M.C.F Chapter 21 Akala

2.4K 62 1
                                    

Nasaan na kaya yun? Ano ba pwede kong gawin? Hmm..

*Tingin sa kaliwa* wala!

*Tingin sa kana* WALA DIN!

Teka!! Alam ko na! Hihi~

MARK'S POINT OF VIEW

"Jaine!" Tawag ko sa kababata ko.

"Mark nandyan ka na pala." Sabi nito.

"Teka. Akala ko ba.. nagsinungaling ka ba sa akin?" Tanong ko.

"Hah?" Painosenteng sagot nito.

"I knew it." Sabi ko.

"Hahaha.. come on! I just wanna see you. Naging busy ka na kasi." Sabi niya.

"Kahit kailan talaga." Sabi ko. Ngumiti lang siya at nagpeace sign.

"Tara gala muna tayo." Sabi niya.

"Sige." Nakangiti kong sabi.

Makaraan ang ilang oras..

"Sige uuwi na ako. Bye." Sabi niya. Tumango lang ako at nagwave. Gabi na rin pala. Napatingin ako sa oras 9:30 na? Teka! Si Eunice! Nawala sa isip ko.. O.O Agad akong tumakbo sa kotse ko at pinaandar. F*ck! Traffic pa!

"Arggh! Nakakaasar!!" Inis na inis kong sabi. "Eunice hintayin mo ako. Please.." tanging nasabi ko na lang.

EUNICE'S POINT OF VIEW

6:30 na nung natapos kong iset ang mga pagkain. Excited na ako.. ^^

Bakit ako naghanda? Birthday ko kasi eh. Hihi~ mukhang hindi naman alam ni Mark kaya naghanda na ako. Tagal naman ni Mark.

7:15 wala pa rin siya.. baka naman natraffic lang siya. Tama. Dadating din siya after 1 minute.

8:50 wala pa talaga siya. Nagugutom na ako, kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

9:30 na wala pa rin siya? Mukhang hindi na siya uuwi. Baka naman napasarap na siya kasama nung Jaine. Nakakainis siya.

AUTHOR'S POINT OF VIEW

9:50 nang makatulog si Eunice habang 11:00 na dumating si Mark. Nadatnan niya ang dalagang tulog sa sofa at nakita rin nito ang hinanda nang dalaga. Nilapitan niya ito, sakto naman na dumilat at nagsalita ang dalaga.

"Mark.. alam mo ba na Birthday ko? Bakit mo ko iniwan? Sabi mo hindi mo ako iiwan. Sinungaling ka. Sino ba yung Jaine na yun? At iniwan mo na lang ako basta-basta? Kakapromise mo lang tapos bigla mo akong iniwan? Bakit ganyan ka? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Akala ko ba proprotektahan mo ako? Akala ko ba ako lang? Pero lahat ng yun eh isang malaking AKALA!" Sabi nito at tumakbo pa alis.

Hindi man batid nang dalaga kung saan siya pupunta pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Onting onti tumulo ang mga luha niya sa mata. Umupo siya sa isang malaking bato.

"Kahit na sinaktan mo ako nang paulit-ulit mahal na mahal na rin kita." Sabi ko.

"Can I join you?"

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon