05

61 45 0
                                    

Read at your own risk.




"What happened to you?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. It was my mom. Naka-kunot ang noo nito at masama ang tingin sakin.


After what happened, dinala ako nila Tacia sa hospital na pagmamay-ari ni Ate Joseph. Wala siyang tiwala sa ibang hospital plus makakalibre ako kung dito.


"Ganyan kaba kahina? Saksak lang yan nawalan kapa ng malay!" Asik nito sakin. Hinihimas naman ni Dad ang balikat niya upang kumalma ngunit hindi iyon umubra man lang.


Hindi ko ito pinansin at pumikit na lamang. My Mother never loved me. She made that clear right from the start, Ayon ang hindi ko maintindihan bakit mo hindi kayang mahalin ang sarili mong anak.


Since then wala naman akong natatandaan na ginawang mali sakanya. All of my life sinunod ko ang gusto niya kahit ba hindi ko gusto yon. Yun lang naisipan kong paraan para mawala ang galit niya sakin pero ni-isa sa mga ginawa ko kulang pa.


"Kita mo na Eiko. Ang bastos talaga nitong Anak mo!" Bulyaw niya kay Dad.


Narinig ko naman ang malakas na pagsara ng pinto pero hindi ko parin magawang idilat ang mata ko. Ano paba ang dapat kong gawin para lang maging maganda sa paningin ni Mommy.


"Pagpasensyahan mo na ang Mommy mo sadyang nag-aalala lang yon sayo."


Kagaya ng ginawa ko hindi ko rin ito pinansin. Masakit ang buong katawan ko lalo na sa parteng may saksak at nakakaramdam pa din ako ng konting hilo dahil sa lason. Buong akala ko magagawa nila akong bantayan kahit man lang bumuti ang pakiramdam ko ngunit Singal lang ang natanggap ko.


"Dad? Can you tell Ichiro to come here."


Tumango ito at inilabas ang kanyang cellphone na galing sa bulsa ng kanyang pantalon. Ilang sandali pa man ay nagpaalam na rin itong umalis dahil sa may emergency daw sa business namin.


Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at sa sulok na iyon ay nakita ko ang cctv naka-ilaw iyon sanhi na naka-on ito. Ngumisi ako rito at itinaas ang kamay sabay nag-F sign.


*********


I wake up to the scent of the flowers, and sunbeams from the window. Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko ng naramdaman kong hindi ako nag-iisa sa kwartong ito.


Ang sabi ko kay dad si Ichiro lang ang tawagin dahil may sasabihin akong importante ang kaso kasama yung dalawang bugok. Pesteng buhay to.


Mas bumuti na ang pakiramdam ko kaysa kanina at hindi na rin ako nakakaramdam ng anumang hilo.


I opened my eyes, I was met with familiar sight.


"Akira-chaaaan! " Ngawa ni Taki at dinamba ako ng yakap kasama si Hiro. Nagpanic naman si Ichiro at dali-daling hinila ang mga damit ng dalawang ugok.


"Sira ba ulo niyo! Kita niyong hindi pa siya masyadong magaling."


Napailing naman ako sa kilos ni Ichiro. Over protective ang lolo niyo mga bata kaya hinay hinay sa mga kilos at baka matanggal ang ulo niyo ng wala sa oras.


Napatawa ako ng makita kong naka-nguso ang dalawa. Hindi ko inakalang lumalaking nagmumukhang pato ang dalawa. Tsk!


"Ang papanget niyo talaga." Wika ko sa tatlo. Ngumiwi naman ang dalawa at tinaasan ako ng kilay ni Ichiro.


Apat na linggo at dalawang araw nalang at ipapasa na ang trono saakin. Ngunit sa natitira pang dalawang araw ay may mga misyon pa kaming tatapusin. Ibig sabihin may dalawang araw pa akong pwede mag-saksak ulit.


Napatingin ako sa side table ng maalala kong may naaamoy akong bulaklak. Makapal sampaguita na yung nabibili sa harap ng simbahan ang nakita ko at meron pang statue ng itim na nazareno.


