M.C.F Chapter 31- Makakapitan

2.7K 56 1
                                    

"Mommy! Daddy! I want to play there." Sabi ni Baby Riz.

"Ok." Sabi ko na lang. Yes, kasama namin ngayon si Mark. Ayoko sana kaso masyadong mapilit tong anak ko.

*Kring* Kring*

"Mauna na kayo." Sabi ko tsaka sinagot yung tawag.

["Hello."]

["Mam you have a meeting after 30 minutes."] Sabi ng secretary ni Daddy.

["Ok."] Sagot ko tsaka binaba ang tawag. Agad ko naman hinanap sila Mark.

"Baby, we have to go. I have a meeting 30 minutes from now." Sabi ko.

"Mommy can I stay here with Daddy please." Sabi niya.

"Ok. Susunduin na lang kita." Sabi ko.

"Ok po! Bye po Mommy. Ingat po sa pagdrive, I love you po." Sabi niya tsaka ako kiniss.

"Ikaw rin baby. Ingat kayo, I love you too baby." Sabi ko tsaka umalis.

MARK'S POINT OF VIEW

Kasama ko ngayon ang anak ni Eunice. Ang gaan ng loob ko sa kanya kahit hindi naman talaga to anak ni Eunice. Pinaimbestigahan ko si Baby Riz nung araw na nagkita kami dito rin sa mall.

"Daddy I'm tired." Sabi niya.

"Ok baby. Do you want to eat?" Tanong ko. Ang cute talaga nitong batang to.

"Opo daddy. *Pout*" Sabi niya. Ang cute talaga nitong batang to.

"Sige kain muna tayo." Sabi ko. Pumunta kami sa Jollibee. Umupo siya doon sa dulo habang ako dumaretso sa counter. Nagorder na ako tsaka pumunta sa table namin dala-dala ang pagkain na inorder ko.

"Daddy may lumapit nga po pala sa akin na lalaki kanina tinatanong kung nasaan daw po si Mommy." Sabi niya habang nakain.

"Ano naman sabi mo?" Tanong ko.

"Sabi ko po hindi ko alam. Tapos sabi niya daw po sabihin ko kay Mommy na malapit na daw po silang magkita." Sabi niya.

"Ano daw yung pangalan niya?" Tanong ko. Nakaramdam ako na may mangyayaring hindi maganda.

"Hindi ko na po natanong eh. Kasi po umalis siya agad. Mukha naman pong mabait." Sabi niya.

"Baby, wag ka ng kakausap ng kung sino sino." Sabi ko.

"Ok po daddy." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos kumain dumaretso kami sa company nila Eunice.

"Yes sir may I help you?" Tanong nung isang babae.

"Tita! Pupunta po kami kay mommy." Sabi ni Baby Riz.

"Ah sige." Sabi niya. Dumaretso kami sa opisina ni Eunice sakto naman na palabas na ito.

"Mommy!" Sigaw ni Baby.

"Baby, why are you here?" Tanong niya.

"Daddy." Sabi ni baby. Napatingin naman sa akin si Eunice.

"Eu." Tawag nung Alec? Alex? Basta yung kasama niya sa Resto. Nang makita ni baby yung lalaking yun nawala ang ngiti niya. Pumunta siya sa akin.

"Tara na po Mommy!" Sabi niya na mukhang wala sa mood.

"Mauna na kayo may aayusin lang ako saglit." Sabi niya. Pumasok na kami sa elevator.

"Daddy I don't like him." Sabi niya. Kinarga ko siya bago ako nagtanong.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"I don't know. But I don't like him." Sabi niya. Pumunta na kami sa parking lot at doon naghintay. Maya-maya pa ay lumabas na siya galing sa elevator at naglakad papunta sa amin.

"Tara na baby. Ihahatid tayo ni Tito Alec mo." Sabi niya.

"No mommy! Daddy will drive us home." Sabi ni baby.

"But baby--" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng pumasokna si Baby sa kotse ko.

"Sige Alec tingin ko kay Mark na lang kami sasabay." Sabi ni Eunice. "Ok lang ba?" Tanong naman niya sa akin.

"Yup. Let's go." Sabi ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse tsaka ako sumakay. Pinatakbo ko na ang kotse.

"Eunice, may lalaki daw na lumapit kanina kay Riz." Sabi ko.

"What? Anong nangyari? Anong sinabi? Sino daw siya?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Tinanong ka niya kung nasaan ka tapos sinabi daw niya na malapit na daw kayong magkita. Hindi rin na tanong ni Riz kung anong pangalan nung lalaki dahil bigla na lang daw itong umalis." Sabi ko.

"Ok. Thanks." Sabi niya.

"Magiingat kayo." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya.

EUNICE POINT OF VIEW

Nakarating na kami sa condo ko. Nandito ako ngayon sa kwarto namin ng anak ko. Hindi mawala sa isip ko yung lalaking nakita ni Baby Riz. Maya-maya pa biglang tumunog ang cellphone ko.

Unknown Number is Calling...

Sinagot ko ito baka mahalaga ito.

["Hello?"]

["........"] walang sumagot.

["Hello?] Paguulit ko.

["Hey my dear princess. Miss me?"] Pagkasalita nito nabitawan ko ang cellphone ko.

Kinuha ko ito at pinatay. Agad kong tinawagan si Mark.

["Hello Eunice?"]

["M-mark! Pumunta ka dito please."] Sabi ko.

["Sige."]

Sabi niya tsaka inend ang call. Pumunta ako sa higaan at niyakap ang anak ko. Dumaan ang ilang minuto may kumatok sa pinto. Tumayo ako tsaka naglakad ng mabilis papuntang pinto at binuksan ito.

"Eunice." Nagaalalang banggit nito.

"M-mark." Bulong ko tsaka ko siya niyakap.

"Shh. Ok lang, nandito na--" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng isang sumigaw si Baby Riz.

"MOMMY!! TULONG!" Sigaw nito. Napatakbo kami papuntang kwarto nakita namin ang isang lalaki na hawak-hawak si Baby Riz. Binitawan niya ang anak ko tsaka tumalon palabas ng mula sa bintana. Agad naman akong lumapit kay Riz at niyakap ito. Tumawag ng naman sa security office si Mark. Sinabi niya ang nangyari doon kaya nagsecurity check agad sila. Lumapit sa amin si Mark tsaka kami niyakap.

"Nandito ako. Wag kayong magalala." Bulong niya.

"Daddy, Mommy natatakot po ako dun sa lalaking naka mask." Sabi ni Baby Riz habang nanginginig.

"Shh. Baby nandito lang kami. Mas mabuti pa sigurong dun muna kayo sa bahay ko tumira, para nababantayan ko kayo." Sabi niya. Tumango lang ako. Siya na lang ang makakapitan ako. Kahit na minsan na niya akong sinaktan.

☆☆☆☆☆☆☆☆★☆

IA'S NOTE (AUTHOR'S NOTE):

About the announcement, hindi ko na po muna itutuloy yung plano ko. Medyo busy po eh. Sorry po dun sa mga nagmessage sa akin. Hehe. Sarreh. Labyah all. Muaahh. Hahaha. Char~

*PLUG
Please do read my newest story. Titled BENEFICA ACADEMY: School For Sorceress. Kamsa~

Enjoy~

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon