Chapter 8

2 0 1
                                    

Chapter 8

Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko inaakalang makaka-iwas pa ako ngunit sakto lamang ang bilis ng pagkahulog ng trosong ito at ang pagkabig ko kay Telluah upang hindi tamaan niyon. Iisipin ko na sanang may nanadya sa pangyayaring ito ngunit napaka-imposible, wala rin akong nakikitang tao sa tumpok ng mga puno.

Napakatahimik. Tanging tunog lamang ng kuliglig ang naririnig ko. Ngunit narandaman ko ang mga matang nakatingin sa akin kanina. Hindi ako pwedeng magkamali.

Naging alisto ako nang makarinig ng kaluskos sa mga dahon. Bigla akong napatingin doon—ilang hakbang lamang ang layo sa akin nito. Nasa gitna pa nga pala ako ng gubat at kailangan ko nang umalis.

Bahagya pa akong napapiksi nang may nakitang lumundag mula sa kumpol ng mga damo. Ngunit nakahinga rin nang maluwag nang matantong ibon lang pala. Mukhang nahulog sa puno.

Tumalikod ako at muli na sanang sasakay nang makarinig ng kaluskos. Muli kong narandaman ang mga nakatingin sa 'kin ngunit hindi ko na nilingon at sumakay na lamang muli kay Telluah. Handa na akong humataw nang marinig ang pangalan ko;

"Aquila..." tinig ng babae.

Mabilis akong napalingon sa kaniya at bahagya pang nagulat nang natantong alam niya ang pangalan ko. Kumunot ang noo ko habang inaaninag siya. Mula sa gilid ng isang puno ay inilantad niya ang sarili.

Hindi ko gaanong kita ang kabuoan niya dahil sa dilim ngunit may kakaiba akong nararandaman sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag kung ano, ngunit kakaiba. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Sino ka?" tanong ko.

Lalo pa siyang lumapit at hindi ko alam kung may dala siyang panganib dahil sa nararandaman ko sa kaniya ngunit hindi ako nagpatinag. Bakit alam niya ang pangalan ko?

Nasinagan ng kaunting liwanag ng buwan ang kaniyang mukha at unti-unting lumilinaw sa akin ang imahe niya. Lumalim sa pagkakakunot ang noo ko. May pakiramdam akong nakita ko na siya.

"Hinahanap talaga kita, Aquila. Sumama ka sa 'kin at sasabihin ko sa 'yo," malumanay na aniya.

Naguluhan ako sa sinabi niya. Kailangan ko pang puntahan si Tiya dahil pakirandam ko ay may hindi magandang nangyayari sa kaniya. Ngunit hinihiling ng isang estrangherong ito na sumama ako sa kaniya?

Umiling ako. "Pasensiya na, pero kailangan ko pa pong umalis at mayroon pa po akong dapat puntahan," magalang kong sabi.

"Hindi pa pwede, Aquila, kung binabalak mo man ay umuwi." Natigilan ako at lalong napatitig sa kaniya.

Mataman ko siyang tinitigan. Sino ba ang babaeng ito?

"Sino ka bang talaga?" Paano niyang nalaman? Maging ng pangalan ko ay alam niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang magtaka kung sino ang katauhang ito na bigla sa aking bumulaga.

Her side lip rose when she saw my reaction. "Kilala ako ng Tiya mo. Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat kung sasama ka sa 'kin," aniya naman.

Nabuhay ang kaunting parte ng pag-asa sa kalooban ko. May parte ang naniniwala ngunit may parte pa rin ang hindi mapanatag. May mali. Ngunit may nagtutulak sa aking tanggapin ang kaniyang alok.

Ngunit mapagkakatiwalaan ba siya? Ngunit hindi ko siya kilala! Nakagat ko ang ibabang labi. Saglit pa akong pumikit at nag-isip. Bakit parang lahat na lang ay may alam at tanging ako na lang ang naguguluhan at nananatiling wala maski ideya? Kung sasama ba ako sa kaniya, makakahanap ako ng kasagutan?

Napalingon ako sa likod nang makarinig ng yabag ng kabayo. Papalakas ito nang papalakas, indekasyon na papalapit ito sa amin. Pumaling ang ulo ko at inaninag ito. Ngunit napasinghap ako nang makilala kung sino ang sakay n'on.

Lie Down My DamonWhere stories live. Discover now