Kabanata III: Ligaw

538 23 3
                                    

(Esther's POV)

"Ganito 'yan girl, sabihin mo lahat. Purihin mo siya, ganun. Sabihin mo maganda ang dress niya, maganda ang mukha niya, maganda ang lahat sa kanya." sabi sa akin ni Lorraine.

"Teka, magiging awkward 'yon. Hindi pa ako nakakapunta sa date, at hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Clueless talaga ako, as in." naguguluhang bulong ko dito.

"Tumahimik ka nalang, tapos hayaan mo na 'yung girlalu ang magchika sa'yo. Tapos, tawanan mo 'yung jokes niya kahit sobrang corny talaga." sabi naman ni Geoffrey sa akin.

"Naku, ginugulo niyo pa si Esther. Stay natural, okay? Kung ayaw sa'yo ng date mo, kasalanan na niya 'yon. Ipakita mo agad ang bad sides mo, ha?"

"Baka naman tumakbo agad 'yun." natatawang saad ko dito. "Pero sige, susubukan ko lahat ng suggestions ninyo. Maraming salamat talaga sa inyo!"

•••

Pagdating ko sa pintuan ng restaurant, sinipat ko agad ang loob doon. May nakita akong babae, at pamilyar talaga siya sa akin. May kadate din ba siya?

Pagpasok ko sa restaurant, pinagtinginan agad ako. Lalo na ng mga babae, at namula ang mga pisngi nila. Umupo ako sa gilid nung babae na nakita ko kanina. Hindi parin ako pinapansin nito, dahil busy siya sa cellphone niya.

"Ang mga lalaki talaga, hindi tumutupad sa usapan. Late na siya, oh." inis na bulong nito. O baka, hindi na bulong dahil dinig na dinig ko sa kinauupuan ko.

"Psst."

Lumingon ito sa akin, at bigla siyang napangiti. Ang galit ng eskpresyon ng mukha niya kanina, biglang nag-iba.

"Kamusta ka? Ikaw 'yung babae sa karinderya, hindi ba?" tanong ko dito.

"Oo, ako nga. Ikaw yata ang may-ari nun..."

Tumayo ako, at umupo ako sa harap nito. Nilagay ko ang bouquet ng rosas na dala ko sa harapan niya.

"Are you expecting someone? Your date, perhaps?"

"Oo, inaantay ko nga siya. Ang tagal nga niya binibini, e."

"Ako rin, wala pa 'yung date ko. Kapag hindi sumipot ang mga date natin, tayo nalang."

Biglang namula ang magkabilang pisngi nito, na medyo ikinagulat ko. Umiwas ito ng tingin sa akin. Pagkatapos ng limang segundo, ibinalik niya agad ang tingin niya sa akin.

"Sige. Bibigyan ko siya ng sampung minuto. Kapag hindi siya nagpakita sa akin, ikaw nalang."

Inayos ko ang pagkakaupo ko at sinipat ko nang maayos ito. Ang ganda niya, pati ng suot niya. Paanong hindi 'to sisiputin ng ka-date niya?

"Miss, ang tagal mong hindi nagpakita sa karinderya. Hinahanap pa naman kita."

"Ha? Bakit mo naman ako hahanapin? Wala namang masyadong naiambag na malaki ang pagkain namin doon ni Lilian."

"Lilian? 'Yung kasama mo lagi?"

"Oo. Best friend ko 'yon. Lagi ko siyang kasama kahit saan."

"At sa hula ko, single ka? May date ka kasi, e."

"Oo."

"Sayang naman. Sana hindi na sumipot 'yung date mo."

"Bakit naman? Baka malayo pa ang pinagmulan ng tao."

"Ganiyan kaganda, tapos pag-aantayin? Kung ako ang date mo, nasa kwarto na tayo ngayon."

Biglang napataas ang kilay nito sa sinabi ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa biglang namutawi sa bibig ko.

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon