Chapter 5
I don't know if it's because of the fish I was eating, tranquility of this place, beauty of the moon and sky or the person I was with, when why I feel contented.
It's my first time to eat outside and with this kind of set up, simple yet much better. All I know is that I'm smiling and feeling happy about it. And having someone—or more, having him completed everything.
This is my first time being away from home but instead of being scared, I feel at ease and free breathing. Like I just found my second home because I feel so welcome.
We're just both silent, while I'm always glancing at him. His eyes were fixed on the fire and staring there blankly, it's as if he's in a deep thought because his forehead is slightly creased.
I said space but he became silent! I don't know when what's on his mind right now, but he seems to be seriously thinking about something. No wonder why he wants to live here, if my supposed place will be so peaceful like this I would love to stay, too.
I bit my lower lip and looked at him. I want to confirm something. The fire illuminated his face so I can clearly see the half of his face, he's not doing anything but by just looking at him, I think I'm seeing a Greek god on his not so soft but strong features.
"GS..." tawag ko.
Agad naman siyang lumingon sa 'kin at hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. Nanatili 'yong blanko nang salubungin ang mga mata ko.
Tinitignan ko siya at tinanggal ang salamin ko sa mata. Alam kong nakatingin lang din siya sa 'kin. If my dream was right, then it's really him.
Saglit akong pumikit at inalala ang napanaginipan. I know it's blur just like my sight, raining, only the lighting gives me a chance to have a glimpse of him in the dark and rainy... forest? Yes! I felt the wet soil against my back that time!
Dumilat ako at pinakatitigan siya. Bahagyang nakakunot ang noo ko habang inaaninag ang itsura niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Tanging apoy lang ang nagbibigay liwanag para makita ko siya.
I don't really know why I dreamt of it! It's him! I just don't know but I feel like there's still something wrong and missing that I can't figure out!
Napapikit ako nang marandamang umiikot ang paningin ko. Hindi ko alam kung saan babaling. Sinubukan kong tumayo sapo ang ulo ngunit para akong mabubuwal. Mabilis niya akong naalalayan.
"Bumalik na tayo sa loob, lumalalim na rin ang gabi," rinig kong sabi niya.
Kinalma ko ang sarili ko. Nakalimutan ko ang ilang parte ng panaginip ko! Normal 'yon ngunit kapag pinipilit kong alalahanin ay lalo lamang nagiging blanko ang alaala ko.
Tumango ako. "Salamat..."
Bahagya na nawala ang pagkahilo ko at inalalayan niya pa rin akong pumunta sa kwarto. Dalawa ang kwarto rito at halos manipis na dingding lang ang pagitan, akala ko ay lilihis na siya ngunit nanatili siyang nakasunod sa likod ko. Kunot ang noo at hindi mabasa ang ekspresyon niya.
Nanatili lang siya na parang nagbabantay. Hindi pa siguro siya inaantok. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at hindi siya umalis sa pwesto niya.
"Matulog ka na. Dito lang ako."
Mukhang wala nga talaga siyang balak umalis. Nakatulog naman ako nang tuluyan at inalis ang gumugulo sa isip.
Nakarinig ako ng boses ng isang lalaki. Alam kong ako ang kausap nito ngunit hindi ko halos maintindihan ito. Sinubukan kong sundan ang boses. Hindi 'yon nawawala.
Bigla ay natabunan ang boses na 'yon ng marami pang boses. Sumisigaw sila. Ngunit ang atensyon ko ay nasa boses lamang ng lalaki. Pinilit ko 'yong hagilapin ngunit dumadami ang mga boses at mas lumalakas.
YOU ARE READING
Lie Down My Damon
FantasyIf you will fall inlove, what would you do? Will you still fight for it even if it means your life? Or you will just accept the faith that your love is a taboo? Choose your own path, Aquila. A/N: This story contains typos and grammatical errors, I'm...