Chapter 15

3 0 0
                                    

Chapter 15

Nakailang buntong-hininga na ako. Hindi ko masasabing tahimik ang hapag dahil madalas naman talagang tahimik. Si Tiya Harriet naman ay mukhang kalmado lang at ngingitian ako kapag dumadako sa akin ang paningin.

Si Lyvian naman, parang walang emosyon habang kumain. Hindi ko alam kung ganiyan din siya noong wala pa ako. Ngunit iba naman ang trato niya kay Tiya Harriet kaya malamang sa akin lang talaga siya may galit.

Matapos kumain ay dumiretso lang si Lyvian sa kwarto niya kagaya ng palagi niyang ginagawa at naiwan kami ni Tiya Harriet na magkasama. Kinabahan naman ako agad! Alam ko na kasing kailangan ko na talaga siyang tanungin tungkol sa bagay na makakatulong sa 'kin.

'Yun na lang kasi talaga ang makakapagpatahimik ng isip ko. Mukhang napansin niya ang titig ko kaya tumingin siya sa 'kin at ngumisi. Para bang alam na niya agad ang isip ko. Napabuntong-hininga na lang ako.

Tumayo siya at bahagyang sumulyap sa pintuan ng kwarto ni Lyvian bago muling tumingin sa 'kin. Sinenyasan niya ako na sumunod sa kaniya at kinuha niya ang lampara sa gilid.

Muntik ko nang makalimutan na ayaw niya nga palang malaman ni Lyvian ang tungkol sa bagay na ito. Ngunit nagtataka pa rin ako kay Lyvian at sa mga alam niya. Hindi ko masiguro kung may laman ang pagtahimik niya.

Inabutan ako ni Tiya Harriet ng balabal at sabay kaming lumabas sa kubo. Sinundan ko lang siya habang naglalakad. Gabi na at madilim ang daraanan ngunit ang hawak niyang lampara ang nagsilbing ilaw namin.

Rinig ko ang tunog ng tuyong dahon na naaapakan namin sa daan. Hindi ko alam kung saan itong tinatahak namin ngunit patuloy lang ako sa pagsunod sa kaniya. Walang nagsalita ni-isa sa amin hanggang sa tumigil siya.

Lumingon siya sa 'kin. "I won't ask for your trust, Aquila. Malaki ang utang na loob ko sa isang tao kaya ko ginagawa ito. Kaya kita tuinutulungan. At..." Ngumiti siya. "Gusto kitang protektahan." At tumalikod siya saka muling nagsimulang maglakad.

Protektahan saan? Kumunot ang noo ko. Gusto ko pa sana siyang tanungin ngunit mas pinili ko na lang na sumunod sa kaniya. Alam kong masasagot din ang katanungan ko mamaya. Napabuga ako ng hangin.

Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Papalakas 'yon nang papalakas habang lumalapit kami. Unti-unti kong naaaninag ang isang talon sa hindi kalayuan.

Doon kami pupunta? Ano naman ang gagawin namin doon? Nagkibit ako ng balikat. Nang makalapit siya ay muli siyang tumigil. Nakatingin ang mga mata niya sa mismong talon.

Bigla siyang tumawid sa loob niyon. Napakurap ako sa ginawa niya. Ngunit mabilis din siyang lumabas at tinignan ako. Hindi siya nabasa! Pero pumasok siya sa talon! Guni-guni ko lang siguro 'yon. Inayos ko ang salamin sa mata at kunot-noong tinignan siya.

"It's just an illusion, Aquila. Halika. Tumawid ka rito." Ngumisi siya.

Bahagyang nanlaki ang mata ko ngunit tumango rin. Sinubukan kong lumakad sa nilakaran niyang tubig at nagulat ako nang hindi ako lumubog o nabasa! Lumakad pa ako at nakatawid nang hindi pa rin nababasa!

Lumingon ako sa pinanggalingan ko ngunit meron pa rin akong nakikitang umaagos na tubig. Ngunit wala talaga akong narandaman na pagkabasa.

Paanong nangyari 'yon!? Ilusyon? Mukha talagang totoo! Lumingon ako kay Tiya Harriet at muntik ko nang makalimutan na iba pala ang pakay ko kaya nandito.

Nilapag niya ang lampara sa lamesa kaya sumunod ako sa kaniya. May kalawakan ang loob nito at mistulang kweba. Meron ding nakadikit na mga lampara sa gilid at dumagdag pa sa liwanag.

"Pinagkait nilang malaman mo ang bagay na ito, Aquila. Pero palaging may hangganan ang sekreto. Lalo na kung hindi lang isa ang nakakaalam." Bumuntong hininga siya at tumingin sa isang librong nasa mesa. 'Yon din ang libro na ipinakita niya sa 'kin nakaraan.

Lie Down My DamonWhere stories live. Discover now