M.C.F CHAPTER 23 Haelena

2.6K 57 1
                                    

Nagising ako sa tunog nang cellphone ko.

Baby ko is Calling..

Answer...

Reject...

Answer...

Reject...

ANSWER NA NGA LANG.

"Hello! Eunice! Nasaan ka na ba? Kanina pa ako nagtetext at tumatawag sayo pero hindi ka nasagot! Ni hindi ka nagrereply! Ok ka lang ba? Nasaan ka? Pupuntahan kita." Sabi niya.

"Babalik na ako dyan." Sabi ko at inend ang call. Lumabas ako nang unit ni Jin. Naglakad na ako pabalik sa tinutuluyan namin nang matanaw ko si Mark. Nang makita niya ako, tumakbo siya papuntasa akin at niyakap niya ako.

"Sorry Eunice. I'm really really sorry. Hindi dapat kita iniwan. I love you." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

THIRD PERSON'S POV

"Sorry din. I love you too." Sabi ni Eunice. Naglakad na sila papunta sa tinutuluyan nila.

"Tulog na tayo." pagyayaya nito. Tumango lang ito at dumaretso sa higaan habang ang dalaga naman ay dumaretso sa bintana. Tinanaw niya mula doon ang karagatan. Lumapit sa kanya ang binata at niyakap ito sa likod. Dumaan ang ilang minuto na walang nagsasalita. Pinagmamasdan lang nilang mabuti ang karagatan.

"Mark..." Bigkas ng dalaga.

"Yes?" Tugon naman nito.

"Ah wala. Tara tulog na tayo." Sabi ng dalaga na tila may gustong sabihin ngunit wala itong lakas para ito'y bigkasin.

"May bumabagabag ba sayo?" Tanong ng binata.

"Paano kung may mahal kang tao, pwede ka pa bang magkagusto sa iba?" Tanong nito habang nakatingin sa dagat.

"Pwede, pero hangga't maaga dapat alamin mo na kung sino ba talaga ang gusto mo sa kanilang dalawa. Di bali nang mawala yung isa kesa naman mawala yung dalawa. Wala naman sigurong koneksyon to sayo hindi ba?"

"Ah wala. Gusto ko lang itanong." Sabi nito. Naglakad na sila papuntang higaan at humiga. Niyakap ng binata ang dalaga at natulog..

Kinabukasan...

Nagising ang dalawa nang may tumatawag sa dalawa. Agad naman itong sinagot.

"Go back here in Manila immediately, your mom is in the hospital." Sabi nang kanyang ama.

"What happen daddie? Is she alright?" Tanong nang dalaga.

"I hope so Honey. Please. Go back here, she needs you." Sabi naman ng kanyang ama at tuluyan ng binaba ang telepono.

"Mark, we need to go back. Mommie is in the hospital." Sabi ng dalaga habang umiiyak.

"Shh. Stop crying. Help me to pack all of our clothes so we can go back." Sabi ng binata. Pagkatapos nila agad silang umalis at pumunta sa hospital kung nasaan ang ina nang dalaga. Pagkadating nila doon, tumakbo agad ang dalaga papunta sa room kung saan nandoon ang kanyang ina. Hindi mapigilan ang pagiyak ng dalaga nang makita niya ang kalunos-lunos na sinapit nito.

"Tito ano po ang nangyari?" Magalang na tanong ng binata sa ama nang dalaga.

"Halika iho, sa labas tayo." Sabi nito at lumabas. Sumunod naman ang binata. "Nakita niya kaming magkasama ni Haelena sa office. She saw when Haelena kiss me. It was unexpected, kaya hindi ko agad siya naitulak. But believe me, wala akong intensyon. Haelena is my first love, my first kiss, my first in everything. Kaya ganon na lang makapagreact si Zaylene. Nung nakita niya na magkalapat ang mga labi namin agad siyang sumugod. Pinigilan ko siya kaya akala niya kinakampihan ko si Haelena kaya tumakbo ito palabas. Hinabol ko siya, sinubukan ko pa s-siyang habulin pero nagdaredaretso lang siya. M-may truck na pa-parating, hahatakin ko na sana siya b-but it's too l-late." Sabi nito at umiyak.

"It's okay tito, magiging ok rin po ang lahat." Sabi naman nang binata at marahan tinapik ang likod nito.

"Don't cry daddie. It's not your fault, it's her fault not yours." Sabi ng dalaga na kanina pa nakikinig. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagiyak pero mas nangibabaw ang galit at pagkasuklam niya sa babaeng inakala niyang mabait.

"I'm sorry." Bulong nito.

"Daddie, I have to go, I need to fix something. Mark, stay here. I'll be back." Sabi ng dalaga. Hindi na niya hinintay na pigilan siya, agad itong tumakbo paalis at sumakay sa taxi.

"Haelena. You'll pay for this." Sabi nito habang seryosong nakatingin sa daan.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

After 527358392966272 years. Hahaha nakapagupdate na rin.

PLUG:

⇨⇨Ms Trashtalker VS Mr Heartthorb⇦⇦

Click on external link ^^

Or go to my profile.

KAMSA~

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon