M.C.F. Chapter 37- Venice

2.7K 43 1
                                    

"Si Venice daw, may alam kung nasaan si Eunice." Sabi ni Mark habang nagmamadali. "Steph dito ka lang, bantayan mo si Riz. Alagaan mo siya ah."

"Ah? S-sama ako." Sabi ni Steph.

"No. Please." Sabi ni Mark.

"Mark is right.. Stay here ok? I love you Love." Seryosong sabi ni Troy sabay halik sa noo nito. Umalis na ang dalawang binata. Papunta sa private investigator na kinuha niya. Pagkadating na pagkadating nila sa building kung nasaan ang private investigator at si Venice.

"Mr. Shin." Sabi agad ni Mark.

"Mark!" Sigaw ni Venice sabay yakap sa binata. "Alam kong ako ang pipiliin mo't hindi si Eunice o yung ampon niya." Dugtong pa ni Venice habang yakap-yakap si Mark. Tinulak naman ito ni Mark.

"What do you mean?" Tanong ni Mark.

"HAHAHAHA!" Maala demonyong sabi nito.

"Ven! Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Troy.

"Don't you get it? I'm in love with Mark! I love him more than anything else. You're too dumb to come here baby. Dahil sa mga oras na to dapat ibabalik na ni Bryle si Eunice. But guess what? Pinadukot ko ulit siya kasama ang pinakamamahal niyong AMPON. HAHAHAHAHA." Sabi ni Venice. Agad napatakbo si Mark at si Troy papuntang parking lot.

Hindi na nila naisip si Venice. Pinaandar agad ni Mark ang sasakyan. Pagkadating nila, mga basag at sirang gamit na lang ang nadatnan nila. Dumaretso sila sa kwarto kung saan nakahandusay si Bryle at wala ng buhay dahil sa pukpok at tama ng baril sa kanyang dibdib. Wala na ang dalawang dalaga at ang bata. Napa-upo si Mark at pinagsisipa ang mga gamit sa lapag, habang si Troy ay hinang-hina na napa-upo din sa sahig.

Eunice's POV (bago mangyari yung pagpapadukot ni Venice)

"Eu, bumangon ka na. Ibabalik na kita." Sabi ni Bryle. Agad naman akong napa-upo.

"Talaga?" Excited na tanong ko.

"Oo Eu. Sorry. Nagmahal lang ako. Di ko kayang makita kang nahihirapan. Mahal na mahal kita Eu. S-sana pwede tayong maging kaibigan ulit? P-pasensya na." Sabi ni Bryle at tuluyan ng napaluha. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Bryle, mahal din kita.. bilang kaibigan. Thank you ah. Promise, kakausapin ko si Mark mabuti para hindi siya magalit sayo. Para bumalik na ang lahat sa dati." Sabi ko.

"Salamat Eunice. Tara na." Sabi niya. Sabay kaming tumayo. Naglakad na kami palabas at sumakay sa kotse niya.

"Alam mo Eu? Nung una kitang makita na love at first sight ako sayo. Ikaw kasi yung tipo ng babaeng walang arte at masyadong inosente. Tapos lagi ka pang nakangiti. Ang ganda ng ngiti mo." Sabi ni Bryle habang nagmamaneho.

"Ngiti lang?" Tanong ko sabay pout.

"Sempre pati ikaw." Sabi niya at ngumiti. Pagkadating namin sa bahay agad akong tumakbo papasok.

"Baby! Mark!" Tawag ko. Agad naman kong tawag sa kanila.

"Mommy!" Agad ni Baby Riz at tumakbo papunta sa akin.

"I miss you mommy." Sabi ni Baby Riz sabay halik sa pisngi ko.

"I miss you more baby." Sabi ko sabay halik sa noo niya.

*Bang* Bang* 

Pagkatinig namin sa putok ng baril agad napa-dapa.

"Tumaas kayo bilis." Sabi ni Bryle. Sumunod naman ito.

"Eu! What's that?" Tanong ni Steph.

"Putok ng baril." Sabi ko. Pumasok kami sa kwarto kung saan lumabas si Steph. 

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon