Kabanata VII: Kristine

357 13 0
                                    

(Esther's POV)

"Esther! Bumangon ka diyan!"

Agad akong nagising dahil sa matinis na boses na narinig ko. Pagbangon ko, isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko. Namanhid ang parte na 'yon, at sobrang sumakit pagkatapos ng ilang segundo.

"G-gretchen..."

"At sa tingin mo, hindi ko malalaman?! Kailan mo pa ba akong balak lokohin, ha?!"

"H-hindi kita naiintindihan..."

"Ang kapatid mo, siya si Freia Salazar! Bakit mo ginawa sa akin 'to?!"

Tumayo agad ito at naglakad palayo sa akin. Sinundan ko si Gretchen, at agad ko itong niyakap.

"Sorry talaga, Gretchen. Mahal na kita noon pa lang, at hindi ko talaga ginusto na magalit ka sa akin, o kaya'y mawalan ka ng tiwala---"

"Sirang-sira na ang tiwala ko sa'yo. Umalis ka na dito sa unit ko, at huwag ka nang magpapakita sa akin. Magsama kayo ng boba mong kapatid!"

Lalong humigpit ang pagkakayakap ko dito. Nanghina na ang tuhod ni Gretchen kaya sa akin na siya dumipende sa pagkakatayo niya.

"M-minahal kita, Esther. Sinabi mo sa akin na hindi mo gagamitin laban sa akin ang kahinaan ko. Bakit ganito?! Ha?! Bakit?!"

Nagulat ako nang itulak ako nito. Napaupo ako sa sahig at sumakit bigla ang balakang ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na hawak na nito ang lampshade niya.

"Tutal sinaktan mo ang puso ko, sasaktan rin kita. Ito ang leksyon sa lahat ng mananakit sa akin, at sa sisira sa puso ko."

Inangat nito ang lampshade niya, at agad ko ring ipinikit ang mga mata ko para antayin ang paghampas nito sa akin.

•••

"Esther! Gumising ka nga, binibini! Hoy!" sunud-sunod na sigaw sa gilid ko.

Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko agad si Gretchen. Itinakip ko agad ang kamay ko sa ulo ko, at nagsisisigaw ako.

"Nagkamali ako, Gretchen! Pero huwag mo naman akong saktan..."

"Huh? Bakit naman kita sasaktan? Ano ba ang sinasabi mo diyan?"

Tinanggal nito ang kamay na nakaharang sa mukha ko, at binigyan niya ng tig-isang halik ang mga 'yon. Sunod nitong hinalikan ang labi ko, kaya unti-unti akong kumalma. Natanggal na rin ang matinding kaba at takot sa dibdib ko. Nang matapos ito sa paghalik sa akin, humiga siya sa bandang dibdib ko.

"Naririnig ko kasi na umaatungal ka, Esther. Nag-aalala ako sa'yo. Ano ba ang napanaginipan mo, at parang takut na takot ka sa akin?"

"Napanaginipan ko kasi doon na nagseselos ka, tapos tinaga mo ng kutsilyo 'yung bungo ko."

Bahagya itong bumangon para titigan ang mukha ko. Umusog ito at sa leeg ko na siya sumiksik. Hinawakan ko naman ito sa braso at hinaplus-haplos ko 'yon.

"Kita mo na? Huwag mo akong sasagarin, kung ayaw mong samain sa akin." bulong nito sa tenga ko.

"Ikaw talaga, Gretchen. Pero seryoso, pati pala sa panaginip mahal na mahal mo ako e."

"Mahal na mahal naman talaga kita. Saka hindi mangyayari 'yon, dahil hindi kita makukuhang saktan."

"Gretch?"

"Oh, bakit Esther?"

"I'm really sorry. Gusto kong malaman mo na totoo ang pag-ibig ko sa'yo, kaya sana huwag kang magduda kapag may mga nalaman ka tungkol sa akin."

"Siyempre, hindi. Parte ng pagkatao natin ang mga maseselang lihim. Not unless, mapapahamak ako o ang trabaho na matagal ko nang pinaghihirapan."

Bigla akong namutla sa sinabi nito. Naramdaman din ni Gretchen ang matinding pagkagulat ko kaya bumangon ito at tinitigan niya ang mukha ko.

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon