IKASIYAM NA SIKRETULA
— Palaging magbasa ng tula. Para sa akin ay ito ang pinaka nagbibigay tulong para mas mahasa pa ang ating isip tungkol sa paggawa ng tula. Marami tayong matutuklasang bawat salita, kataga at mga mensahe.
+ Marami itong maaaring maging benepisyo bilang makata. Tulad ko, marami akong mga poetry book na binabasa kaya mas nagiging mahusay at bihasa na ako. Hindi naman sa gagayahin mo ito, dahil bawal na bawal ito. Gawin mo lang iyong motibasyon para magpatuloy na magsulat.
+ Ang pagbabasa ng tula ay makakatulong sa atin na magkaroon ng bagong kaaalam sa larangan ng poetry. Marami ito.
+ Tulad na lamang na kapag nagbasa ka, mapapaisip ka ng . . . "Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang ito?" "Paano kung gumawa rin ako ng tula tungkol dito?"
+ Mas lalawak din ang ating bokabularyo. Mas lalawig ito. At mas gaganahin tayong magsulat.
Kaya ano pang hinihintay mo? Magbasa ka na ng mga tula! At dumako na tayo sa IKASAMPUNG SIKRETULA!
- Admin #aven
BINABASA MO ANG
SIKRETULA: Gabay na aklat para sa mga makata
PoesiaNais mo bang matutong lumikha ng libo-libong tula? Mga tulang gusto mong maging daan upang ika'y maging malaya? Tama ang napuntahan mo, makata. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga sikreto o sangkap kung paano gumawa o maghabi ng mga letra sa pagbu...