"Sino ang naglagay nito dito?"  Tanong ko sa tatlo habang hinihilot ang sentido ko. Nandito ako para magpahinga at para gumaling hindi para dagdagan ang nararamdaman ko. Utang na loob talaga.


"Ako! Akira-chan. Ang bango-bango nga eh atsaka mura lang kasi tagsasampu lang bumili ako ng halagang isang daan hehe."  Wika nito habang kamot-kamot pa ang batok at kunwaring nahihiya.


"Ampotchi ka naman tol! Ginawa mong santo si Akira-chan."  Sabi naman ni Hiro at binatukan ng malakas Taki ngunit pagkabatok niya dito ay may tumalsik na nagmula sa bibig ni Taki.


Napamura naman si Ichiro ng makita niyang ubas iyon.


"Tol! Ano ba naman yan. Kaya pala ubos na yung ubas, ikaw pala ang kumakain!" 


Napatingin naman ako sa gilid ko ng makita kong saging at mansanas nalang ang natira at may iilang ubas na malilit ang naiwan.


Hinila ni Ichiro ang dalawa papalabas ng kwarto. Nanlaban pa si Hiro dahil si Taki lang naman daw ang sakit sa ulo at sumisigaw lang siya upang pagalitan si Taki.


Napahawak ako sa sintido ko ng makaramdam ako ng konting kirot. Kaya ginawang Pinuno ang dalawa para maging katulong ng susunod na reyna hindi maging sakit sa ulo ng reyna.


Hindi pa ako umuupo sa trono binibigyan na ako ng sakit sa ulo ng dalawa.


Bumukas ang pinto at iniluwa non si Ichiro. May iilan pang sugat ito na hindi pa masyado magaling, Ganon pala katulis ang boots na suot ko non.


Yumuko ito sakin kaya naman iniwagay-gay ko ang kamay ko na ibig sabihin ay hindi niya na kailangan gawin iyon.


"Pagpasensyahan niyo na po ang dalawa."  Wika nito at yumuko ulit.


Para namang hindi ako nasanay sa dalawang yon. Kahit ba ganon sila ay nagpapasalamat parin ako dahil kahit papaano napapagaan nila ang saloobin ko. Katulad na lamang kanina, yung ginawa ng sarili kong ina. Ganon ba kasama ang loob niya sakin at kailangan talaga akong sermunan at hindi muna ako hinayaang pakainin lang man.


"Sa natitirang dalawang buwan, ikaw muna magtrain sa mga tauhan natin. Dahil may Importante akong gagawin. Ikaw din sana mamahala muna habang wala ako."


Gigilitian ko muna ang mga peste bago magpasahan ng trono. At bukod don kailangan kong mahanap si Kuya dahil alam kong buhay siya.


"Masusunod."  Napangiti naman ako. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya itinuro ko sakanya yung mansanas na nasa lamesa. Sa una nagtataka siya ngunit ng makuha niya ang pinupunto ko ay kinuha niya ito.


Buong akala ko ay ibibigay niya na sakin ang mansanas ngunit nagulat ako ng kumuha siya ng upuan at inilagay iyon sa gilid at naupo. Naglabas siya ng swift knife sa bulsa ng kanyang pantalon at hiniwa iyon ng walang kahirap-hirap at inabot sakin. Hindi na ako umarte pa at kinain ko ang mga inaabot niya.












Don't forget to vote and leave a comment.

Thank youu!

Slow update.

Ps.

Hello guys this is my second acct. Amhay_126 at ito rin yung ginagamit ko pagmagbabasa ako ng stories.

Kung gusto niyo ma-view at ma-vote ko yung mga story niyo kindly follow my main acct. which is this acct ( @PrimaHermana_26 ).  Then message me.

No need to follow @Amhay_126. Thank youuu!

Have a nice day Everyone!❤❤
























Viper Series 1: PersephoneWhere stories live. Discover now