Kabanata XI: Ambition vs Love

348 5 0
                                    

(Gretchen's POV)

Paglabas ko sa pool area ni Esther, nakaramdam agad ako ng pagkahilo. Bumalik na muna ako sa kwarto na pinuntahan ko kanina para magpasama sa kaniya.

Bigla akong natigilan nang makarinig ako ng ungol. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, at nagitla ako sa nakita ko. Pwersahan ko nang binuksan nang malaki 'yon, at nakita ko na nakapatong ang katawan ni Kleah kay Esther habang wala naman sa sarili na nakahawak si Esther sa bewang nito.

"Ang gandang show niyan, ah? Kukuha ba ako ng popcorn?" taas-kilay na tanong ko sa mga ito.

Sabay silang napalingon sa akin. Si Esther, pilit na tinatanggal si Kleah sa pagkakapatong sa kaniya. Si Kleah naman, lalo pang dumagan dito at ngumiti siya sa akin.

"Ikaw naman, hindi ka ba tinuruan ni Tita Elaine kung paano makihati?" tanong nito sa akin.

"Sa'yo na 'yan, magsama kayo."

"By the way, ang sarap ng mapapangasawa mo Gretchen. Ini-enjoy ko lang naman siya, bago siya mabuntis e."

Hinawakan ulit ni Esther ang bewang ni Kleah, at inihagis niya ito sa pader. Tumama ang ulo ni Kleah sa pader at agad itong nawalan ng malay. Tumayo naman si Esther at lumapit sa akin.

"Mali ang iniisip mo, Gretchen."

"Bakit, ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?"

"Hindi kami nagse-sex, kung 'yun ang laman ng utak mo."

Naglakad na ako palayo kay Esther, at naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin. Niyakap niya ako mula sa likuran ko.

"Gretchen, mali ka..."

"Hindi ako mali, at kailanman hindi ako nagkamali."

"Please, mali talaga ang laman ng utak mo."

"Hindi."

"Gretchen, pag-usapan muna natin ito. Sige na..."

"Hindi ko na kailangang makipag-usap sa'yo. Tinatapos ko na ang lahat sa atin."

Hinarap ko ito, at pilit kong tinanggal ang singsing sa daliri ko. Sobrang masikip na talaga 'yon, at parang ayaw magpahila sa akin.

"Aalis na ako. Sige na, ituloy niyo na ni Kleah kung may gagawin man kayo."

"Gretchen, pag-usapan natin nang maayos 'to. Mali lang talaga ang laman ng utak mo..."

"Hindi ko na gustong makinig sa mga paliwanag mo. Bakit mo ako pinaalis kanina? Para masolo mo ang pinsan ko?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? Hindi ko nga gusto si Kleah. Hindi ko siya gugustuhin, at wala akong balak na magkagusto sa kaniya."

Muli itong yumakap sa akin at hinalik-halikan niya ang balikat ko. Nanatili lang akong nakatayo, habang hindi ko alam ang gagawin ko. Blangko na ang utak ko ngayon, pero alam ko na galit ako. Matindi talaga ang galit ko ngayon.

"Gretchen, I'm really sorry. Kahit ano, gagawin ko. Pangako, gagawin ko ang lahat."

"Wala akong kailangan mula sa'yo. Bigyan mo muna ako ng space, para makapag-isip ako..."

"Gretchen, huwag mo akong iiwan..."

"Ano ba ang gagawin mo kapag iniwan kita? Magpapakamatay ka?"

"Gretchen..."

Itinulak ko ito palayo sa akin at dali-dali akong nagbihis sa isa sa mga kwarto doon. Nang matapos ako, bumalik na agad ako sa unit ko at nag-isip ako nang mabuti. Pinag-isipan ko ang hakbang ko, at ang mga gagawin ko. Desidido na ako ngayon, iiwanan ko na si Esther at ang mga masasakit na ginawa niya. Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan ko si Lilian.

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon