(ENDING)

569 10 1
                                    

(Gretchen's POV)

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako agad nang makita ko ang maganda kong repleksyon. Mula sa buhok ko na naka-braid, full-faced makeup, at sa gown ko na pinaghirapan ng designer ko.

"Asan na 'yung bride ko?"

Napalingon agad ako sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Esther. Tinakpan ko agad ang mukha ko ng magazine, saka ko ito itinaboy.

"Umalis ka nga! Bawal mo pa akong makita! Lumayas ka na!"

"Anong bawal?! As far as I know, walang groom sa atin. Pwede naman Gretchen, e. Saka gusto kong makita ang napakagandang bride ko..."

Natigilan ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga nito sa batok ko. Agad niyang ibinaba ang magazine na hawak ko, at sabay kaming napatingin sa salamin.

"Ang ganda talaga ng asawa ko." nakangiting papuri niya.

"Maganda ka rin naman, e. Pantay lang ang mga itsura natin."

"Mas maganda ka, Gretchen. Saka tumahimik ka na muna, kasi gusto kong pinupuri kita."

Dumukwang ito papunta sa direksyon ko, saka siya ngumuso. Bumusangot naman ako dito at agad ko siyang tinarayan.

"Mamaya pa 'yan. Reserved ang kisses ko."

"Ang damot na ng asawa ko! Isa lang..."

"Sige na, antayin mo nalang. Mamaya, pupunuin kita ng halik kahit saan mo pa gusto."

Sabay kaming namutla ni Esther sa sinabi ko. Tinapik-tapik nito ang likod ko, at agad niyang hinalikan ang gilid ng leeg ko.

"Sige, aantayin ka na namin. Paalam, asawa ko."

Ngumiti ako dito at pinanood ko siya habang tinatahak niya ang pinto palabas sa hotel room ko.

•••

“My name is Monterey, and I have the privilege of performing this ceremony today. On behalf of Esther and Gretchen, welcome and thank you for being here.”

Halata sa mga mata ng bisita namin ang galak. Nasa harap ko naman si Esther, at tinititigan ako nito na parang ako ang pinakamahalagang bagay sa kaniya.

“They are thrilled that you are here today to share in their joy during this wonderful moment in their lives.” pagpapatuloy pa nito.

Tinitigan ko silang lahat. Pati ang kambal ko, tahimik lang na nakikinig sa cermony namin. Nakangiti naman sa akin si Lilian at naka-thumbs up pa.

“By your presence, you celebrate with them the love they have discovered in each other and you support their decision to commit themselves to one another for the rest of their lives.”

Pagkatapos ng ilang taon ng pagtatago ng lihim, away, mga masasakit na problema... eto na.

“The greatest happiness of life is the conviction that we are loved, loved for ourselves. If there is anything better than being loved, it is loving.”

Ikakasal na ako, sa taong mahal na mahal ko at sigurado akong hindi ako magsisisi sa desisyon ko.

“This afternoon we are here to celebrate love. We come together to witness and proclaim the joining together of these two persons in marriage.”

Naramdaman ko ang kamay ni Esther sa braso ko, at napagtanto ko na pinapakalma ako nito.

“God does not make a love that is wrong. This is the union of two individuals in heart, body, mind, and spirit, Therefore, marriage is not to be entered into lightly, but reverently, honestly, and deliberately. And it is into this union that Esther and Gretchen come now to be joined.”

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon