo naman malakas ka sa amin eh. Sige bye sweety." Sabi sa akin ni Mommie.

"Wag kang masyadong lumabas ha? Magingat ka. Bye anak." Sabi sa akin ni Daddie.

"Bye po." Sabi ko at tuluyan na silang umalis. Tumaas na ako sa kwarto ko. Wala naman akong makakalaro wala na nga si Mommie wala pa si Yaya Fe. Di naman ako close sa iba. 

"Hays. Makatulog na nga lang." Sabi ko sa sarili ko at dumaretso sa higaan. 

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa baba. Lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko ang mga lalaking nakatakip ang mukha na may hawak-hawak na baril.

"NASAAN NA ANG ANAK NG AMANTE?!" Sigaw nung isa.

"Wa-wala po siya." Pagsisinungaling nung isa namin kasambahay.

*BAAAM* 

Isang malakas na putok ang narinig sa bahay. Dahan-dahan ako naglakad para umalis ng may maapakan ako.

"Boss! Nasa taas ata." Sabi nung isa. Tumakbo akong papuntang kwarto ko at doon ako nagkulong. 

*BOGSHH* 

Bigla na lang bumagsak ang pinto.

"Tila natatakot ka, MAHAL NA PRINSESA." Sabi nito habang nakangisi ng nakakatakot.

"Maawa ka sa akin. Please don't hurt me." Pagmamakaawa ko.

"Awa? Pasensya na. Wala akong awa." Sabi niya. Lumapit siya sa akin habang nakatutok ang baril niya. Pagkalapit niya sa akin agad kong inagaw ang baril na hawak niya at agad itong pinutok ng tatlong beses sa kanya. Nagkalat ang dugo sa lapag maging sa kama. 

"Bos--" 

*BAM*

*BAM*

"Anong--"

*BAM* 

*BAM*

Patay na silang lahat ng dumating ang mga pulis.

"Mam Ae!" Sabi sa akin ni Yaya Fe. Kinuha nila lahat ng bangkay.

"Kailangan niyo pong sumama sa amin." Sabi nung isang pulis.

END OF FLASHBACK

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon