M.C.F. Chapter 36-Cancer?

2.5K 44 1
                                    

Dinala ni Bryle ang dalaga sa loob ng kanyang bahay. Hindi mapakali ang binata dahil sa nangyari sa dalaga. Tinawagan niya ang kanyang doktor at agad pinapunta upang tingnan ang kondisyon ng dalaga. Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang doktor na tinawagan ni Bryle. Sinuring mabuti at ginamot ng doktor ang dalaga. Lumipas ang isang oras bago natapos ang paggagamot.

"She's now in a good condition. But--" Sabi nito.

"Thank you." Sabi ng binata at nagmadaling pumasok sa loob ng kwarto.

"Bryle.." mahinang sabi ng dalaga.

"I'm sorry Eunice. I'm sorry." Sabi nito habang hawak-hawak ang kamay.

"Ibalik mo na ako sa anak ko't kay Mark." Mahinang sabi nito. Bakas sa boses nito ang paghihirap.

"Iho, may sasabihin ako sayo." Sabi ng doktor na kanina pa'y nasa likod ng binata.

"Ano po yun?" Tanong ng binata.

"Kung inyong mamarapatin, sa labas ko na lang sasabihin." Sabi ng doktor. Tumango naman ito at sinundan ang doktor palabas ng kwarto.

"Ano po ba yun?" Tanong muli ng binata.

"May cancer ang pasyente.. at nasa final stage na ito." Sabi ng doktor. Tila nabingi ang binata sa kanyang narinig.

"A-ano po yun?"

"May cancer ang dalaga. Kailangan ipaalam sa mga magulang o pamilya nito ang sakit nito." Sabi ng doktor. Marahan itong tumango at pumasok sa kwarto kung nasaan ang dalaga.

"Eu, wag kang magalala, aalagaan kita." Sabi ng binata.

"Bryle. Please. Ibalik mo na ako. Maawa ka naman sa akin." Manghihinang sabi ng dalaga.

"Kaya naman kitang alagaan." Pagpupumilit ng binata.

"Hindi pagaalaga ang kailangan ko, kung di si Mark, ang anak ko at ang pamilya ko. Sila, sila ang kailangan ko." Sabi ng dalaga.

"Matulog ka na. Kailangan mo ng sapat na tulog." Sabi ng binata tsaka tumayo at pumunta sa pinto.

"Please bryle." Sabi ni Eunice ngunit hindi sumagot ang binata.

Meanwhile..

Alalang-alala si Mark habang nakaupo sa higaan niya. Hindi ito mapakali. Tayo upo. Lakad dito, lakad doon. Wala paring update kung nasaan ang dalagang si Eunice. 

"Kumalma ka Mark." Sabi ni Troy na hilong-hilo sa ginagawa ng kaibigan niya. 

"Paano ako kakalma kung hanggang ngayon nawawala pa rin si Eunice? Paano? Paano ako kakalma kung hindi ko alam kung ayos lang ba siya, nakakakain ba siya ng maayos. Tell me? How can I calm?" Sabi ni Mark at pinagsasapak ang pader. Agad naman siyang inawat ni Troy at Steph. 

"Mahahanap natin siya. Wag kang magalala." Sabi ni Steph. "Kilala mo si Eunice, kahit napa-isip bata niya lahat ng bagay na gagawan niya ng paraan. Matalino siya Mark. Just trust her." 

"Daddy Mark, please don't hurt yourself." Naiiyak na sabi ni Riz.

"Baby Riz I'm sorry." Sabi ni Mark sabay yakap kay riz.

"Daddy Mark, nasaktan ka po ba?" Tanong ni Riz habang nakayakap kay Mark.

"No baby, Daddy is ok. Don't worry about daddy ok?" Sabi ni Mark habang naiiyak.

"Daddy Mark, gagamutin po kita. Your hand is bleeding po. I know how to use first aid po." Malambing nasabi ni Riz at hinatak si Mark paupo sa higaan. "Daddy Mark I will get na po yung first aid kit. Stay there po ah." Sabi ni Riz at tumakbo palabas.

"Your daughter is sweet and cute at the same time. Sana troy ganyan din maging anak natin." Sabi ni Steph sa nobyo nito.

"Asa ka pa, ang sungit mo kaya. Tanda mo pa dati? Lagi mo kong sinusungitan at inaaway tuwing nalapit ako kay Eunice. Di mo na lang sinabi na nagseselos ka pala at gwapong gwapo ka sa akin. Haha--Aray!" Sabi ni Troy habang hinihimas ang braso niyang kinurot ni Steph.

"Kapal mo ah." Sabi ni Steph.

"Daddy Mark! I'm back na po. Give me your hands po." Sabi ni Riz. Ginamot niya ang kamay ng binata.

"Thank you Baby." Sabi ni Mark.

"Daddy Mark, Where's mommy? I miss her so much na po." Sabi ni Riz at yumakap kay Mark.

"I miss her too. Don't worry, daddy's going to find Mommy ok? And I'll promise, I'll protect both of you against bad people." Sabi ni Mark at niyakap din pabalik si Riz.

"I hope Mommy is in a good condition and she is safe wherever she is." Sabi ni Riz.

"I hope too baby. Let's just pray ok?" Sabi ni Mark.

"Ehem." Fake cough ni Troy.

"Ano ba troy, Nagmomomment pa yung dalawa eh. Panira ka talaga kahit kelan." Saway ni Steph.

"Eh mamaya sila na magkatuluyan. Kawawa naman si Eunice kung magkataon." Sabi ni Troy.

"Loko ka talaga." Sabi ni Steph.

"Tumigil na nga kayo. Oo nga pala, nasaan si Bryle? Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa atin ah?" Tanong ni Mark habang nakayakap pa rin kay Riz.

"Ewan ko nga dun eh. Di nagpaparamdam." Sabi ni Steph.

"Bakit naman magpaparamdam yun? Di pa naman siya patay eh." Sabi ni Troy. Siniko naman to ni Steph. "Aray naman! Nakakadalawa ka na ah." Dugtong pa nito.

"Bakit nagrereklamo ka? Tsaka pwede ba shut up ka na lang? Di ka naman nakakatulong eh. Nakakadagdag ka lang." Sabi ni Steph.

"Aray ah. Masakit." Sabi ni Troy sabay hawak sa dibdib nito sabay umarteng nasaktan.

"Aarte ka na nga lang mali pa. Oy dito yung puso di dyan." Sabi ni Steph at inilagay ang kamay ni Troy sa Kaliwang bahagi ng dibdib ni Troy.

*Ring* Ring*

Agad naman sinagot ni Mark ang cellphone niya.

"Hello po?... Talaga po?... Sige po pupunta na po kami dyan." Sabi ni Mark. Nagayos agad si Mark.

"Sino yun?" Tanong ni Steph.

"Si..."


~

A/N: Oooppsss. Hahahaha. Hi guys? May nagbabasa pa ba? Hahahaha. Helloooooo. Hahahaha. Sorry tagal kong di nakapagupdate. Busy sa school (Sa school nga ba o sa lovelife?) HAHAHAHAHA. Charot. Sa school talaga, Maniwala kayo. Hahahaha. Add niyo ko sa Fb, message niyo ko privately ibibigay ko Fb ko. Pakilala kayo ah? Chikahan tayo. Hahahaha. This chapter is dedicated to Ms. Nijuuhachi. Sorry for the wait~ Hope you like it. Hahahaha. Ilang chapter nalang o baka sa next chapter tapos na to. Sa wakasss. Hahahaha. Isupport niyo yung ipupublish ko soon ah? 

Thanks guys, love you all..

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon