IKATLONG SIKRETULA
Kapag nakahanap ka na ng inspirasyon, anong susunod mong gagawin?
— ang akala ng iba ay nobela lamang ang kailangan ng outline, pero hindi, ang pagsusulat ng tula ay kailangan rin ng maayos na pagpapalano.
+ depende pa rin sa iyo, makata. Pero para sa akin ay mas madali kapag may plano ka na, para ready-to-go na langs.
+ ito ang ginawa kong step-by-step kung paano mag-outline:
- una, kailangan mo syempre kumuha ng papel at pluma, para matandaan at maisulat mo ang lahat.
- pangalawa, syempre sabi ko nga, kailangan mong mag-isip ng paksa o ng inspiration. Isulat mo ito sa pinakang taas ng papel para mad magkaroon ka ng ideya.
- pangatlo, mag-isip ka ng titulo. Huwag kang mag-alala, makata, gagawa ako ng sikretula kung paano gumawa ng maganda at mabulaklak na titulo. Para kasi sa akin sa pagsulat ng tula, inuuna ko ang titulo para doon na lamang iikot ang ideya o mga salita. Depende pa rin naman sa iyo.
- pang-apat, magdesisyon ko kung ilang saknong ang gusto mo. Sa pamamagitan noon, mas alam mo ang gagawin at mas matatantsa mo ang bawat taludtod.
- pang-lima, eto ang isa sa mga pinaka-importante, ang paglalagay ng mga keywords sa bawat saknong. Halimbawa, gagawa ka ng tula tungkol sa unang pag-ibig mo (first love).
+ sa unang saknong, doon mo ilalagay kung anong gusto mong ilagay sa saknong na iyon, kunwari ay gusto mong ilagay doon kung paano kayo nagkakilala o kung paano muna kayo nagkamabutihan.
+ at 'yun nga, hanggang sa mailista mo lahat ng mga keywords sa bawat saknong. Oh diba? Mas madali ka ng makakasulat. Pero ang iba kasi, pag mahusay na talaga, hindi na nila kailangan ang mga ito. Kumbaga, on the spot na, pero sa tingin ko ay bagay ito sa mga nagsisimula pa lamang o beginner pa.
Naintindihan mo na ba? Mag-outline na! At kapag nakaoutline ka na, pumunta na tayo sa IKAAPAT NA SIKRETULA!
- Admin #aven
BINABASA MO ANG
SIKRETULA: Gabay na aklat para sa mga makata
PoetryNais mo bang matutong lumikha ng libo-libong tula? Mga tulang gusto mong maging daan upang ika'y maging malaya? Tama ang napuntahan mo, makata. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga sikreto o sangkap kung paano gumawa o maghabi ng mga letra sa pagbu...