Chapter 1
Hindi na ako nakatulog matapos kong magising. Kakaiba kasi iyon sa mga napapanaginipan ko. Pakirandam ko totoo. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa umuulan dito ay umuulan din sa panaginip ko.
Pagkamulat ko ay nakita ko ang pagdaan ng liwanag ng kidlat mula sa bintana. At doon ko napatunayang nananaginip lang ako. Parang kumurap lang ako at biglang nandito na ulit ako sa silid.
Pero narandaman ko talaga 'yon! Napokpok ko ang sailing ulo. Kung anu-anong naiisip ko!
Bababa sana ako dahil nakarandam ako ng uhaw pero hindi pa ako nakakababa ng kama nang makarinig ako ng mga boses. Iisipin ko sanang guni-guni ko lang o kaya nananaginip lang ako, pero hindi!
Sinampal ko pa ang sarili ko at napangiwi ako sa sakit. Gising na gising ako at alam kong totoo na ito!
Mabilis kong isinuot ang salamin ko.
Nang sumilip ako sa bintana ay nanlaki ang mata ko. Kumurap pa ako para alamin kung nagha-hallucinate lang ako. Pero hindi! Bakit ang daming tao sa labas ng gate namin!? At bakit may mga hawak silang sulo?! Mukhang may balak pa silang sunugin ang mansiyon!
Sinusubukan nila kaming pasukin. Para bang pursigido silang pabagsakin ang gate namin sa dahas na ipinapakita nila.
Goodness, nagkaroon na ng kumusyon sa labas at nagsisimula ng kumilos ang mga tauhan namin.
Sumisigaw ang mga tao at parang galit na galit. Oo, galit sila sa pamilya ko pero bakit kailangan nila kaming sugurin!? Hindi ko alam! Nakarandam agad ako ng takot.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya lumingon ako. Nakita ko si Tiya na parang aligaga. Malamang dahil sa nangyayari sa ibaba. Hindi naman namin ito inaasahan.
"T-Tiya, bakit po nila tayo sinusugod?" Nakagat ko ang dila sa pagka-utal.
Kinakabahan ako at hindi ko 'yon naitago sa aking tono! Natatakot din. Hindi lang para sa 'kin kundi para na rin sa mga taong pwedeng masaktan!
"Sumama ka sa 'kin, hija..."
Lalo dumagundong ang kaba ko. Ano ba talagang nangyayari? Paniguradong malaking gulo ito.
Bumaba kami ni Tiya. Nakita kong nagkalat din ang mga katulong. Malamang ay dahil sa kaguluhan. Bakas sa mukha nila ang pagkabalisa at takot.
"Saan si Papa, Tiya?"
Tumingin sa 'kin si Tiya at mas hinigpitan ang hawak sa 'kin. Naglapat ang labi niya at parang ayaw magsalita. Nag-alala naman ako bigla. Baka may nangyari nang masama. Hindi ko maiwasang igala ang paningin ko at hanapin siya.
"M-Maayos si Thobbias, Aquila. Wala kang dapat ipag-alala," bahagyang napanulok si Tiya. Kanina pang malamig ang kamay niya.
Hindi ko na napansin kung saan kami dumaan ni Tiya. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa labas ng mansiyon. Nagmamadaling maglakad. Umuulan at malamig pero hindi 'yon nakapigil kay Tiya para yakagin ako sa kung saan.
Dinig ko na rin ang lakas ng sigaw ng mga tao. Para silang mga nagwawala. Nakakatakot. Parang kaya nilang gumawa ng dahas!
"LUMABAS KAYO! MGA HALIMAW! PAPATAYIN NAMIN KAYO!"
"UMALIS NA KAYO RITO! MGA SALOT! MGA HALANG ANG KALULUWA!"
"HINDI KAMI NATATAKOT! TAPOS NA KAMING MATAKOT! TATAPUSIN NA NAMIN ANG KASAMAAN NIYO!"
Hindi ko na halos maisip ang daang nilalakaran namin. Para akong wala sa sarili. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung sa lamig pa ba ito o sa takot. Pero hindi maganda ang pakirandam ko rito!
YOU ARE READING
Lie Down My Damon
FantasyIf you will fall inlove, what would you do? Will you still fight for it even if it means your life? Or you will just accept the faith that your love is a taboo? Choose your own path, Aquila. A/N: This story contains typos and grammatical errors, I'm...