M.C.F Chapter 27- Not on Mood

2.6K 58 2
                                    

Lumipas ang ilang araw si Clyde lang lagi ang kasama ko. Mapabahay, school, at kung saan-saan pa. Sempre except lang sa banyo at pagtulog. Dito ko na rin siya pinatuloy, nalaman ko kasing walang magbabantay sa kanya eh hindi pa naman gumagaling ang sugat niya. Kung tatanungin niyo kung nasaan si Mark wala na akong alam tungkol sa kanya. Huling kita ko kasi sa kanya yun yung nasa elevator pa. Wala na rin siyang damit dito. Siguro nagsama na sila nung Natalee na yun.

"Eu! Gala tayo." Pangungulit sa akin ni Clyde.

"Sige. Wait lang." Sabi ko tsaka tumaas at naligo tsaka nagbihis. Simple blue dress na may ribbon sa likod at doll shoes na blue tsaka lumabas. Pagkalabas ko sakto naman ang paglabas ni Clyde sa guest room malapit sa kwarto ko. Nakablue polo, maong, and blue na sapatos. Parang pinagusapan. Napatawa na lang kami at sabay pumunta sa kotse niya pero ako yung magmamaneho. Nagtalo pa nga kami eh. Pano ba naman hindi pa magaling yung sugat niya tapos magmamaneho na siya? Ang kulit-kulit niya pero dahil MAS makulit ako, ako yung nanalo hahahaha.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko.

"Mall tayo. Bili tayo ng makakain movie marathon tayo." Sabi niya.

"Sureness!" Sabi ko with excited tone. Pagkadating namin sa mall pumunta muna kami ng food court. Gusto ko dito, gusto ko kasing tikman yun bibimbap. Hihi~ mukhang masarap eh.

"Bibimbap gusto ko Clyde pretty pleaseee.." Sabi ko at nagpuppy eyes.

"Ge. Order na ako dyan ka lang ah." Sabi niya.

"Opo." Sabi ko at ngumiti. Pagkabalik niya dala-dala yung bibimbap. Kanin sa gitna tapos may egg sa taas na parang niluluto pa lang to since nasa sizzling plate to tapos sa paligid naman nito ay may mga gulay tapos may pork din. Kinain ko lang yung rice na may itlog sa taas tapos yung pork. Medyo maalat. Kaya yung egg na lang yung kinain ko. Sana pala nag egg with rice na lang ako. Psh.

"Di ka ba marunong kumain niyan?" Tanong niya habang nagpipigil tumawa.

"Hindi eh." Sabi ko patuloy pa rin sa pagkain. "First time kong kumain nito."

"Hahaha. Hinahalo yan." Sabi niya. Akmang hahaluin niya pero pinigilan ko.

"Wag na. Ayoko ng gulay." Sabi ko. Tumawa lang siya at napailing. Pinagpatuloy na namin kumain. Pagkatapos namin kumain napadaan kami sa blue magic.

"Clyde punta tayo dun." Sabi ko sabay turo dun sa blue magic. Ang cute kasi nung bear.

"Sige." Sabi nito. Pumasok na kami doon. Ang cute ng mga stufftoys. "Pili ka. Bibilhin ko." Sabi niya.

"Eto oh." Sabi ko sabay turo dun sa pink na baboy. Kinuha niya ito at binayadan.

"Here." Sabi niya sabay bigay sa akin.

"Waaahhh. Thank you!" Sabi ko at niyakap sila.

"Ang sweet nila oh." Komento nung isang babae dun sa boyfriend niya ata kaya napahiwalay ako sa kanya.

"So-sorry. Thank you ulit." Sabi ko sabay iwas ng tingin. Spell NAHIHIYA, A-K-O! Huhuhu.. mother earth! Eat me now na.

"Ok lang yun." Sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

"Clyde! Ano ba! Wag buhok ko. You're so bad!" Sabi ko sabay pout.

"Hahaha. Tara na nga sa supermarket." Sabi nito. Sabay kaming naglakad papuntang supermarket. Kaming dalawa nagtutulak. Hahaha. Walang gustong magpatalo eh.

"Kumuha ka lang ng gusto mo." Sabi niya.

"Sabi mo yan ah." Sabi ko. Kuha lang ako ng kuha ng kung ano-ano. Hindi naman ako pinipigilan ni Clyde eh. Tawanan lang kami ng tawanan. Pero sa hindi inaasahang pangyayari pagkaliko namin may nakabanggaan kami.

"Ay. Sorry p--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko at makilala ko kung sino ang nakabungguan namin.

It's Mark with Na-natalee.

"Ma-mark." Nauutal kong tawag. Pero imbes na kausapin ako nagbackward siya ng onti at dumaretso kasama si Natalee. Bakit siya ganun? Ano ba na gawa ko? Dahil ba pinatira ko muna si Clyde sa bahay? Balak ko naman talagang magpaalam sa kanya pero wa-wala na siya sa bahay nun. Masakit. Sobrang sakit! Gusto ko silang habulin at sabunutan yung Natalee na yun. Gusto kong sabihin at tanungin kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito at kung bakit siya umalis. Pero hindi ko magawa. Akala ko ba hindi niya ako iiwan? Akala ko ba mahal niya ako? Eto na naman ba ang mga akala ko? Pinalagpas ko yung nakita ko sa elevetor pero hindi yung araw naumalis siya sa bahay at ngayon. Tapos na. Ayoko na. I need to talk to Daddie. Nakakapagod na. Pagod na pagod na ako sa kakaiyak dahil sa kanya.

"Eu. Ayos ka lang?" Tanong niya

"Oo naman." Sabay punas sa luhang hindi ko namalayan na tumutulo na kanina pa. "Hmm. Clyde una na ako. I'm not on mood." Sabi ko sabay alis. Tinawagan ko si Daddie.

"Hello Daddie."

"Baby? Why did you call? Is there any problem?" Tanong ni Daddie.

"Punta po ako dyan sa bahay. I need to tell you something."

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon