Chapter 13
I don't know how should I react. All this time he really knew me but he never told me. Just now. Oh, right. Even if he tell me about this on our first meeting, I would doubt to believe. But even so, if ever his statement was absolutely true, how did he know about it?!
He knew me and my family that I think he knew too much. Now, I'm wondering when who he really is. The good Samaritan who helped me is now unknown to me. I thought he's just some stranger that has a good heart to give help. But I feel like there's a more deeper reason why he did what he has done.
Now I'm uncertain about the real impression that I can see on him, because I know that here's a deep part of him that I still need to know more—that I need to dig deeper. Because the only visible to me was his surface.
"Uuwi na ako," saad ko.
Alam kong nakatitig lang siya sa 'kin ngunit hindi na ako makatingin pabalik. Lalo lang nadadagdagan ang katanungan ko kapag tinitignan ko siya. Napakarami ko pang gustong malaman pero hindi ko alam kung saan magsisimulang magtanong!
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago tumayo. Malalim na talaga ang gabi at hindi ko alam kung gaano kaming dalawa naging tahimik. Sana lang talaga ay hindi pa ako hinahanap ngayon. Ayaw ko namang pag-alalahanin si Tiya Harriet.
Pinauna niya akong muli sumakay sa kabayo bago siya sumunod. Walang nagsalita sa pagitan naming dalawa at parang parehong nawalan ng sasabihin. Ngunit alam kong kanina niya pa ako tinitimbang sa tingin!
Pansin niya siguro ang reaksyon ko kaya hindi na siya nagsalita pa. Malamig ang simoy ng hangin ang nanunuot sa pang-amoy ko habang nasa biyahe. Maya-maya kong naririnig ang pagbuntong-hininga.
Hindi ko alam kung sinasadya niya bang bagalan ang pagpapatakbo ng kabayo ngunit hindi na ako nagreklamo. Sumandal na lang ako sa kaniya. Nakagat ko ang ibabang labi. Bakit kahit marami pa akong hindi alam sa kaniya ay ganito pa rin ako kakomportable?
Normal pa rin ba ito?
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ano pang normal sa mga nangyayari. Narandaman ko ang pagtigil ng kabayo at doon lang ako nagmulat. Nandito na pala kami! Pero parang ang bilis ng oras.
Tahimik lang ako nang makababa at ganon din siya. Hindi ko alam kung papasok na ba ako o magpapa-alam sa kaniya. Para namang naumid ang dila ko at walang ibang magawa kung hindi ang titigan siya pabalik.
"I'm sorry..." senserong aniya.
Kumunot ang noo ko. Para saan naman? Ang huling tao na humingi ng tawad sa 'kin ay si Tiya Rosa. 'Yon ay dahil sa bagay na nagawa niya sa 'kin noon—na kailangan kong malaman ngayon. Ano na naman ang kasalanan ng isang ito?
"Expect to see me more often, Aquila. You can't hide from me, but if you still want to maintain the space between us, you can run..." Maliit siyang ngumisi sa akin at bahagyang nakakunot ang noo. "But expect me to run after you."
Iniisip niya bang tataguan ko siya? At hindi niya pa rin nakakalimutan ang space na sinabi ko? He's so confusing. And really something!
"Why are you sorry for?" tanong ko. "A-And see you often?" nabibigla at nagtatakang tanong ko.
Tumango siya. "We will see, this will not just end right here, and I won't let it happen," aniya.
Lumapit siya sa 'kin at napasinghap ako nang hagkan niya ang tuktok ng ulo ko. At para bang normal lang sa kaniya 'yon. Kilala niya ako ngunit ganito rin ba kami magkalapit noon?
"You need to face everything from now on, Aquila. I want you to be prepared before everything become difficult for you," paalala niya na hindi ko sigurado kung para saan.
YOU ARE READING
Lie Down My Damon
FantasiaIf you will fall inlove, what would you do? Will you still fight for it even if it means your life? Or you will just accept the faith that your love is a taboo? Choose your own path, Aquila. A/N: This story contains typos and grammatical errors, I'm...