EPILOGUE

848 20 0
                                    

(Lilian's POV)

Sumaglit na muna kami ni Gretchen sa terrace ng bahay nila para makaiwas kami sa ingay ng walong mga bata na naglalaro sa loob ng bahay niya.

"Ang ingay sa loob, dito nalang tayo mag-usap."

"Naku, ang sakit sa ulo ng maraming anak. Ako nga, hirap na hirap gumawa ng lesson plan kapag nasa kwarto 'yung dalawang mga anak ko. Ikaw pa kaya na may anim na anak?"

"Trust me, kaya ko 'yon. Kayang-kaya ko naman na alagaan silang lahat, e. Napapagbalanse ko. Saka pinapagalitan ko sila kaya natatahimik."

"Naku, dagdag pa sa takot ko 'yung asawa ko. Hindi ko pa naman nasabi na dito ako dadaan."

"Naku, paano na 'yan? Baka masaktan ka nanaman nun."

Inangat ko ang manggas ko, at ipinakita ko doon ang maliit na pasa ko.

"Saan mo naman nakuha 'yan, Lilian?"

"Siyempre, sa minamahal kong asawa. Sobrang sweet niya sa akin, 'no?"

"Hindi ka naman siguro masasaktan kung wala kang ginawang masama."

"Ganito kasi 'yan. Nagsuot siya ng dress. Tapos tinawag ko siyang binalot na suman. Joke lang naman 'yun, kasi ang sexy ng asawa ko e. Nagiging insecure na daw siya, tapos baka ipagpalit ko na sa iba. Ganun."

"Sabi ko sa'yo, tumakbo ka na nung araw ng kasal ninyo."

"Sana pala, pinakinggan kita Gretchen."

Pabiro nitong tinapik-tapik ang likod ko. Humigop ako sa kape na hawak ko, at tumingin ako sa madilim na langit.

"Si Esther, kailan pala ang uwi niya? Malapit na ang birthday ninyo, hindi ba?"

"Oo nga, e. Malapit na. Kaso, hindi pa daw siya pinapauwi nung mga kaibigan niyang investors."

"Naku, ang hirap nun. Baka hindi na umuwi ang asawa mo sa'yo. Hala ka."

"Huwag mo nga akong tinatakot! Baka mamaya, magkatotoo ang mga sinasabi mo. Para kang tanga, Lilian."

"Binibiro ka lang. Sige na, uuwi na kami ni Alliah at Allyanna."

"Kumain na kayo ng hapunan dito, Lilian. Para may kasalo kami."

Nagpunta agad kami sa sala ni Gretchen. May nakahandang lasagna doon, at fried chicken. Nakapalibot ang mga anak niya sa kaniya, habang nasa magkabilang gilid ko ang mga anak ko.

"Mom, balik tayo dito."

Napalingon ako sa bunso ko na si Allyanna. Tinapik-tapik ko ang braso nito, at hinalikan ko siya sa noo.

"Next time na ulit, Ally. Alam mo naman na nakasalalay ang kaligtasan ko sa tuwing dinadala ko kayo dito."

"Balik kayo!" nakangiting sabi ni Caramel dito.

"Opo, babalik kami." sagot naman ni Alliah sa kaniya.

•••

"Sige na, magpaalam na kayo sa Ninang Gretchen ninyo."

"Paalam, ninang!" sabay na paalam dito ni Alliah at Allyanna.

"Goodbye!"

"Paalam na rin, mga inaanak ko. Caramel, Sylvester, Aileen, Brittany, Sandra, at Rachel. Naku, mapuputol yata ang hininga ko sa pagtawag sa inyo!"

Sabay-sabay na kumaway ang anim na bata sa akin. Hinawakan ko na ang mga kamay ni Alliah at Allyanna, saka ko sila dinala sa kotse ko. Inayos ko na agad ang mga seat belt nila, at inabutan ko silang dalawa ng maliliit na unan.

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon