M.C.F Chapter 30- Not Again

3K 67 1
                                    

Nakaramdam ako ng tuwa sa narinig ko. Nagpapakatanga na naman ba ako? Nakangiti ako habang nakatingin sa kanila. Sinusubuan ni Mark si Riz. Onting dumi lang sa bibig nito pupunasan niya agad. Pero nawala ang ngiti ko ng may umeksena.

"Babe! Nandito ka lang pala." Sabi ni Natalee sabay kuha ng upuan sa kabilang table at umupo sa tabi ni mark. Tss.

"Tsk." Rinig kong banggit ni Mark.

"Oh! Who is she?" Tanong niya habang nakatingin kay Riz. "She's so cute." Sabi niya pa. Akmang hahawakan niya ang pisngi ni Riz ngunit umiwas ito.

"Thank you. But I can't compliment you back because my Mommy told me that I shouldn't lie." Sabi nito. Medyo napatawa naman ako.

"What's your point?" Sabi niya habang nakataas ang kilay.

"Are you sure you wanna know?" Baliwalang tanong ni Riz.

"Yeah." Baliwalang tanong din nito.

"My point is..." panimula ni Riz. "That you are ugly." Sabi niya tsaka kumain.

"You little btch!" Sigaw ni Natalee.

"Don't call her btch!" Sabi ko at sinampal siya.

"How dare you!" Sigaw nito. Sasampalin niya sana ako ng sumigaw si Mark.

"Shut up Natalee!" Sigaw niya.

"Mommy." Banggit ni Riz. Lumapit ako sa kanya at binuhat siya.

"Shh. Were going home." Sabi ko tsaka tiningnan ng matalim si Natalee. "Sa susunod na sabihan mo ang anak ko niyan puputulin ko na yang dila mo." Pagbabanta ko. Naglakad na ako papuntang parking lot at sinakay si Riz. Nakatulog na pala.

"Eunice!" Tawag ni Mark.

"What?!" Irita kong tanong.

"Look I'm sorry--" hindi ko siya pinatapos.

"Shut up! Bakit ka pa ba kasi namin nakita?! Tsk! Puro sakit at gulo lang ang dala niyo nung babaeng yun!" Sigaw ko.

"I'm sorry. I--"

"Shut up! Sana ito na ang huli natin pagkikita!" Sabi ko tsaka pumasok sa kotse at pinaandar. Sheet! Lahat ng sakit na naramdaman ko noon bumalik. Pati anak ko nasaktan dahil sa dila nung babaeng yun! Mapapalagpas ko sana kung ako lang yun sinabihan niya nun pero hindi eh! Anak ko ang sinabihan niya, anak ko. Pagkadating namin agad kong binuhat ang anak ko at sumakay ng elevator.

"Mommy." Banggit niya.

"Bakit baby?" Tanong ko.

"I love you po." Sabi niya at yumakap sa akin ng mahigpit.

"I love you too baby." Sabi ko. Pagkadating namin sa floor kung saan kami nagiistay agad kong pinuntahan ang condo namin. Dumaretso ako sa kwarto habang karga-karga ko ang anak ko tsaka nilapag siya doon. Humiga na ako sa tabi niya at natulog.

Kinabukasan..

Nagumising ako ng maaga para maghanda ng makakain. Naghilamos ako at nagtoothbrush. Bumaba na ako tsaka nagluto ng pancakes. Nagprepare na rin ako ng milk and coffee tsaka cereal. Pumunta na ako sa kwarto namin para gising ang anak ko.

"Baby wake up na." Sabi ko at marahan tinapik ang pisngi.

"I'm sleepy pa po." Sabi niya at niyakap ang bear na nasa tabi niya.

"Ah ganun ah." Bulong ko tsaka ko siya kiniliti.

"Kyaaahh. Hahahaha. Mom hahaha my! Hahaha stop hahaha it." Sabi nito habang natawa. Tumigil na ako at umayos ng upo.

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon