Chapter 18
I was drowning with my own thoughts while looking at Telluah. I'm trying to connect everything that I know but I think, there's still a lot of missing pieces I need to solve.
I don't know when what should I feel about the informations that I found out. With a thought that there's more thing that I didn't know. It looks like Tiya Harriet would be my bridge to know those things.
I'm trying to remove the questions that didn't stop bugging my mind. I know that I should not believe easily on what she said, but I can't see any reason for her to lie. And me, my self, also believes in everything I've heard from her even if I still have a lot of confusions.
I badly want to know everything, I know that I'm already in process for it, but something inside me saying that I'm near to know his name. I want to know his name.
Yes, I've confirmed to my self that GS was really a part of my past, but I'm thinking of his role. I'm a bit shock about my dream, I didn't expect that it will really work! I just tried but it brought me to that part of my... memory?
Gusto ko mang subukan muli ay parang walang nangyayari. Pinipilit kong gayahin ang ginawa ko kagabi, ang kaso ay kumikurot lang ang ulo ko. Hindi ko magawa! Malapit na pero hindi ko pa nagawa!
Napabuntong-hininga ako at bumaling kay Telluah. Ngunit umiling din. Papalubog na ang araw at hindi pa rin siya dumadating. Masiyado ko yatang inasahan ang sinabi niyang mas dadalas ko siyang makikita.
"Papasok na nga ako, Telluah," bumuntong-hininga ako.
Baka mamayang gabi pala ay matuloy na ang kailangan naming gawin in Tiya Harriet at kailangan ko pang maghanda. Malamang nga at hindi basta-basta 'yon. Wala pa naman akong alam masiyado sa ganon. Ngunit nandiyan naman si Tiya Harriet at malamang ay hindi niya ako pababayaan.
"Aquila..."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niyon. Boses no GS! Narandaman ko ang bahagyang hampas ng hangin sa akin. Baka naman guni-guni ko lang 'yon?
Umiling ako at ngumisi sa sarili. Sinasabi ko na nga bang mababaliw na ako sa mga nangyayari, nagsisimula na yata! Naririnig ko ba naman ang mga bagay na hindi totoo? Sukat bang marinig kong tinawag ako ni GS? Malamang ay nandon pa 'yon sa kubo niya!
Maglalakad pa lang muli ako nang marinig siyang magsalita.
"Ayaw mo na ba akong makita, Aquila?"
Awtomatiko akong napalingon sa kaniya. At nakumpirma kong hindi pa ako nababaliw! Nandito talaga siya! Mabilis akong ngumiti at lumapit sa kaniya.
"Bakit ngayon ka lang?" Nakagat ko ang dila nang hindi na napigilang magtanong.
Kinunot ko na lang ang noo para mapanindigan ang tanong at sinalubong ang mapanuri niyang tingin. Baka isipin niya, masiyado akong demanding! O masiyado ko siyang hinihintay? Oo, kanina pa! Pero hindi ko na mababawi ang naitanong na!
Tinagilid niya ang ulo niya at pinakatitigan ako. Magkrus pa ang braso niya. Naka-angat ang tingin ko sa kaniya dahil masiyado siyang mataas! Para naman akong nagmamaktol na bata kung titigan niya! Umirap ako sa sariling naisip!
Umiling lang siya at nilahad ang kamay niya. Kinunutan ko lang siya ng noo kahit alam ko naman na talaga ang gagawin. Ha! Hindi niya manlang sasagutin ang tanong ko?
His side lip rose and shook his head.
"Sandali lang naman," ngumisi siya.
Inabot niya ang kamay ko at nagpatianod na lang ako. Para namang nalusaw ang tampo ko. Aba! Bakit ka naman nagtatampo, Aquila? Gusto kong ngiwian ang sarili pero imbis ay nangingiti pa ako!
YOU ARE READING
Lie Down My Damon
FantasyIf you will fall inlove, what would you do? Will you still fight for it even if it means your life? Or you will just accept the faith that your love is a taboo? Choose your own path, Aquila. A/N: This story contains typos and grammatical errors, I'm...