Chapter 1: Square One

315 16 1
                                    

A/N: Hello po! Make sure to read yung Book1 ng series para hindi confusing. Hehe thanks po ulit sa support ninyo🙏💛


☀️

Fred's POV

Jackie's condition was indeed a traumatic memory loss...or dissociative amnesia. Pero ang confusing kasi dapat yung days before ng aksidente ang maalala niya pero ang saklap na parang I was totally erased from her memory. Its ok...for the past ten months, I have been trying hard to cope...but I am coping.

Isang buwan si Jackie sa ospital. One day at a time, nagiging ok siya physically. Nag te-therapy din siya para maka pag lakad. Pag libre ako, ako sumasama sa kanya. Palitan lang kami ni tito Jo. Minsan, hinahanap niya talaga si Michael. Wala eh ganun talaga. Binigyan lang siya ng school ng special home school curriculum in order to catch up.

Ang awkward siguro para kay Jackie na there is a stranger claiming to be her boyfriend who is living with her on the same roof. But nandito ako hindi lang para mag-aral but pati alagaan siya. And I am so blessed na hindi ako iba para kay tito Jo at tita Jocy.

The first day nung umuwi siya sa bahay from the hospital, naiyak siya sa saya to see Jamie...naka wheel chair pa siya nun.

"Ate are you gonna be ok?
Will you walk again?"

"Of course! Gagaling ang ate.
Pa hug nga ako!"

Binubuhat siya ni tito Jo para maka akyat baba siya sa bahay. Nandito lang ako sa likod nila habang pumapasok sa room niya at inihiga siya sa kama niya.

"Jackie if you need anything tawagin mo lang kahit sino sa amin ha. Lalo na si Fred. Nandito siya para tulungan ka."

"Yes dad. Thank you."

"So mag goodnight na kami you need to rest sa weekend na first therapy mo."

"Ok mom goodnight."

"I love you anak"

"I love you too!"

"Love you baby Jackie!"

"Haha love you dad!"

"Bye ate i love you!"

"I love you most Jamie!"

Nagpaiwan ako...

"Ok ka na? Matutulog ka na ba?"

Ngumiti ito.

"Halika upo ka dito kwento muna tayo."

"Jackie salamat ha...kasi kahit hindi mo ako maalala hindi mo ako pinaalis."

"Sabi ni mommy at daddy kasi grabe mo akong pinasaya sa Boracay. Tsaka kinuha mo daw ako na model sa company niyo?"

"Oo ...the day ng photoshoot and the day we shot the commercial...after nun doon ka na aksidente. I'm sorry."

"Ano ka ba hindi naman ikaw yung bumangga sakin eh."

"Kahit na...pumunta ka ng Cebu to see me. Kaya parang kasalanan ko na rin."

"Grabe ginawa ko talaga lahat yun? Sana maramdaman ko na ulit or maalala ulit. Sarap siguro ma in love noh?"

"Sobra. Mahal kita Jackie...hinding hindi magbabago yun. Kahit hindi mo pa ako nakikilala."

Natahimik ito. Minsan she does not know what to say. And I fully understand.

"Kelan pala lalabas yung commercial?"
She changed the topic.

Under the Same Sun [Book#2: Under The Same Series]Where stories live. Discover now