Chapter 3

7 0 0
                                    

Chapter 3

I woke up a bit disoriented. My hands moved automatically to find my eyeglasses but a moment later, I touched nothing but a soft mattress. The scent of my room was also changed.

I cannot recall  changing it. But the new scent smells more better than before. It's just like the fresh air from the forest. Huh!

I slowly opened my eyes. As expected, my eyes were blur without my eyeglasses. My forehead creased and my eyes roamed around the place. There's no familiarity in my room.

Nasaan ulit ako?

The room was not that spacious but big enough for me, and the walls were filled with brown color. Nang hawakan ko ito ay doon ko lang nakumpirma, maaligasgas at gawang kawayan. Kubo nga! Pero pakirandam ko mas malaki ito kumpara sa normal na kubo lang.

Naalala ko nga pala 'yung 'good Samaritan' na tumulong sa 'kin! Medyo maliwanag na sa labas at naririnig ko na rin ang ibon. Nakakalungkot lang na nagising ako mag-isa.

Kung tama ang hinala ko ay nasa gitna ako ng gubat. Kaya naman pala ganon ang amoy ng paligid!

Muntik na akong mapatalon nang narinig kong bumukas ang pinto. Pumasok siya mula roon at naamoy ko na agad ang bango ng dala niyang pagkain! Mabilis na lumiwanag ang mukha.

Pinanood ko siyang lumapit at tumabi sa 'kin nang hindi natatanggal ang tingin sa dala niyang pagkain. Kahit malabo ang mata ko alam kong pagkain 'yon!

Napahawak ako sa walanghiya kong tiyan nang tumunog 'yon! Nahihiya na lang akong ngumiti.

"You looks so peaceful while sleeping earlier kaya hindi na kita agad ginising," aniya.

Ngumiti ako. Bigla kong naalala na hindi pa pala ako nakakapaghilamos at kagigising lang kaya mabilis kong kinapa ang mukha ko. Baka may dumi pa ako sa mukha, nakakahiya!

Naalala ko ring panloob lang ang tanging suot ko kagabi pero nang sipatin ko ang sarili ko ay nakasuot na ako ng malaking plain white T-shirt. Bukod sa pagmamay-ari niya ito ay malamang siya rin ang nagsuot sa 'kin nito!

Hindi ko tuloy alam kung makakahinga ako nang maluwag dahil don.

Nakakahiya! Alam ko, may pakiramdam akong hindi naman siya 'yung tipo ng mapansamantala. At para ngang wala lang sa kaniya 'yon. Siguradong nakita na niya ako nang halos walang saplot!

Ako lang talaga ang naglalagay ng malisiya rito pero kahit na ganon hindi ko pa rin mapigilan ang pag-init ng pisngi ko!

Jusko talaga, ha.

"Maayos naman ang itsura mo ngayon kaya wala kang dapat ipag-alala," mahihimigan ang adorasyon sa tono niya.

Dahil nga malabo ang mata ko hindi ko sigurado kung nakangisi ba siya. O baka kasi guni-guni ko lang.

Nilapat niya ang likod ng palad niya sa noo ko. Sunod naman sa leeg para siguro alamin kung may lagnat pa ba ako. And for unknown reason, my heart raced by his simple touch.

Si Tiya naman ginagawa rin ito pero hindi naman ganito ang reaksyon ko.

"Sinat na lang ang meron ka ngayon pero magpahinga ka pa rin. Then... you decide." He shrugged.

Pigil ang ngiti ko sa ipinapakita niya. His tone and expression says otherwise of his action. He looks so serious and snobbish but his gestures screams gentleness and care.

"S-Salamat kasi t-tinulungan mo ako kahit hindi mo ako kilala." Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa 'kin kaya nagpatuloy ako. "I'm Aquila! I don't know when how to befriends with the others because... I never had one. A-And I'm already used to it since then. Being alone or... outcast in their eyes? But, no, don't blinded by your eyes can see. I may be look weak on the outside but you wouldn't know what I really am inside." I smiled, still buffled when the introduction I was doing were right. "Not until you try me."

Lie Down My DamonWhere stories live. Discover now