Chapter 40- Ending

3.6K 55 11
                                    

HIS POV

Hindi ako makapaniwala. Ang bilis ng pangyayari. Parang dati lang kasama at nangangarap kaming dalawa ngayon nasa tapat na kami ng simbahan ngunit hindi para ikasal... Kundi para ipabendisyunan ang katawan ng babaeng pinaka mamahal ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"P-parang kahapon lang k-kasama kita p-pero... wala ka na. Di ko alam kung makakaya ko to p-pero susubukan ko. Ikaw lang ang mamahalin ko at hinding hindi kita ipagpapalit hanggang sa ako'y mamatay. Kahit wala ka na, ikaw pa rin. S-sorry w-wala akong nagawa para iligtas ka. Sorry k-kung nahuli ako. Sorry kung nasaktan kita ng sobra sobra. Mahal na mahal kita.. Sana nagkasama pa tayo ng matagal." Sabi ko habang patuloy sa pagbagsak ng luha ko sa akin mga mata. Hindi ko alam gagawin ko.

THIRD PERSON'S POV

Ilang araw ng hindi matigil sa iyak ang binata, ni hindi ito nakain. Kung matulog man ito'y isang oras lamang. Habang naiyak naalala niya ang sinabi ng dalaga tungkol sa isang kahon sa kanyang damitan. Agad niya itong kinuha at binuksan. Nandoon ang mga sulat ng dalaga para sa binata.

     "Hi, kanina may nakasalubong akong manghuhula. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa mangyayari sa hinaharap. Wala naman masama kung maniwala diba? Haha.. Gusto ko lang malaman mo kung gaano kita kamahal. Wag na wag mong papabayaan ang sarili mo ok? Kumain ka sa tamang oras at wag na wag kang magpapalipas. Masama yun sa katawan. Uminom ka ng tubig bago matulog para di ka bangungutin. Alagaan mo sarili mo lalo na't ngayon wala na ako sa tabi mo. Ingat ka lagi ok? Sana maging ayos ka lang kahit wala na ako sa tabi mo. Ngumiti ka lagi. I love you. Muah. Hahahaha.

                     -Karen"

*End*

EUNICE'S POV

"Kamusta yung sinusulat ko? Ayos ba?" Tanong ko kay Mark na nasa tabi ko. Ilang araw na rin ako dito sa ospital. Pagsusulat ng mga kwento ang ginawa kong libangan dito. Wala kasi ang baby ko wala tuloy akong makalaro..

"Di kaya mainis ang mga magbabasa nito? Dapat ginawa mong happy ending. Kawawa naman yung lalaki. Di mo kasi naranasan mawalan ng minamahal." Sabi nito habang nakatingin pa rin sa laptop ko.

"Makapagsalita ka akala mo nawalan ka na ah." Sabi ko. "Tsaka ang pangit pag happy ending lagi."

"Palitan mo na lang. Dami pangdada. Dapat di ka na lang nagtanong." Sabi nito.

"Umiral na naman yang kasungitan mo! Tsk. Nagtanong lang ako di ko sinabing babaguhin ko yan para maayon sa gusto mong mangyari no." Sabi ko sabay irap.

"Kelan ka pa natutong umirap bata ka?"

"Matagal na! Tsaka di ako bata shatap." Sabi ko.

"Edi isip bata."

"Ikaw naman isip matanda. Mas matanda pa kay lolo."

"Aba."

"Hahahahahaha."

"Nababaliw ka nanaman Eu. Magpahinga ka na. Ok na tong ending mo." Sabi niya at nilapag ito sa table. "Goodnight. I love you." Sabi nito at ngumiti. Sana ganito na lang kami palagi.


°°°°°°

Mhegan's note:

After 10 years natapos ko din! Hahahahaha. Alam ko ang boring nito. Well, I'll let your imagination para sa pinaka ending. Hahahahaha. Dalawa kasi dapat gagawin kong ending pero baka di niyo basahin so ito na lang ginawa ko. Thank you sa pagsupport. I love you. Mwaaaa. *flying kiss* hanggang sa muli.

My Childish Fiance (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon