09

33 21 1
                                    

Read at your own risk.



Nakatanaw lang ako sa mga punong nadadaanan namin habang papunta kami sa bar na kung saan pagmamay-ari namin.


Aaminin ko hindi madaling maging tagapag-mana ng isang organisasyon, kada papalapit ang araw ng pasahan ng trono asahan mo papalapit na rin ang kamatayan mo.


'Liquor Licker '


Nang makarating kami sa bar ay sumakay kami ng elevator patungo sa baba, kung saan andon ang tambayan namin.


Naabutan namin si Tacia Gurang naka-upo ito at nakaharap parin sa kanyang laptop.


"Um-order na ako ng mga paborito natin." Ate Joseph sat down in the single sofa while crossing her arms.


Ganyan siya lagi. I think that's one of her mannerisms bukod pa don magaspang din ang bunganga. Nature niya na yung pagtataray kaya sanay na kami ni Tacia.


"How are your feelings, Baby girl?"  Ate Joseph stares at me using her cold eyes.


Ngumuso ako ng maalala ko ang katangahan na ginawa ko kanina.


"Hindi na virgin kamay ko." Inilabas ko sanitizer mula sa bag ko at naglagay sa kamay.


Tacia laugh at the situation while Ate Joseph was smirking at me. Napa-iling nalang ako ng maalala ko ang inasta ko, ugh!


I stood up when I heard someone knocking at the door. Binuksan ko ito, bumungad sakin ang mukha ni Elias, may bit-bit itong tray na may lamang alak at nachos.


"Hey Elias, Baby" Napalingon nalang ako kay Tacia, nakangiti ng pagkatamis-tamis habang nakatingin kay Elias.


'What a flirt'


"Good Evening, Maam Tacia" Sumimangot naman si Gurang ng marinig ang tinawag sakanya. Napatawa naman ako kaya naman nalipat ang tingin niya sakin at inirapan ako.


Afterwards, nakaramdam na ako ng tama galing sa alak, ganon din si Tacia while Ate Joseph is still drinking and eating.


I'd like to go home early, maaga pasok ko bukas plus tambak daw ang mga papeles ayon kay Ichiro hinahanap rin daw ako ni Dad that's why even I don't want to come over there, wala akong choice dahil sa responsibilidad na nakapatong sa likod ko.


"Always remember that you cannot be an effective leader if you dont know the jobs of your people."


Napatingin ako kay Ate Joseph. Nakayuko lang siya habang hawak ang bote ng alak sa kanang kamay at hawak naman niya ang nachos sa kabila.


"Lahat tayo may mabibigat na responsibilidad, Kung hindi man natin gagawin yon mas mahihirapan lang tayo sa buhay. Because that negative choices may lead us to danger."


Tumungo ako sakanya ay niyakap siya. I wish kuya is here, guiding me in every choices na pinipili ko at pipiliin ko.


Hinimas niya naman ang buhok ko. "You know that I'm always here for the both of you. We are sister by heart."


Napangiti ako. Kontento na ako sa mga taong nasa tabi ko silang dalawa lang masaya na ako, hinihiling ko na may oras kami para sumayaw at kung dadating man ang araw na yon lulubusin ko na.


"Let's go dance, girls!" Hinila kami ni Tacia, una pumalag si Ate pero ng alam niya nang hindi siya tatantanan ni Tacia ay hindi na siya nag dalawang isip.


Lumapit si Tacia sa Dj habang hila-hila kami. Napa-irap nalang ako.


"Hey Jacob! Give us a beat." Hindi nakaligtas ang pagkindat ni Tacia sa Dj. Tsk! Napaka-harot talaga nito.


🎶Booty- Jennifer Lopez ft. Iggy Azalea🎶


We are dancing in every beat of the music. Hinanap ng mata ko si Ate Joseph buong akala ko sumasayaw rin siya ngunit nandon siya sa counter umiinom habang nakikipag-usap kay Elias. Maybe she's checking if the bar is okay or kung problema.


Bumalik na ako sa room namin ng nakaramdam ako ng pagod. Napagdesisyonan ko na rin na umuwi kaya naman nag-ayos ako ng gamit at nilinis ko rin ang i-ilang mga kalat na naiwan para madali nalang kunin ng mga naglilinis.


Malakas na katok mula sa pinto ang aking narinig kaya naman binuksan ko ito. Elias popped  his head inside the room.


"Ma'am, pinapasabi po ni Ma'am Joseph na nauna na raw siya sainyo." Tinanguan ko lang ito at tinuloy ang pag-aayos ng gamit. Ilang sandali pa ay nagtataka ako kung bakit hindi pa siya umaalis.


Tinaasan ko ito ng kilay ng makita kong hindi mapakali ang mata niya, I know that he's nervous dahil bukod sa nag aalangan ito, malikot din ang mga mata.


"May problema po kasi tayo Ma'am. Yung lalaki po sa room 37 nag-wawala hinahanap po yung may ari ng bar."


Napahilot ako ng sentido sa aking narinig. Akala ko makakauwi na ako at makakatulog ng mapayapa ngunit nagkamali pala ako. Sasabihan ko sanang si Tacia nalang papuntahin ngunit ng maalala kong may tama ay hindi ko na ginawa.


Bitbit ang bag ko tinungo ko ang room 37 kagaya ng sinabi ni Elias nagwawala nga ang Lalaki. Hindi nakasunod sakin si Elias dahil sinabihan ko itong bumalik sa trabaho.


Ngunit pagpasok ko ay walang tao. May naririnig akong boses lalaki na nagsisigaw pero ako lang ang tao sa loob. Kaya naman hinanap ko ito.


Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto. Nahagip ko ang isang cellphone na naka-on at tila ba may nagpaplay don na isang record. Nakadikit don sa dulo ng cellphone ang isang microphone sanhi na naging malakas pa ang sigaw.


I bit my lip in frustration. I noticed someone moving in the corner of this room kung saan madilim ang parte na iyon. Pupuntahan ko na sana ngunit biglang namatay ang Cellphone kaya nalipat don ang atensyon ko.


I felt someone behind my back that's choking my neck. Kaagad kong siniko ang taong iyon kaya naman lumuwag ang pagkakasakal niya sakin.


I was breathing heavily. Damn this man is strong.


"Who the fuck are you!" I ask the guy.

"Its been a while, Hime." Ngumisi ito. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng makita ko ang ngisi niya.


This time kita ko ang buong mukha niya. Tama nga ako maganda ang mukha ng lalaking ito but I don't know him. I kick my foot upwards, aiming for his crotch but his reflexes are faster than I hoped for.


He quickly catches my foot and he pulled it causing me to fall to the ground.


Ilang sandali pa man, inilabas niya ang isang panyo mula sa kanyang bulsa kaya naman ginawa ko ang lahat para umiwas ngunit sadyang malakas siya at inilagay iyon sa aking ilong. Sinubukan kong hindi huminga ngunit sinikmuraan niya ako bigla kaya nasingot ko ang kung anong chemical na nakalagay sa panyo.


Second later, my vision became blurred.







Enjoy reading guys.
Don't forget to vote and leave a comment.
Thank you! ❤

Viper Series 1: PersephoneWhere stories live. Discover now