Kabanata XIII: New Loveteam

446 8 0
                                    

(Gretchen's POV)

"Hindi pa naman tayo nakakakain ng almusal, e." reklamo ko sa mga ito.

"Oh, I forgot. Masyado lang yata akong excited na makapunta sa malayong lugar. Mamaya, hihinto tayo sa isang restaurant." sabi ng mama ko sa amin.

Tinitigan ko ang mga anak ko na nakaupo sa kandungan ko. Parehas silang nakatingin sa akin, kaya ngumiti ako sa kanila. Kumuha naman si Esther ng dalawang bote, at doon siya nagtimpla ng gatas nila. Nang matapos ito, kinuha niya muna si Caramel para painumin. Inabot nito sa akin ang isang bote na hawak niya, at ako ang nagpainom kay Sylvester.

Habang umiinom sila, napansin ko si Caramel na gusto talagang magpabuhat sa akin. Nakataas ang kamay nito sa direksyon ko, at parang nagpapaabot siya sa akin.

"Naku, patay tayo diyan. Paborito ka na agad ng mga bata." pailing-iling na sabi ni Esther sa akin.

Tinawanan ko nalang ito. Nang matapos kami sa pagpapainom, napansin ko na nakatulog na sila. Nasa bisig ko ang bunso namin habang tulog ito, samantalang nagpapahinga naman kay Esther ang panganay namin.

"Ang tagal naman, nagugutom na ako." inis na reklamo ko sa kanila.

"Saglit lang, Gretchen! Naghahanap ako ng pinakamalapit na restaurant." sabi ni Lilian sa akin.

"Parang tahimik yata? Tulog na ba ang mga apo ko?" tanong ng mama ko sa harapan namin.

"Opo, tulog na sila." sagot ni Esther dito.

"Bakit hindi kayo nagkikibuan ni Gretchen? May away ba kayo, Esther?"

Nagkatitigan kami ni Esther sa itinanong nito. Umiling nalang si Esther, at nagfocus sa biyahe namin.

•••

Pagdating namin sa restaurant, inasikaso agad kami. Nagpareserve na pala ang mama ko para sa amin. Kumuha ako ng dalawang high chair, at doon ko pinaupo ang mga anak ko. Hinayaan ko na si Esther na ang mag-order sa akin, at sa mga anak namin. Habang nag-aantay kami, naramdaman ko na may humalik sa pisngi ko.

"Okay ka lang, Gretch?" tanong ni Esther sa tabi ko.

"Yes, okay lang ako. Ginising mo lang naman ako nang sobrang aga, tapos binalot na parang shanghai na hilaw bago sapilitang dinala sa van kahit bangag na bangag nang dahil sa kaantukan."

"Sorry na, Gretchen. Masaya lang naman ako e."

"Sabagay, ito ang unang beses na aalis tayo. Kasama natin ang mga anak natin, kaya dapat tayong mag-enjoy." nakangiting sabi ko dito.

Kinuha ko na muna si Caramel at iniupo ko ito sa mesa. Tulog naman si Sylvester sa high chair niya, kahit maingay ang mga tao.

"Hello, baby ko." nakangiting sabi ko dito. "Sabihin mo, mama."

"Mama!"

Tinusuk-tusok ni Esther ang tagiliran nito, at siya naman ang kumausap sa anak namin. "Sabihin mo, Esther. Kaya ba ng baby 'yun, ha?"

Saglit na nag-isip ito bago magsalita. Ngumiti si Caramel kay Esther, saka niya sinabi ang salitang inaantay nito. "Es... ther."

"Ang galing naman ng baby namin!" papuri dito ni Esther.

"Sabihin mo, attitude." sabi ni Lilian sa gilid ko.

"Hoy, ang sama mo talaga sa anak ko."

"Hoy, nagmana lang sa'yo 'yan. Naku, ang sama ng ugali. Maldita, attitude, gaya lahat ng nanay."

Tinitigan ko naman si Caramel na pilit na inaabot si Lilian. Masama ang tingin nito, at parang hinahamon niya ng away si Lilian. Gumagawa rin ito ng maliliit na ingay, na parang umiire.

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon