Chapter 14

1 0 0
                                    

Chapter 14

I bit my lower lip while looking at the image I painted on the paper. I was just trying to remember the door that I've dreamt last night. It really looks familiar for me. I knew I've seen this before.

I sighed.

What's with that door? And what about the chinks of chains I've heard from its inside? I was just confused because it's the first time that I've dreamt of something like that.

And when I say I want to divert my attention on something else, I mean to focus my self on a certain thing to temporary forget the things bothering me. Painting is one of it. But how can this door divert my attention from everything? Not helping.

"What's with the door, Aquila? Seryoso kang nagpipinta pero ang gagawin mo lang ay isang pinto?" Umiling si Lyvian.

I'm just killing the time while waiting for Tiya Harriet. Simula kasi kaninang umaga ay hindi ko pa siya nakikita, gusto ko na sana siyang tanungin sa alam niya ngunit wala siya.

Pakirandam ko ay kinakain ng pag-iisip ang utak ko at kailangan kong itigil ang masiyadong pag-iisip. Padagdag nang padagdag lang naman ang mga tanong ko sa sarili.

Ngumiti ako. "This is not just a door, Lyvian."

"Well, all I can see is just that door, Aki. I can't see the sense of your painting. Really." Ngumiwi siya.

Bumalik ang paningin ko sa pininta. Lahat talaga ng napapanaginipan ko ay ginuguhit ko. If I can't remove them from my mind, then I'll just do the opposite.

"For me, it's not just a door." kumunot ang noo ko. "Weird." Parang ganito rin ang isang pinto na nakita ko sa mansiyon.

Tumingin siya sa sariling ipininta. Namangha ako nang makita. She painted a mother and a child on it. The mother looks so happy while looking at her own child. I think she really love Tiya Harriet that much to even paint them together. But the child on the painting looks emotionless, just like her.

I sighed. I remembered my Mom. Bata pa lang ako nang huli kong nakasama siya ngunit bata pa lang din ako nang mawala siya. Hindi ko alam kung anong nangyari, ngunit nagising na lang ako sa balitang wala na siya.

Kung hindi lang talaga kay Tiya Rosa ay siguro hindi ko mararanasan ang magkaroon ng ina. I'm so lucky to have her right beside me. Napakabait din ni Mama Frieda pero maaga siyang nawala. Napakaliit ko pa noong huli ko siyang naaalala at hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga ngiti niya.

If I can't really remember my past, what memories has I forgot? May ipinakita sa aking libro si Tiya Harriet, gusto ko na sanang kuhanin 'yon ngunit wala pa siya. Sinabi rin niya na hindi ito pwedeng malaman ni Lyvian.

"Nasaan si Tiya Harriet?" Nilingon ko si Lyvian.

Umangat ang kilay niya sa 'kin. Kada talaga titingin siya sa 'kin hindi nawawala ang pait sa mata niya. Kahit tuloy nakikipag-usap na siya ay pakirandam ko may kinikimkim pa rin siyang galit sa akin.

"Hindi ko rin alam. Baka pumunta sa bayan." Nagkibit-balikat siya. "Nakita ko lang siya kaninang nagmamadaling umalis pero nang makita niya ako ay nagbilin lang siya."

Tumango ako. Kung ganon ay siguradong may kalayuan 'yon. Lalo na at nandito kami sa gubat.

"Bakit mas gusto niyo ritong mamalagi? Mahirap dito kasi nasa gitna kayo ng gubat. I mean, bakit mas pinili niyo ritong tumira?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya sa 'kin. "Hindi ko alam kay Ina, pero..." Naningkit ang mata niya. "Kung tama ang pagkaka-alala ko, sinabi niyang hindi na dapat kami mamalagi roon, dahil delikado na sa lugar namin," aniya pa.

Lie Down My DamonWhere stories live. Discover now