M.C.F Chapter 34- Trust No One

2.4K 52 1
                                    

Hindi na alam ng binatang si Mark kung saan ito maghahanap. Gulong gulo ito, hindi niya alam kung saan at paano niya hahanapin ang kanyang magiging asawa. Lahat ng lalaking pinaghihinalaan niya ay napuntahan na niya ngunit wala sa mga ito.

"Pre! Tama na yan. Ang dami mo ng naiinom." Sabi ng kanyang kaibigan na si Troy. Ngunit binaliwala niya ito.

"Pre mahahanap din natin si Eu." Sabi naman ni Bryle. Tumayo mula sa pagkakaupo ang binata tsaka naglakad papuntang sasakyan niya. Pinaandar niya ito ng mabilis papunta sa bahay nila ni Eunice.

"Nasaan ka na ba Eunice? Miss na miss na kita." Naiiyak na sabi niya at umupo sa higaan niya tsaka nilagay ang kamay nito sa kanyang mukha.

Mapadako naman tayo sa dalagang si Eunice na nakahiga sa kama habang umiiyak. Pumasok ang binatang dumukot sa kanya at umupo sa tabi nito.

"Honey don't cry. Shh.." pagpapatahan nito.

"Don't cry? What will you expect?! Dinukot mo ako! Nilayo mo ako sa taong mahal ko at minamahal ako!" Galit na sigaw ni Eunice.

"Ako, minamahal kita higit pa sa pagmamahal niya! Mas mahal kita Eu. Give me a chance and I'll make sure you'll be happy." Sabi nito.

"Give you a chance? Tsk. Asa ka pa." Sabi ni Eunice tsaka tinalikudan niya ang binata at nagtalukbong.

"Mamahalin mo din ako Eu. Hindi ko hahayaan makuha ka niya sa akin. Mamamatay muna siya bago ka niya makuha sa akin." Sabi nito bago umalis. Hindi nakaimik ang dalaga dahil nakaramdam ito ng takot at pangangamba.

BRYLE'S POINT OF VIEW

Nandito ako ngayon kasama sina Mark. Poor him, hindi niya man lang alam na nasa tabi na niya ang hinahanap niya. Hindi ako makakapayag na makuha niya ulit sa akin si Eunice. Akin lang siya at sisiguraduhin kong wala sa kanyang makakaagaw dahil akin lang siya.

"Gagawin ko ang lahat para mahanap agad si Ms Amante." Sabi nung private imbestigator na kinuha ni Mark. Hindi ko hahayaang makakuha ng impormasyon kaya mas mabuti ng manahimik ka. Umalis na ito.

"Mga pre may meeting pa ako. Bukas na lang ulit." Sabi ni Troy.

"Ako rin pre. Sige bye." Sabi ko tsaka umalis. Sinundan ko ang kotse nung imbestigator at hinarangan ko ang sasakyan nito sa isang tulay na wala masyadong nadaan.

"Sir bakit po?" Tanong nito.

"Tanungin mo dito kung bakit." Sabi ko tsaka tinapat ang baril ko sa kanya at pinaputok ito ng limang beses tsaka hinulog siya sa tulay. Umalis na ako at dumaretso sa bahay ko.

MARK'S POINT OF VIEW

Nagulat na lang ako nang mabalitaan kong patay na ang Imbestegator na hinire ko kahapon lang.

"Sht! Ano ba ang nangyayari?!" Inis na sigaw ko.

"Chill lang pre." Sabi ni Bryle.

"Oo nga. Masyado kang hot." Sabi ni Troy habang nakatingin sa cellphone niya. Teka, hindi kaya siya? Kahapon pagkaalis ni Mr. Rom umalis din agad siya at ngayon patay na ito. Dati rin eh may gusto siya kay Eunice. I have to know the truth. Mali man pero wala ako dapat pagkatiwalaan. Isang linggo na kaming naghahanap at isang linggo na nawawala si Eunice. Kahit kaibigan ko siya hindi ko siya dapat pagkakatiwalaan. Sa sitwasyon ko ngayon, have to trust no one...

To be continue

Any reactions??

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon