Prologue

125 50 7
                                    

Read at your own risk!.



Pumasok ako sa meeting room namin ng makatanggap ako ng mensahe mula kay Taki na pinapatawag lahat ng mga pinuno sa bawat district. Ako ang pinuno ng District 1 kung saan hawak ko ang nasasakupan naming Mafia.


Pagkapasok ko sa silid ay nakita kong prenteng naka-upo si Ichiro, ang pinuno ng District 2. Hindi ko ito pinansin at naupo sa tabi niya ng tahimik.


Dalawang pinuno pa ang iintayin at saka magsisimula sa pagpupulong. Maliban sa organisasyon na ito ay sa Viper din ako nabibilang kung saan nakilala ko si Alectrona sa isang mission iniligtas ko siya sa pagkakasunog ng isang warehouse at doon nadin nagsimula ang aming pagkakaibigan.


"Fvckers."


Rinig ko sabi ni Ichiro kaya naman napataas ang kilay ko, ilang saglit pa man ay magkasunod na pumasok ang pinuno ng District 3 at 4. Yumuko ito bilang paggalang sa mas mataas na ranggo. Itong si Ichiro lang naman ang matigas ang mukha at di ako ginagalang. Kaya nasanay nalang din ako palibhasa pinaglihi ata ito sa sama ng loob noong pinagbubuntis laging naka simangot.


"Late, again." Plain na sabi ko sa dalawa. Yumuko ito ulit at humingi ng pasensya, saka sila umupo sa kanilang pwesto.


Ilang sandali pa man ay pumasok na ang pinuno ng Ishikawa Organization, si Eiko Ishikawa, ang aming pinuno. Tahimik itong naglalakad patungo sa kanya silya. Halatang mong galing ito sa matinding pagsasanay marahil sa galaw nito na hindi nakakagawa ng kahit anong tunog.


"Tinawag ko kayong mga pinuno upang humingi ng huling pabor." Panimula nito at nilibot ang kanyang paningin saming apat.


"Sa nalalapit na ika-6 ng disyembre ipapasa ko ang aking trono sa aking anak, hinihiling ko na maging mahigpit ang sekyuridad ng ating lugar."


Lumingon naman ang dalawang pinuno sakin, Ang pinuno ng 3 at 4. Dahil siguro alam na nila ang manyayari sa pagpupulong na ito.


Katulad na lamang ng huling pagpupulong. Sakin binigay ang mabigat na trabaho kung saan ako ang pinakilos nya sa lahat at saksi roon ang dalawang pinuno.


Ichiro hiroshima ang pangalan ng pinuno ng District 2 kung saan sakop niya ang mga assassin. Isa siyang pure japanese ngunit lumaki siya sa pilipinas kaya fluent siya magsalita ng wikang tagalog.


Takashi Tobio naman ang pangalan ng pinuno ng District 3 siya ang mga hawak sa mga reapers, pareho lang sila ni Ichiro. Hiroshi Sato, District 4 which means hawak niya ang pinakamababang antas. Half Japanes at half Spanish.


Sa kanilang tatlo. Etong dalawang late ang close ko hindi ko alam kung bakit ganon nalang kasama ang galit sakin ni Ichiro. Siguro dahil sa ranggo sino ba namang gugustuhin matalo ng isang babae?


"At hinihiling kong kahit anong mangyari protektahan niyo ang aking Anak, Sa kahit anong paraan." Dugtong nito at tinignan kami isa-isa.


Sabay sabay kaming tumayo at yumuko bilang pag-galang sa nakakataas. Huminga ito ng malalim at natayo sa kanyang silya at yumuko rin samin.


"Eto ang huling trabaho niyo sakin bago ko ipasa ang aking trono. Inaasahan ko kayo."


10 years of being a King of Ishikawa Organization was not that easy. Malaki ang pasasalamat niya samin dahil sa pagiging tapat namin na miyembro at alam niyang sasalo kami ng bala para sa kanya.


"Ingatan niyo ang Prinsesa." Sabi nito saming apat habang tinitignan kami isa-isa at saka itinigil ang kanyang mata saakin.


Sabay sabay kaming yumuko at ganon din ang ginawa ni pinuno. Tumungo ito papalabas ng silid kaya naman nakahinga kami ng maluwag.


"Ano kayang mangyayare pag ang Prinsesa na ang mamumuno?"  Tanong ni Takashi sakin.


"Sa ating apat, Ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan ng Hari." Dugtong niya pa ng wala siyang nakuhang sagot mula sakin. Bumuntong hininga ako at humarap sakanya.


"Hindi ko alam, Taki. Sa ngayon sundin natin ang utos ng hari wala naman sigurong masamang mangyayare kung ang prinsesa na ang mamumuno."


Tumango tango naman si Takashi habang nakahawak pa sa kanyang baba na animo'y nagiisip. Taki loves to tease and do pranks in people around him but whenever he's in mission he become a different person.


"Pero Akira-chan nakita mo na ba ang Prinsesa ng Ishikawa?" Tanong naman ni Hiroshi.


Nakita ko namang umayos ng upo si Ichiro tila ba naagaw ni Hiroshi ang atensyon niya, katulad ni Hiroshi gusto niya ring makita ang Prinsesa ng Ishikawa.


Ngumisi lamang ako sa tanong ni Hiroshi at saka tinungo ang pintuan. Simula bukas magiging paspas ang pagsasanay lalo na't malapit na ang pagpapasa ng trono.










I, Akira Ishikawa. I'm Persephone, one of the Viper, And this is My Story.






Don't forget to vote and leave a comment.

Thank you :)

Viper Series 1: PersephoneWhere stories live. Discover now