Kabanata XV: Sakit ni Gretchen

400 7 0
                                    

(Esther's POV)

Hiniram ko na muna si Caramel para dalhin sa labas. Buhat ko ito, habang bumababa kami ng hagdan.

"Baby, ituro mo mamaya 'yung nanakit sa'yo." utos ko dito.

Kumatok ako nang paulit-ulit sa pintuan ng kapitbahay namin. Nang mapagod ako, sinipa ko nalang ito nang malakas. Sakto naman na may babaeng nakaupo sa sofa kaya agad ko itong nilapitan.

"Bingi ka ba?!" inis na tanong ko dito.

"Kinakausap mo ba ako, Esther?"

Nakasubsob naman si Caramel sa leeg ko at parang nanginginig ito. Hinawakan ko sa pisngi ang babaeng nasa harap ko, at idiniin ko ang mga daliri ko doon.

"Kristine, huwag na huwag mong sasaktan ang asawa ko, lalo na ang mga anak ko."

Sapilitan nitong tinanggal ang kamay ko sa bibig niya, pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak ko dito. Napadaing na si Kristine sa sakit ng panga niya.

"Isa pang beses na saktan mo ang pamilya ko, ibabalik na kita sa mental institution na pinanggalingan mo."

Agad kong binitawan ang pisngi ni Kristine. Nag-unat muna ito, bago tumingin sa akin.

"Alam mo, hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Bakit mo naman ako pagbibintangan sa kasalanan na hindi ko ginawa?"

Sapilitan kong pinapatingin si Caramel kay Kristine, pero nananatili itong nakayuko at ayaw talaga nitong tumingin sa kaniya.

"Oh, sabihin mo ngayon kung bakit ilag ang anak ko."

"Aba, malay ko! Baka tinuturuan mo lang 'yan---"

"Tumigil ka na sa kabaliwan mo. Isa pang beses na lalapit ka sa amin, alam mo na kung saan ka mapupunta."

Agad akong lumabas ng bahay, at dumiretso na sa bahay namin. Iniupo ko si Caramel sa mesa at tinitigan ko ito.

"Baby, okay ka lang? Siya 'yung nagbigay ng sugat sa'yo, hmm? Bad siya. Hindi ka na niya malalapitan ulit, okay?"

Sunud-sunod na pagtango ang ginawa nito sa akin. Niyakap ako ni Caramel, at niyakap ko rin ito pabalik. Bigla namang lumabas si Gretchen na kakatapos lang sa pagligo, na sinusundan ng bunso namin na kakaligo lang rin.

"Ano ang nangyari, Esther? Bakit kayo lumabas?"

"Ah, kinausap ko lang naman 'yung napakabait nating kapitbahay."

"So, ano ang nangyari?"

"Umamin naman siya. Saka kilala mo naman si Kristine, may pagka---"

Biglang naglakad si Gretchen palayo sa akin. Dali-dali ko itong sinundan, at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Kumalma ka muna, Gretchen. Kilala mo naman si Kristine. Hindi naman siya banta para sa atin."

"Sinaktan niya parin ang anak ko. Padaanin mo ako, bibigyan ko lang ng uppercut 'yan."

"Kumalma ka nga. Nakausap ko na siya, at medyo nasaktan na rin. Hindi na uulit 'yon, pangako."

"Pero---"

Hinawakan ko ito sa batok, saka ko hinalikan nang marahan ang labi niya. Tumugon naman si Gretchen sa halik ko. Nang kumalas ito, namumula na ang magkabilang mga pisngi niya.

"Pag sinabi kong kumalma ka, kumalma ka."

"Ganito ka magpakalma? Sige, magwawala pa ako lalo."

"Sa kwarto na natin pag-uusapan 'yan kung ganon."

"Hala! Magtigil ka nga. Bumalik na tayo sa mesa."

Bumalik na agad kami saka namin binuksan ang tv sa harapan. Nakaupo ang kambal ko sa akin, habang nakasandal naman sa akin si Gretchen. Nagpapahinga ito, at nagsasalita habang tulog. Tumigil naman kami sa panonood ng tv para pagmasdan si Gretchen.

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon