Kabanata VIII: Esther's Death

362 9 0
                                    

(Esther's POV)

Pagpasok ko sa paaralan na pinagtatrabauhan ni Gretchen, bumungad na agad sa akin si Tita Elaine.

"Ang ganda ng suot natin ngayon, Esther. May date kayo?" tanong nito sa akin.

"Opo tita, monthsary namin ngayon."

"Pang-ilan na?"

"Anim po."

"Wow! Kung magturingan kayo dito parang bago pa lang kayo lagi, e. Sana umabot kayo ng anniversary, at umabot na sa kasalan."

Bahagya akong natawa sa sinabi nito. Nagmano at bumeso ako kay Tita Elaine, bago ako dumiretso sa department ni Gretchen.

Pagdating ko doon, agad na napataas ang kilay ko sa babae na naunang lumabas. Palihim ko itong sinundan ng tingin, dahil pamilyar siya sa pagkakaalam ko.

Bigla namang lumabas si Gretchen sa pintuan kaya nilapitan ko ito at inabot ko sa kaniya ang bouquet na dala ko.

"Happy monthsary, mutya ko." nakangiting sabi ko dito.

"Naku, ikaw talaga! Ang usapan natin kahapon, walang bulaklak."

Napakamot ako sa batok sa sinabi nito. "Ang sabi mo, bawal ang bulaklak. Wala kang sinabi na bawal ang flowers."

"Gaga! English term lang 'yun, e. Ikaw talaga."

"Tara na?"

Naglakad na kami nito. Habang naglalakad kami, nagnakaw ako ng halik sa pisngi ni Gretchen.

"Uy, nakakagulat ka naman!"

"Ang ganda ng suot mo, ha? Halatang mamahalin."

"Ikaw naman. Siyempre, minsan lang 'yung ganito."

"Ano sa tingin mo ang gagawin natin ngayong 6th monthsary natin? Hmm?"

"Lagi akong clueless sa mga surpresa mo. So, ano nga ba?"

"Siyempre hindi na matatawag na surprise 'yon kapag sinabi ko."

Ngumiti lang ito sa akin saka niya tinusuk-tusok ang bewang ko.

"So, ano nga?"

"Secret."

•••

Dinala ko si Gretchen sa isang 5-star hotel dito sa Quezon City. Doon muna kami kumain ng lunch.

"At ito na ang sinasabi kong unexpected. Esther, gumastos ka nanaman." may halong tampo sa tinig na sabi sa akin nito.

"Wala naman sa akin ang gastos, as long as ikaw ang gagastusan ko."

"Dapat nagtitipid ka kahit may pera ka. Ikaw talaga."

Kinuha ko ang kamay nito at hinalikan ko 'yon nang paulit-ulit.

"Please? Special day 'to, at ayaw ko na magalit ka sa akin."

"Che, naglambing ka pa. Saka alam mo naman na hindi ko makukuhang magalit sa'yo. Sige na, kumain na tayo."

"Gretch?"

"Oh, bakit?"

"I love you."

Muli kong hinawakan ang kamay nito, at nagholding hands kami. Hinawakan naman ni Gretchen ang pisngi ko at paulit-ulit na nagcirculate ang hinlalaki niya sa pisngi ko.

"I love you too."

"Kumain na nga tayo, baka himatayin pa ako sa kilig dito."

"Sus. Saan tayo after nito?"

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon