Kabanata X: Tukso

433 7 0
                                    

(Gretchen's POV)

"Hello, Lilian?"

"Hoy! May news ako sa'yo!" tuwang-tuwa na sabi nito sa kabilang linya.

"So, ano na nga?"

"Actually, tungkol 'to kay Kristine..."

"Oh, anong nangyari kay Kristine?"

"Nalason siya. Gaga kasi, inagaw niya 'yung inumin ko. Actually, life-saver siya pero hindi ko sigurado."

"Ha? Ang gulo."

"Hindi ko alam, pero may nagtangka na maglason sa akin. Tapos itong si Kristine, siya 'yung nakainom sa juice ko na may lason."

"Oh? Kamusta na ngayon si Kristine?"

"She's doing okay. Nasa ospital ngayon ang lukaret. Humihinga pa naman. Pero, sobrang delikado niya ngayon."

"Delikado na nga 'yung tao, tuwang-tuwa ka pa."

"Hindi 'yun ang ipinagsasaya ko, Gretchen."

"Ano?"

"Babalik na siya sa Baguio. Babalik na siya sa hometown niya. The hell we care, 'di ba? Ganun naman ang gusto nating lahat e."

Napangiti ako sa balita nito, pero hindi parin ako nakaligtas sa pagiging malungkot. May nagtangka kay Esther, pati na rin sa best friend ko na si Lilian.

•••

Mabilis na lumipas ang anim na buwan. Tuloy na tuloy na ang kasal namin ni Esther, na magaganap pagkatapos ng limang buwan.

Kasalukayan akong nag-aayos dahil may family reunion kami. Nagsuot ako ng puting dress, at sandals. Kinulot ko rin ang buhok ko, at naglagay ako ng light na makeup.

Paglabas ko, nagulat ako nang may bumungad sa akin.

"Flowers, para sa'yo."

Tinanggap ko ang bulaklak na ibibigay ni Esther, at inamuy-amoy ko 'yun. Pumasok muna ako para ilagay 'yun sa mesa. Nang matapos ako, dumiretso na ako sa labas. Bigla naman akong niyakap ni Esther.

"Akala ko ba, hindi ka sasama?"

"Hindi sana. Kaso, gusto kong samahan ang mutya ko doon."

"Ay? Galit parin ako sa'yo."

"Sorry na..."

"Bahala ka nga."

"Ang ganda mo sa dress mo."

"Hindi mo ako madadala sa ganiyan. Sige na, aalis na ako."

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko dito, saka ako naglakad papunta sa elevator. Nagtaka ako dahil hindi ako sinundan ni Esther. Bahala nga siya diyan.

Pagbaba ko sa ground floor, dumiretso na agad ako sa labas. Biglang may bumusina sa gilid ko kaya nahagip ang paningin ko ng isang kotse doon. Bumaba ang bintana nito, at nakita ko si Esther.

"Sakay." diretsong utos nito sa akin.

"Ayaw ko nga. Galit parin ako."

"Binabaan ko na nga ang pride ko, 'di ba? Sakay."

Wala naman akong nagawa kung hindi ang buksan ang pinto ng kotse niya at ipasok ang sarili ko sa loob nun. Inalalayan ni Esther ang ulo ko para hindi ako mauntog sa kotse niya.

"Madali ka palang kausap, e. Kapag pinasakay ka sasakay ka."

"Mas okay na kasi, kaysa gumastos pa ako sa taxi. Ang layo pa naman ng venue."

Inayos nito ang seatbelt ko, at bahagya siyang yumukod para i-adjust ito.

"Ayaw ko naman kasi na nagagalit ka sa akin, Gretchen. Hindi na ako pumasok sa trabaho ngayon para samahan ka."

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon