Kabanata XIV: Kapitbahay

362 6 0
                                    

(Gretchen's POV)

Buong gabi kaming hindi lumabas ni Esther at ng kambal sa kwarto. Hindi dahil kay Kleah, dahil nag-aalala kami sa anak ko. Sumasaglit-saglit nalang si Esther sa labas para kumuha ng pagkain namin.

Kinabukasan, nagpaalam si Esther sa akin para pumunta sa bayan. Dadalhin nito ang bunso namin, at maiiwan ako na kasama si Caramel para bantayan ito.

"Oh, aalis na ako." nakangiting sabi nito sa amin.

Buhat nito si Sylvester, at may maliit ito na bag na dala. Nakasubo naman kay Sylvester ang pacifier nito.

Inangat ni Caramel ang mga braso niya, at parang gusto nitong magpasama kay Esther. Umiling nalang si Esther dito.

"Bawal pa, anak. Alam mo naman na may lagnat ka pa. Bibilhan kita ng gamot, at ng mga prutas."

Nalungkot si Caramel sa sinabi nito. Lumapit sa kaniya si Esther at binigyan niya ito ng mumunting halik sa noo, at dumaplis naman ito ng halik sa labi ko.

"Aalis na ako. Ingat kayo, Gretchen. Tawagan mo ako kapag may hindi ka alam."

"Sige, ingat kayo." nakangiting sabi ko dito.

Naglakad na si Esther at Sylvester palabas sa bahay. Naiwan naman kami ni Caramel. Sumilip kami sa labas, at nakita ko na kumakaway-kuway pa si Caramel habang lumalayo sila Esther.

"Baby, anong gusto mo?" tanong ko dito.

"M-mama..."

"Hmm, anong gusto ng baby ko? Masama pa ba ang pakiramdam mo?"

Yumakap ito sa leeg ko, at pasimple kong hinawakan ang leeg nito. Medyo nawawalan na ng lagnat si Caramel, kaya napangiti agad ako.

"Baby, gusto mong magpaaraw?" tanong ko dito. "Maganda kapag naaarawan ang bata, kasi maganda 'yun para sa skin niya."

Bumaba muna kami ni Caramel para magpaaraw. Kumuha ako ng maliit na upuan, at doon ako umupo. Nasa kandungan ko naman si Caramel at nakayakap lang ito sa akin.

"Sana ganito ka nalang lagi, baby ko." nakangiting bulong ko dito. "Sana habambuhay nalang na baby ka, kasi ang cute mo e. Manang-mana pa sa akin. At sana, hindi ka lokohin ng mga lalaki kapag lumaki ka na."

Biglang huminto ang isang kotse sa harap namin, at lumabas doon si Kleah. May dala itong mga gamit.

"Saan ka galing?" tanong ko dito.

Lumingon ito sa paligid niya, bago ito magsalita. "Ako po ba, Ate Gretchen?"

"Oo, ikaw nga. Saan ka ba nanggaling?"

"Ah, namili lang po ako. Salamat pala sa pagpapatuloy ninyo sa akin."

"Wala 'yun. At Kleah, wala na sa akin ang nangyari noon. May mga anak na ako, at alam ko naman na hindi na ako dapat matakot sa'yo."

"Sorry."

Lumapit ito sa akin, at hinawakan niya ang kamay ko. Hinawakan ko rin pabalik ang kamay nito, at hinaplus-haplos ko. Halos maiyak na ito, dahil hindi niya inaasahan na mapapatawad ko siya.

"Ang cute ng anak ninyo Ate Gretch, anong ipinangalan mo?"

"Ito, si Caramel. May lagnat nga lang ang baby ko, dahil siguro sa papalit-palit na panahon..."

Itinaas naman ni Caramel ang mga kamay nito sa direksyon ni Kleah. Kinuha agad ito ni Kleah, at napansin ko na kumportable ito sa kaniya. Yumakap ang anak ko sa leeg nito, at agad na hinalikan ni Kleah ang noo nito.

"Alam mo, nade-detect ng babies kung mabait ang isang tao o hindi. Since nilapitan ka na agad ng anak ko, alam niya na mabuti ang intensyon mo sa pagpunta dito."

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon