Kabanata I: Pagpapakilala

2.7K 49 7
                                    

(Gretchen's POV)

Alas-cuatro pa lang, gising na ako. Alas-sais ang pasok ko, kaya dapat maaga ako.

Inasikaso ko na agad ang pagligo, at ang uniform ko. Nang matapos ako, lumabas na agad ako sa condo unit ko at dumiretso ako sa labas para sumakay ng taxi.

"Manong, sa Marambong po." sabi ko dito.

•••

Pagdating ko sa gate ng paaralan, napansin ko agad ang nagkukumpulan na mga studyante. Naku, lunes pala ngayon kaya may flag ceremony kami. Hindi ako makadaan dahil sa mga studyanteng nakaharang kaya tumayo agad ako nang tuwid.

"Ehem!"

Nagkatitigan silang lahat nang makita ako, kaya dali-daling tumabi ang mga ito para makadaan ako. Pagpasok ko, dumiretso na agad ako sa principal's office. Tatlong beses akong kumatok doon, hanggang sa marinig ko ang boses ng principal namin.

"Pasok ka."

Pagpasok ko doon, umupo agad ako sa harap nito. Nagdekuwatro ako, habang inaantay ko na magsalita ang principal namin.

"Kamusta ka, Gretchen?"

"Ayos lang naman po ako. Handa na ako para sa unang araw ng pasukan. Inayos ko na ang lahat."

"Impressive. Lagi nalang. Wala na talaga akong masasabi."

"Mama, may hihilingin sana ako."

"Ano 'yun?"

"Gusto kong magturo sa Quisimbing. Gusto ko na ako ang magturo sa mga studyante doon."

"Hindi pwede, anak. Hawak na ni Echavez ang section na 'yun."

"Wala bang paraan para mapunta sa akin 'yon? Gustung-gusto ko na ako ang makahawak sa kanila. Besides, napatunayan ko na ang sarili ko."

"Alam mo na isa sa mga pinakamahalagang guro si Echavez sa atin. You'll get there, soon. Hawakan mo muna ang section 2, dahil ikaw ang inaasahan ko sa kanila."

"Sige."

Agad akong tumayo, at naglakad palabas sa opisina nito. Habang naglalakad ako sa corridor, napansin ko agad ang mga litratong nakapaskil sa pader. Mula sa head teachers, papunta sa principal. Napangiti ako nang makita ko ang litrato ko sa tabi ng mama ko. Gaya ng sinabi ng mama ko, darating rin ako sa panahon na ako ang papalit sa pwesto niya. Kung mababa ang ambisyon ko, walang mangyayari sa akin. Since ginusto ko maging head teacher ng departamento, gugustuhin ko na ring pumalit sa pwesto nito bilang punungguro ng paaralan na ito.

Tinahak ko na agad ang madilim na daan papunta sa Mathay Building. Nagulat ako nang biglang may mag-ilaw sa nilalakaran ko.

"Gretch, tulungan na kita?"

"Oh, ikaw pala Travis. Sige, salamat sa tulong mo."

"No problem. Alam mo naman na lagi kong gugustuhin na tumulong sa'yo, at tulungan ka. Basta, andito lang ako kapag kailangan mo ako. Kapag kailangan mo ng tulong, lapitan mo lang agad ako."

"Ikaw talaga. Pero seryoso, salamat talaga. Dinaig mo pa si flash, e! Andito ka kaagad kapag kailangan ko."

Nagpaalam na agad ako kay Travis nang iwan ako nito sa silid ko. Ako lang ang mag-isa sa classroom, habang inaatay ko ang mga studyante ko. Humigop muna ako sa kape na dala ko, bago ko ayusin ang lesson plan ko.

•••

Andito ako ngayon sa faculty, para ayusin ang mga libro na gagamitin ko mamaya. Hindi ko naman talaga kailangan ng mga libro, pero ginagamit ko sila madalas para may reference ako sa mga ituturo ko. Sumalubong agad sa akin si Lilian, ang katrabaho ko.

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon