Kabanata II: Dating App

718 23 7
                                    

(Gretchen's POV)

Dali-dali kong sinundan si Lilian dahil naunahan ako nito sa paglabas sa karinderya.

"Naku naman, Gretchen! Ang tagal mo. Mahuhuli na tayo! Bakit ba kasi ang iksi ng binti mo?!"

"Sira. May nabangga kasi akong babae kanina. Balikan kaya natin? Hindi ko kasi masigurado kung ayos lang siya, e."

"Huwag na! Mahuhuli na tayo. Ang bilis mo namang ma-distract."

Hinawakan ni Lilian ang kamay ko, at hinila ako nito. Bigla akong huminto at hinila ko ang kamay ko mula kay Lilian.

"Balikan muna natin, baka kasi napuruhan ko e 'di kargo de konsensya ko pa."

"Naku naman. Sige na nga, bilisan mo na!"

Dali-dali kaming bumalik nito sa karinderya. Nakita ko ang babaeng natamaan ko kanina. Nakapikit ito, at hawak-hawak niya ang noo niya. Bumili agad ako ng yelo at ginamit ko ang panyo ko para ibalot 'yon. Lumapit ako sa babae, at idinampi ko ang panyo na may yelo sa noo niya.

"Binibini."

Tumingin ito sa akin. Idinampi ko ang yelo sa kabuuhan ng noo niya. Bigla nitong hinawakan ang kamay ko, kaya para akong nakuryente sa ginawa nito.

"Miss, okay lang ako. By the way, salamat pala."

"Natamaan kasi kita, kaya hindi ako matahimik. Sige, aalis na ako."

Inilahad nito ang kamay niya, at nagpakilala ito sa akin. "Ako nga pala si Esther, ikaw?"

"Ako si Gre---"

"Hoy! Gaga ka, mahuhuli na tayo!" sigaw ni Lilian sa labas.

"Paumanhin, binibini. Mauuna na ako."

Dali-dali akong tumakbo papunta kay Lilian, at nagsimula na kami sa paglalakad.

"Hoy, nakita ko 'yon..." sabi nito sa akin.

"Ang alin?"

"Nakita ko 'yung spark ah! Lalo na nung nagkatitigan kayo nung babae kanina."

"Naku, ikaw talaga. Kapag ganun na hot ang datingan, for sure taken na 'yun."

"Kita mo, may pa-english ka pa ngayon. Tapos kanina kulang nalang tumira kayo nung babae sa sinaunang panahon sa mga salitaan mo. Tell me... are you trying to impress her?"

"Hindi, ah! Tumahimik ka nga diyan. Ewan ko, pero parang natural lang na lumabas sa bibig ko 'yon."

"Pero ano, ang sexy niya. Nakita mo nung umangat 'yung damit niya? Don't tell me, hindi mo pa nakikita..."

"Ang alin? Ikaw naman kasi, marami kang napapansin."

"May abs siya! Motherfucking abs! Tapos ang hahaba ng mga daliri niya."

"Ano naman ang meron sa abs, at sa mahahabang mga daliri? Ang weird niyo talaga."

"Naku Binibining G, inosente ka pa talaga sa buhay. Ako kasi, marami na akong nakarelasyon na babae---"

"Huh?"

"Oo! Bakit, masama ba? Flexible yata ako. At base sa mga experience ko, masarap sila. Masarap makasama, at masarap sa kama."

"Kadiri ka naman. Respetadong guro ka tapos ganyan ang salitaan mo."

"Wala namang mali doon. Besides, hindi na ako respetado. Nahuli ako ng mama mo na may kahalikan sa cr, e."

"Oo, dinaig mo pa 'yung highschool students."

Napailing nalang ako kay Lilian. Lagi siyang hinihiwalay ng mama ko sa akin dahil masama ang impluwensya niya, pero lagi parin akong dumidikit dito. Si Lilian lang ang kaibigan ko na nakakaintindi sa akin, at lagi ko siyang malalapitan sa lahat. Hindi namin tinatabla ang requests ng isa't-isa, kaya magkapatid na magkapatid talaga kami.

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon