Kabanata IV: Init

678 19 0
                                    

(Esther's POV)

"Freia, tara dito."

Dali-dali itong tumabi sa akin, at inayos niya ang pagkakaupo niya sa sofa.

"May itatanong lang ako sa'yo. Tungkol doon kay Binibining G."

"Huh? Bakit naman biglang na-curious ka sa demonyang 'yon? Akala ko ba, hahayaan mo na ako nalang ang magresolba sa galit ko sa kaniya?"

"Oo nga. Pero may mga gusto rin akong itanong. Labas na 'yun sa issue ninyo ng guro mo. So, may alam ka ba sa family niya?"

"Wala akong clue sa papa niya. Ang mama niya, 'yun ang principal ng school namin. Nalaman ko rin na only child siya, kaya medyo brat ang ugali."

"Ayun, salamat! Siyanga pala, tutulungan kita sa kaniya, para makabawi ka sa grades mo. Isa pa..."

"Ano 'yon, ate?"

"Huwag ka nang masyadong magalit kay Ma'am Gretchen mo. May mali ka rin naman, e."

"Bakit ba bigla mo nalang siyang kinakampihan? Last time, gusto mo pa siyang ireklamo sa DepEd. Tapos ngayon---"

"Dati 'yon. Ngayon, sinasabi ko sa'yo na maging mabuti ka sa kaniya. Pwede ba na maging mabuti ka na kay Gretchen?"

"Oo. Sige, sisikapin ko na maging mabait sa kaniya. Pero kapag ininsulto niya pa ako, mas sasama pa ang ugali ko sa kaniya. Hindi mo kasi siya kilala, ate. Matabil ang dila niya at masyado siyang ambisyosa. Lagi nalang niyang sinasabi kung gaano siya kagaling."

"Tumahimik ka nga. Magaling naman talaga si Gretchen, e."

"Magaling nga, pero hindi parin sapat na dahilan 'yon para tawagin niya akong boba at mangmang sa harap ng mga bagong kaklase ko."

"Intindihin mo nalang. Lahat naman tayo, naranasan 'yun. Dati nga, pinatakbo ako ng teacher ko sa quadrangle. Limang beses pa. Mas nakakahiya 'yon, 'di ba?"

"Oo nga. Pero ate, siya lang ang teacher na galit ako. Magaling lahat ng teacher doon, pati si Ma'am Lilian at Sir Travis. Alam ko talaga na si Binibining G ang pinakamagaling, pero naiinis parin ako."

"Kamusta pala ang grades mo sa kaniya? Okay ka lang?"

"Oo naman. Medyo tumataas na, kaya hindi na niya ako pinag-iinitan. Ay ate, may gala pala kami ng mga kaibigan ko. Aalis na ako, ha?"

"Umuwi nang maaga, hindi ng umaga. Tandaan mo. Saka huwag iinom nang marami, baka kaltukan kita."

"Opo, ate. Uuwi agad ako. Paalam!"

Tumayo na ito at humalik sa pisngi ko. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalabas siya ng bahay.

•••

Pagpasok ko sa school, buhat ko agad ang dalawang bouquet na binili ko. 'Yung isa, puno ng daisies at pink na roses. Ang isa naman, puro white at red na roses.

"Kuya, saan po ang principal's office dito?"

"Ma'am, may asawa na po ang principal namin. Alam ko na nagagandahan---"

"Kuya, hindi! May nagpapabigay lang nito."

"Last time rin, may pinuntahan ka na babae dito."

"Kapatid ko 'yon! Kuya naman, mukha ba akong tirador ng mga babae?"

"Oo, kasi kapag dumadaan ka dito nahahagip mo ang mga mata ng lahat. Pero dumaan ka na, kasi malapit nang umuwi si Principal."

Pagdating ko sa pintuan ng office nito, biglang nanginig ang tuhod ko. Hindi ko pala nasanay ang sarili ko sa sasabihin ko. Para akong tanga na nakatayo sa harap ng opisina nito. Naglakad-lakad muna ako sa corridor, para makapag-isip. Doon ko napansin ang litrato nito, at mga litrato na katabi niya. Agad akong napangiti nang makita ko si Gretchen. Tama, siya ang iisipin ko kapag kinausap ko ang mama niya. Okay.

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon