M.C.F Chapter 6- Sick?

5K 115 4
                                    

*****Eunice's Point Of View****

"Ang tagal naman ng mga yun! 7:00 na oh!" Inis na sabi ni riel.

"Pa special masyado!" Dagdag pa ni step.

"Girls umuwi na lang kaya ako?" Tanong naman ni ven.

"Bakit? Dahil ba kay bryle?" Tanong ni riel. Panu niya nalaman yun? Hindi pa naman naming na sabi yun ah?

"P-panu mo n-nalaman?" Tanong ni ven na halatang gulat na gulat na may halong pag tataka.

"Nahalata ko kasi kanina habang nakain tayo na namumula ka. Tapos lahat na ata ng direction tiningnan mo na except sa direction ni bryle." Pagpapaliwanag ni riel.

"Talino mo pala riel." Manghang sabi ni step.

"HELLO GIRLS!" Sigaw ni kuya jd at troy.

"TAGAL NIYO!" Sigaw naman nila step at riel.

"Sofia! Nag paalam ka ba kina mommy na dito ka matutulog?" Tanong ni marky.

"Kailangan pa ba?" Tanong niya. Tiningnan naman siya ng masama ni marky. "Joke lang oppa! Over ka naman dyan. Opo nag paalam po ako." Sabi ni riel at nag peace sign.

"Tara movie marathon na tayo!" Sigaw ko.

"Sige! Horror daliiiiiiiiiiiiiii." Sabi ni riel.

"WAAAG!" Sabi naman nung mga lalaki.

"Hahahahaha.. Wag niyong sabihin takot kayo? Akala ko pa naman si........" Hindi na natuloy ang sasabihin dahil tinakpan ni mark yang bibig ni riel.

"Kahit ano wag lang horror." Sabi naman ni troy.

"Oo nga!" Pag sang ayon ni kuya jd. Oo nga pala matatakutin si kuya jaydee.

"Hmm. Actually horror lang ang na bili naming kanina. Si riel at step kasi ang pumili." Sabi ko.

"Oo nga! So no choice kayo. Bleh!" Sabi ni riel with matching tongue out.

"Fine! We're just going to prepare some snacks." Sabi naman ni marky. Kumain na nga pala kami kanina ng dinner pati sina marky. Tinext ko siya na kumain na dun sa mall.

"Anong papanoodin natin?" Tanong naman ni step.

"DEVILS DUE! DEVILS DUE!" Sigaw ni riel.

"Maganda nga daw yun. Tanong kaya niyo kaya?" Pang aasar ni ven.

"Try me!" Sigaw ni step at riel. Naplay na naming wala parin yung mga lalaki.

"Girls pause niyo muna." Sabi ko. Pinuse naman agad ni step.

"Bakit?" Tanong ni riel.

"Wala pa kasi yung mga lalaki." Sabat naman ni ven.

"Oo nga noh! Naduwag lang ang peg?" Sabi naman riel. Tumayo kami at pumuntang kitchen. Nandun silang lahat.

"HOY! DALIAN NIYO NGA DYAN!" Sigaw ni step.

"Oo nga naman! Naturingan kayong mga lalaki mga duwag naman pala kayo!" Sigaw din ni riel.

"Oo eto na!" Sabi naman ni kuya jd at troy. Matatakutin si kuya jd simula pag ka bata kaya hindi na ako nag tataka. Pumunta na kami ng sala para manood. Umpisa palang ang ganda na. Yung mga lalaki? Yun kanya kanyang unan Dinaig pa kami? May biglang yumakap sa braso ko............

Si marky tapos siniksik yung ulo sa unan. Matatakutin pala to.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa ni step at ven.

"HAHAHA AKALA KO MATATAKOT AKO SA PALABAS NA TO! PERO HINDI PALA! HAHAHAHAHA." Sabi naman ni riel habang hindi mapigilan ang tawa. Tapos biglang may pumasok.

"HELLO ATE LENE!" bati ko. Bigla naman nag bago ang itsura ni riel.

"OMGEEEEEE! SOFIA! IS THAT YOU?" Sabi ni ate lene at lalapit sana kay riel ng tumakbo si riel papuntang likod ni marky.

"Why?" bulong ni marky sa kanya.

"Ayoko sa kanya. Manloloko siya." Sabi ni riel. Manloloko? Si ate lene ba ang tinutukoy niya?

