PAGBATI, MAKATA!Kumusta ang iyong pagbabasa rito? Marami ka bang natutuhan? Nais kong malaman ang inyong karanasan sa paggamit ng guide book na ito at bukas po ang account na ito sa anumang feedback na inyong masasabi.
Ang parte na ito ay hindi patungkol sa tips kung paano magsulat ng mabisa’t makabuluhang tula. Narito po ako upang ipabatid sa inyo na pansamantala na pong isasara ang guide book na ito.
Subalit, huwag kang mabahala sapagkat sa susunod na sesyon (session) o sa panibagong season nito ay ating bubuksan muli ang panibagong SIKRETULA guide book kasabay ng iba pang mga bagong detalye’t impormasyon patungkol sa pagsulat ng mga tula at nakasisigurado akong makatutulong ito upang lumago kayo sa inyong kakayahan sa pagsulat.
Sa kasalukuyan po ay may imbitasyon po akong nais na ring ipaalam sa inyo.
Inaanyayahan ko po ang lahat at ang bawat isa sa inyo na makilahok at sumali sa “BANYUHAY: Pagyakap sa Pamanang Wika” ito ay makikita rin po sa mismong wattpad account na ito.
Ang nasabing pamagat ay isang aktibi na magsisilbing daan upang maisagawa ninyo sa sarili ninyong paraan ang mga natutuhan ninyo sa SIKRETULA. Sa Ingles ay tinatawag itong, applying what you’ve learn.
Kung nais mong malaman ang iyong kapasidad pagdating sa pagsulat ng mga tula, at kung nais mong mahasa ang iyong bokabularyo sa wikang Filipino, bakit hindi mo subukang sumali?
Nagagalak akong makita ang inyong mga tula, makata! Nawa’y maisipan ninyong sumali at subukan ang munting aktibi na ito sa pagsulat ng tula.
Hanggang sa muli, makata! Sali ka na. ♡
—Admin Mβ
BINABASA MO ANG
SIKRETULA: Gabay na aklat para sa mga makata
PoesíaNais mo bang matutong lumikha ng libo-libong tula? Mga tulang gusto mong maging daan upang ika'y maging malaya? Tama ang napuntahan mo, makata. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga sikreto o sangkap kung paano gumawa o maghabi ng mga letra sa pagbu...