IKALIMANG SIKRETULA
— Gumamit ng mga literary devices. Hindi lamang five senses ang maaaring gamitin sa pagsusulat ng tula. Maraming paraan o mga elemento kung paano pagandahin ito.
+ Napakarami ng literary devices. Pero narito ang sampung literary devices kadalasang ginagamit ng mga manunulat:
• Simile
• Metaphor
• Imagery
• Symbolism
• Flashbacks
• Foreshadowing
• Motif
• Allegory
• Juxtaposition
• Point of view+ At sa pagsusulat ng tula, para sa akin, ay ang kadalasan o ang pinakamainam gamitin ay ang simile, metaphor, symbolism, flashbacks at imagery.
+ Marami talagang paraan sa paghahabi ng mga letra. Maging malaya tayo sa pagsusulat at huwag mahiyang mag-explore ng bago dahil isa ito sa mga paraan para mas maging bihasa o mahusay na tayo sa paggawa ng tula.
+ Alam na naman nating lahat kung paank gamitin ang simile at metaphor. Ito kasi ang mas ginagamit o mas may presensya sa tula. Ang simile ay ginagamit upang ihantulad ang isang bagay o pangyayari sa isa pang bagay. Samantalang ang metaphor naman ay parehas rin sa simile, magkaiba lang talaga sila ng ginamit na salita.
At kapag napag-aralan mo na ang mga ito, maaari mo na itong subukan! Huwag lamang kayong mahiyang magtanong at magcomment para mas may matutunan pa kayo. At kapag naintindihan mo na dumako na tayo sa IKAANIM NA SIKRETULA!
- Admin #aven
BINABASA MO ANG
SIKRETULA: Gabay na aklat para sa mga makata
PoetryNais mo bang matutong lumikha ng libo-libong tula? Mga tulang gusto mong maging daan upang ika'y maging malaya? Tama ang napuntahan mo, makata. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga sikreto o sangkap kung paano gumawa o maghabi ng mga letra sa pagbu...