"Riel hindi mo na ba ako kilala?" Sabi niya.

"Pano kita hindi makikilala eh inagaw mo nga ang boyfriend ko diba?!" Sabi ni riel. Hindi na napigilan ni riel at umiyak na siya.

"Si jelo? Move on na! Marami pa dyan." Sabi ni ate lene na parang nang aasar.

"MANG AAGAW KA! MALANDI K---" Hindi na natapos ni riel ang sasabihin niya ng sinampal siya ni marky.

*****THIRD PERSON'S POV****

"MANG AAGAW KA! MALANDI K---" hindi na natapos ni riel ang kanyang sinasabi ng sampalin siya ng kanyang kapatid sa lakas ng pag kakasampal ni mark kay riel ay napaupo siya sa lapag. Sa kadahilanan na may natitira pang pag mamahal sa kanyang puso para kay collene. Nilapitan agad ni jaydon si riel at niyakap.

"Hindi ka naming tinuruan ng ganyan!" Sigaw ng kanyang kapatid. Inangat ni riel ang kanyang ulo at tiningnan ng masama si mark.

"Oo nga pala! Ex mo nga pala yang babaeng yan! And I know that you still love her right? Sinu ba naman ako? Kapatid mo lang naman ako diba? Kapatid na kahit kalian hindi niyo pa NASASAKTAN AT PINASASAKTAN! Pero para dyan sa babaeng yan! Walang IMPOSIBLE!" Sigaw niya at tumakbo palabas. Sinundan siya ng kanyang mga kaibigan at ang naiwan na lang ay si Eunice, jaydon, collene, at mark.

"E..Ex-girlfriend mo si a..ate lene?" nang hihinang tanong ni Eunice kay mark. Tumango tango lang si mark. Tumakbo si Eunice papunta sa kanyang kwarto dala ng pag kabigla niya at napa isip kung bakit hindi nila inamin na nag karoon sila ng relasyon?

Sa kabilang banda. Galit na galit ang binatang nag ngangalan na jaydon, sa kadahilanan na nagawa nilang isekreto sa kanila na nag karoon ang dalawa ng relasyon. Hindi napigilan ng binata ang mag tanong.

"Bakit hindi niyo sinabi na nag karoon kayo ng relasyon?" Galit na tanong ni jaydon.

"Tapos na naman yun. Bakit ba kayo over? Tapos na yun." Baliwalang sagot ni collene.

"Tapos na? Ng dahil dyan sa sekretong sinasabi mo na 'TAPOS NA' eh labis na nasaktan si Eunice! Nang dahil dyan sa sekretong yan eh nag kagulo gulo at nag mukhang tanga kami! Dahi----" Hindi na tapos ni jaydon dahil sa nadinig nilang sigaw galing sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan si Eunice. Agad silang (Jaydon at mark lang po) Tumakbo papunta sa kwarto ni Eunice. Nakita nilang naka upo sa sahig si Eunice habang hawak hawak ang isang bubog na nakatutok sa kanyang pulso.

"Eunice wag mong gagawin yan." Sabi ni mark kay Eunice habang dahan dahan nag lalakad papunta sa kinaroroonan ni Eunice.

"Masakit kaya to? Gusto kong I try." Sabi ni Eunice with a playful voice.

"Wag eunice!" Sigaw ni jaydon.

"Huh? Bakit? Hindi naman to masakit kasi bakit maraming taong ginagawa to ano ba yung tawag dun?" Sabi ni Eunice bigla siyang na tahimik na parang ang lalim ng iniisip niya. Hindi nag aksaya ng oras si mark at kinuha niya ang bubog sa kamay ni Eunice.

"Bitawan mo nga ako! Ano ba!" Sigaw ni Eunice maya maya umiiyak na siya.

"Shhhh.." Pag papatahan ni mark hanggang sa hinimatay si Eunice. Inihiga niya si Eunice sa higaan. Pag katapos ng isang minute ay dumating ang isa pang kapatid ni Eunice na si Daniel na halatang tumakbo dahil hinggal na hinggal at pawis na pawis siya.

"A..nong nang ya..yari?" Tanong ni Daniel habang hinggal na hinggal.

"k..kuya sinumpong ulit siya ng s...sakit niya." Nang hihinang sabi ni jaydon.

"Sakit?" Nag tatakang tanong ni mark. Tumango tango silang dalawa at.............

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon