Chapter 12

1 0 0
                                    

Chapter 12

Madilim na dahil gabi. Pumasok sandali si GS sa loob dahil may kukuhanin daw siya sandali, naiwan akong naghintay rito sa labas. Gusto ko na tuloy yakapin ang sarili dahil sa lamig!

Hindi ko naman alam kung anong oras na. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin kay Tiya Harriet kapag tinanong ako kung saan nanggaling. Nagpahangin? Tama naman. Medyo malayo nga lang parte ng gubat.

Pero ba't naman ako magsisinungaling? Sumagi ulit sa isip ko ang mga sinabi niya kanina. May posibilidad na totoo ang paratang nila sa pamilya ko? Pero sa paanong paraan naman? Naguguluhan ako kapag iniisip.

Wala pa akong natutuklasan pero ganito na ang nararandaman ko. Anong ginawa nila sa mga tao para maging ganon na lang ang galit? Bakit kami tinatawag na masama?

Kung may katotohanan man 'yon ang ibig sabihin lang ay naging bulag ako sa mahabang panahon nang hindi ko nalalaman. Niloko rin kaya ako ni Tiya? Gusto kong alamin ngunit natatakot ako. Alam kong kailangan kong malaman. Dahil hindi ko man aminin ay napuno na rin ng katanungan ang isip ko.

"Aquila..." tawag ni GS.

Nilingon ko siya at kalalabas niya lang ng kubo. May hawak siyang isang bagay ngunit nakabalot ito ng itim. Naningkit ang mata ko roon napabalik din ang tingin sa kaniya.

Ngumiti siya nang lumapit sa 'kin. Ganito ba talaga ang nagiging itsura kapag tumira sa gubat? Hindi ko talaga maiisip na sa gubat lang siya nakatira at sa simpleng kubo kung hindi ko malalaman. Pakirandam ko ay hindi naman siya mukhang mahirap!

"Ano 'yan?" tanong ko.

Tumingin siya sa hawak at tumingin sa 'kin.

"Gitara," simpleng aniya.

Napatango lang ako. Marunong siyang maggitara kung ganon! Ano bang ginagawa ng nilalang na ito sa gubat? Kumunot ang noo niya nang pinasadahan ako ng tingin at umiling.

"Nilalamig ka. Kukuha ako ng balabal." Bumuntong-hininga siya. Hindi ako nakapagsalita at pinanood siyang bumalik sa kubo.

Ngumisi ako. Napakabilis magbago ng ekspresyon niya at bigo rin akong mabasa ang mga tumatakbo sa utak niya ngunit hindi siya nabigong punahin ang mga bagay-bagay! Naiisip ko tuloy minsan ay para lang akong bata sa paningin niya at kailangan ng aruga. Aruga niya?

Whaaaat?!

Natampal ko ang noo. Ano bang pinag-iisip mo, Aquila! Palagi namang sinasabi ni Tiya Rosa na maganda ako! Kahit noon pa man. Kahit na pakirandam ko ay inaayawan ako ng lahat dahil sa mga natatanggap na insulto. Hindi naman ako nagpapaapekto nang sobra dahil iba ang katotohanan na nasa isip ko.

Maayos din ang pagkakaladlad ng halos hanggang bewang kong buhok. Napahawak ako sa mukha. Wala rin itong dumi! Hindi ba bagay sa akin ang may salamin? Masiyado ba akong bata kung tignan? Ngunit umabot naman ang taas ko hanggang baba niya.

Saan ba tutungo ang pag-iisip na ito, Aquila? Ano bang gusto mong patunayan?! Marahas akong umiling para itaboy ang nasa isip.
"May problema ba?"

Napalingon ako sa kaniya at nakahinto na pala siya sa gilid ko. Hindi ko man lang narandaman na nakalapit siya.

Umiling ako. "W-Wala.  M-May iniisip lang." Ngumisi ako.

Naninimbang ang titig niya sa 'kin at parang inaalam ang problema ko, pakirandam ko tuloy ay kaya niyang mabasa ang iniisip ko!

Hindi siya nagsalita at iniyakap lang ang balabal sa akin. Napasinghap lang ako. Parang siya namam ngayon ang may iniisip! Naglakad pa kami at walang nagsasalita. Ayon sa natatandaan ko ay daan ito patungong batis ngunit lumiko kami ng daan.

Lie Down My DamonWhere stories live. Discover now