Kabanata VI: Lihim

475 16 1
                                    

(Gretchen's POV)

"S-salazar? Estudyante ko p-po 'yon..."

"At ako ang nagpasok sa kaniya sa section mo. Ine-expect ko na matutulungan mo ang bata sa academics niya. Nagkamali ako, dahil napag-alaman ko na lalo mo pa siyang ipinapahiya, at binabalak mo pa siyang patalsikin sa school."

"K-kanino mo nalaman 'yan?! Hindi totoo 'yan!"

"Si Kristine mismo ang nagsabi sa akin. Pinanood ko pa sa CCTV ng departamento ninyo para makasiguro ako. Nakakahiya ka, Gretchen. Hindi ka isang guro dahil namimili ka. Oportunista ang tawag sa'yo. Ang mga matatalino lang ang kino-consider mo na studyante."

Biglang pumatak ang luha sa kaliwang mata ko. Iniwas ko agad ang tingin ko sa mama ko.

"Alam mo sa tingin ko, hindi ka eligible para sa position ko. Hindi bagay sa'yo ang maging principal, dahil makasarili ka. Kung alam ko na ganito ang itinatago mong ugali, sana sa grade 7 nalang kita inilagay."

"I'm really sorry, mama..."

"At bakit ka umiiyak? Iiyak ka nanaman ba? At sa tingin mo, makukuha mo ang awa ko kapag umiyak ka? Gretchen, 23 ka na. Hindi na eepekto 'yan sa akin."

Hinawakan ko agad ang kamay ng mama ko, at hinaplus-haplos ko 'yon.

"Sorry talaga, mama. Pangako, hindi na mauulit---"

"No! Huwag ka na munang pumasok bukas, at pag-isipan mo ang ginagawa mo. Kapag pumasok ka bukas, one week kitang isususpinde. Sa tingin ko, si Kristine ang pinakanababagay sa posisyon ko dahil sa mga ipinapakita niyang ugali sa akin."

"Anak mo ako---"

"Pero mas magaling sa'yo si Kristine."

Mas magaling. Mas magaling daw sa akin si Kristine. Kinukumpara nanaman ako ng nanay ko sa iba, gaya ng dati. Gusto nanaman niyang maramdaman ko na wala akong kwenta.

"You're a disappointment. Nakakahiya."

"Lagi niyo nalang akong kinukumpara sa iba. Natatakot ako na magkamali, dahil baka hindi niyo ako ituring na anak ninyo. Nagsasawa na ako sa standards ninyo. Kung nagagalingan ka kay Kristine, fine! Siya nalang ang ituring mo na anak."

"At kailan ka pa natutong sumagot sa akin nang pabalang?! For sure hindi si Esther ang dahilan niyan, dahil mabuti siyang impluwensya sa'yo."

"Huwag mo siyang idamay dito. Sige po, tinatanggap ko ang desisyon ninyo. Hindi na muna ako papasok bukas, at iaasa ko nalang muna sa iba ang period ko."

Lumabas na agad ako sa opisina nito, at naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Napaluhod agad ako sa sahig, at doon na ako umiyak nang malakas.

Hindi pwedeng makuha ni Kristine ang posisyon ng mama ko. Akin lang 'yon, at sa akin nakalaan ang posisyon na 'yon. Ako ang pinakamagaling sa paaralan na ito, at hindi ko hahayaan na makuha ng isang cheap na kagaya niya ang posisyon ng mama ko. Hindi maaari.

Kung gusto niya ng maduming laro, pagbibigyan ko siya.

•••

"Pst..."

Naramdaman ko na may tumatapik sa ulo ko. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko, at agad akong tumingala.

"L-lilian..."

"Sorry hindi na kita nasamahan. Alam mo naman na busy ako, e. Balita ko hindi ka na daw pumasok sa Quisimbing at Lising. Anong nangyari?"

"Pinagalitan ako ng mama ko. Sinumbong ni Kristine na narinig niyang binabalak kong patalsikin si Salazar."

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon